Chapter 52

218 Words
“Tinatamad talaga akong mag-practice ngayon ng sayaw,” nanghihinang sambit ni Gorgie.  Nakangisi itong binatukan ni Ruan. “Baka nakakalimutan mo na ngayon pa lamang mag-uumpisa ang practice mo, Gorgie. Walang lugar iyang katamaran na ‘yan ngayon,” prangkang puna ni Ruan dito. Napatango si Emrys. Tama si Ruan. Ngayon pa lamang magsisimula ang everyday practice nila kaya naman hindi maganda ang binabalak ni Gorgie. Napapadyak ito ng mga paa.  Inakbayan ni Graza si Gorgie at kinausap. “Ano ba naman kasi ang problema kung aatend ka ng party?” mahinahong tanong ng kaniyang kapatid dito.    Nagkibit lamang ito ng balikat at kagat-labing nag-isip ng sasabihin. “Ah! Basta… Huwag niyo akong pilitin at hindi ko pa maaaring ikuwento.” Nagkatinginan silang lahat at wala sa oras na napasipol. Labis na pang-aasar ang natanggap ni Gorgie nang basta na lamang silang maghalakhakan. “Sumusobra na kayo, guys!” inis na puna nito sa kanilang lahat. “Baka isipin ng iba may boyfriend na talaga ako.”       “Ayaw mo niyon?” pang-aasar lalo ni Ruan dito.       “Ikaw talaga Ruan!” seryosong sambit nito.   Nanlalaki ang kanilang mga mata nang       Natigil sila nang pumasok na ang kanilang guro. Wala nang nagbalak magsalita pa sa kanila.       “May assignment ka?” pasimpleng tanong ni Ruan sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD