Chapter 42

2182 Words
Nagtatakang tingin ang iniukol niya kay Galena nang humahalakhak ito na tila ba naloloka. Namumula ang mga pisngi at namumungay ang mga mata. Hindi maikakaila na may tama na ng alak ang babae. Kabadong-kabado siya dahil sa lagay nito ngayon. “Mayroon ka bang problema, Galena?” Pinilit niya ang sarili na kumalma kahit na medyo nahihirapan na siya. Nahihirapan siyang ipaliwanag ang kaniyang nararamdaman. Nakikinita niya ang panganib. Sino ba naman kasi ang hindi mababahala? Hindi siya naniniwalang balewala lamang ang paglapit nito sa kaniya pagkatapos nitong mang-agaw ng mic mula sa emcee. Mas lalong lumakas ang sarkastikong halakhak nito. “Hello, my bigateng kinakapatid!” nakangising bati nito sa kaniya. “Alam mo bang naiirita talaga ako sa’yo? Sobrang kapal nga naman talaga ng mukha mo para isiping nais kitang maging kaibigan!” Literal na nagimbal siya dahil sa kaniyang narinig. Napakurap siya rito. “A-Ano bang pinagsasabi mo, Galena?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. Napapahiya siya dahil sa pinagsasabi nito ngayon tungkol sa kaniya sa mismong harapan ng napakaraming tao. “You shut up!” nanlilisik ang mga matang singhal nito sa kaniya. Napatalon siya sa gulat dahil sa ginawa nito. Nanginig siyang bigla sa takot. Ni hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mali laban rito. “Sa lahat ng hindi kaaya-ayang bagay sa ibabaw ng mundo, alam mo bang ikaw ang pinakamalala?” asik nito sa kaniya. “Magugulat ka na lamang siguro kapag narinig mo ngayong gabi ang katotohanan sa likod ng pakikipaglapit ko sa’yo… It was all because of the Crown Alpha!” Napasinghap ang lahat dahil sa ibinunyag nito. Lakad-takbo itong nilapitan ng sarili nitong mga kaibigan. Lalo na siya. Gulat na gulat siya dahil sa kaniyang nalaman. Ibig sabihin ba niyon ay ginamit lamang siya nito? “Galena!” mariing tawag dito ni Fazi at sinubukan itong pigilan. Nakasunod ang iba pang mga kaibigan nito rito. “Oh?” nakangising sambit nito pagkakita sa mga kaibigang nahihiya sa eksenang ginagawa ni Galena. “Stop it, Galena,” saway muli ni Fazi rito. Nakikinita sa mukha nito ang iritasyon para sa kaibigan. Nanlalaki ang mga mata ni Galena kay Fazi. “Stop it?” hindi makapaniwalang ulit nito sa sinabi ng kaibigan. “Sino ka para singhalan at utusan ako? Baka nakakalimutan mo, Elmoda, kaibigan lamang kita.” “I-Ikaw!” gitlang sambit ni Fazi rito. Namumula ang mga pisngi nito at hindi malaman kung dahil iyon sa pagkapahiya o iritasyon para sa kaibigan. “Sabi ko naman kasi sa’yo na huwag kang magpapakalasing…” “Magpakalasing?” hindi makapaniwalang tanong nito at muling napangisi sa huli. “Sabi ko naman sa’yo na kailangan kong mapikot ang Crown Alpha ngayong gabi, eh!” masayang sambit nito sa mismong mikropono na ikinagimbal ng lahat ng nakikiusyuso. “Shocks! Quick… We have to film this!” Napalunok siya at nanlalaki ang mga mata niyang inilibot sa paligid. Mali ang nangyayari. Paniguradong masisira si Galena dahil sa pinaggagawa nito. Akmang lalapitan niya ito upang pakiusapan nang maagaw ang atensyon nito ng isang tanong. “Sinong Crown Alpha ba iyang tinutukoy mo?” hindi nakatiis na tanong ng isang lalaki mula sa crowd. Nagtawanan ang crowd dahil sa tanong na iyon ng lalaki. Mas idinilat ni Galena ang kaniyang mga mata na tila ba hinihila na ng antok. “Ofcourse—” Naiiling na tinakpan ni Fazi ang bibig nito. “Itigil mo na itong kahangalan na pinaggagawa mo, Galena,” mariing pakiusap ng babae habang nagpapadyak. “For goodness’ sake, you are making a scene!” Isang malakas na sampal ang iginawad nito kay Fazi. The next thing Emrys knew is that nagkikislapan na ang mga camera na nakatutok mismo kay Galena. Hindi napalis ang ngiti sa mga labi ni Galena. Tuluyan na ngang nilamon ng alak ang buong kamalayan nito. Umiiling na hinawakan pa rin ni Fazi ang kamay nito ngunit nakangising iwinaksi lamang iyon ni Galena. “Makinig kayo!” tawag nito sa lahat ng nakapaligid. “Hindi ako mahihiyang aminin na gusto ko si Gila Cox. I think we are a heaven’s match! Nasa akin na ang lahat kaya naman bakit ko pa patatagalin?” nakangising sambit nito. “Huwag mo sanang pagsisisihan ang lahat ng nakakahiyang pinagsasabi mo ngayon, Galena,” nanlulumong sambit ni Fazi bago naglakad paalis. Napalingon si Emrys sa babaeng lumapit sa kanila. Si Evermore iyon. Nanlilisik ang mga mata ng babae kay Galena. “Dalhin niyo nga itong babae na ito at itapon niyo sa labas ng mansion!” walang pag-aalinlangan na utos ni Evermore sa mga bodyguards na nakasunod mismo rito. Nanlalaki ang mga mata ni Emrys dahil sa narinig. Naalerto siyang bigla nang akmang lalapitan si Galena ng mga naglalakihang mama. Huli na siya para roon. “Huwa—” “At sino ka naman?” nanliliit ang mga mata ni Galena na dinuro si Evermore saka lumapit sa babae. “Ako?” hindi makapaniwalang sambit ni Evermore. “Masyado mo yatang minamataas ang sarili mo, miss.” “Bhakit naman hindi?” tila nasisiraan ng bait na tanong dito ni Galena. “Te’ka… Ikaw ba ‘yong bestfriend kuno ng future alpha ko? Duh? Akala mo ba hindi ko alam na may pagnanasa ka rin sa kaniya? Sa isang tingin—” Natigilan ang lahat dahil sa ginawa ni Evermore. Isang malakas na sampal ang ipinadapo nito sa pisngi ni Galena. “Pak!” Tumalsik yata ang buong kaluluwa ni Galena dahil sa sampal na iyon ni Evermore. “What?” nakangiwing sambit ni Galena habang nanginginig ang sarili nitong palad na nakahawak sa pisngi. “Walanghiya ka!” Ubod ng lakas nitong hinila pababa ang mahabang buhok ni Evermore. Natulala na lamang yata si Emrys mula sa kaniyang kinatatayuan dahil sa sobrang shock. Nagawa pang daganan ni Galena si Evermore. Nagkakagulo na ang lahat sa huli. Chini-cheer ng mga ito si Galena. Samantalang pilit namang inaabot ni Evermore ang ulo ni Galena. “b***h! Huwag mo akong daganan!” nanggigigil na sambit nito. Pumiyok pa ang boses nito sa sobrang pagkainis. Tuluyan na siyang nagitla mula sa kinatatayuan. Ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng ganitong eskandalo. “H-Hoy!” natatarantang sambit niya nang wala sa oras. “Tumigil kayo na kayo please… Galena!” Shock man sa nangyari ay naupo siya at sinubukang awatin ang mga ito. “b***h talaga ako!” sambit ni Galena rito at mas nilakasan pa ang pagsambunot kay Evermore. Palibhasa’y lasing na ito. “At ikaw… Pasalamat ka lamang at naririto si Gila sa party mo kung hindi’y wala ako rito ngayon. All the Aswun boys who are here tonight came here for me and not to welcome you!” Nahabag siya kay Galena pagkatapos itong kaladkarin ng mga bodyguards palayo kay Evermore. Sa tantiya niya’y magkakapasa ito nang wala sa oras lalo na’t nagagawa pa rin nitong magpumiglas. Sa pag-aalala niya’y sinundan niya pa ang mga ito habang hila-hila si Galena palabas ng apat na sulok ng party hall na iyon. “Serves her right!” “Iyan ba ang ipinagmamalaki na estudyante ng Luna College?” “Bumaba talaga siya sa ganiyan? Yuck!” “Bakit ba kasi narito iyang mga ‘yan?” “Tatandaan ko ‘yang mga mukha niyong mga bakulaw!” pagsisigaw ni Galena habang nagpapadyak ng mga paa. “Humanda kayo. Ipapahuli ko kayong lahat at gagantihan!” Awang-awa siya sa lagay nito. Marami siyang narinig na pangungutya laban sa kanilang paaralan ngunit masyado siyang focus kay Galena. “Please… Dahan-dahan lamang po ang paghila,” pakiusap niya sa mga mamang kumaladkad dito. Masamang tingin ang iniukol sa kaniya ng lalaki. “Kaibigan mo ba ito, miss?” ungkat sa kaniya ng mama. Kagat-labi siyang tumango sa mga ito bilang pag-amin. “Nah!” nakangising ikinaway ni Galena ang kamay nito sa ere. “Wala akong kaibigan na isinumpa!” Sinundan nito iyon ng nakakainsultong tawa ang iniukol sa kaniya. Naiiling na tinapunan ito ng tingin nung mama. “Kawawa ka naman, miss. Hindi ka dapat nakikipagkaibigan sa kagaya nito.” Napangiwi siya at napayuko sa huli. “Ako na po ang bahala sa kaniya,” ani niya rito. Nang paalis na ang mga ito’y bigla na lamang ang naging pagtayo ni Galena. “Hoy! Saan kayo pupunta? Hindi pa ako tapos! Alam niyo ba kung sino ako? Ha?” walang prenong pagsisigaw nito. Maging ang mga bulung-bulungan sa paligid ay wala pa ring katapusan. “Galena!” mariing saway niya rito. “Kumalma ka na muna…” Ngunit tila hangin lamang na hindi siya nito pinansin. “Anak ako ni Del—” “Shut up!” malakas niyang bulyaw dito bago pa nito maisawalat ang nais nitong sabihin. Hindi iyon maaari. Mabuti na lamang at nakinig naman ito. Mahirap na kapag nalaman ng mga ito kung sino ang ama nito. Sa eskandalong nilikha nito’y nasisiguro niyang hindi nito gugustuhin na maidagit ang pangalan ng sarili nitong ama. Matalim na tingin ang iniukol nito sa kaniya pagkatapos. “Nariyan ka pala, Emrys…” Nakangisi ito nang malawak. “May sinabi ba akong kailangan ko ang tulong mo?” sarkastikong saad nito. Pilit niyang pinatatag ang sarili. “Emrys!” Napalingon si Emrys sa mga paparating na kaibigan. Huminto ang nag-aalalang si Ruan sa kaniyang harapan at hinarangan siya mula kina Evermore at Galena. “G-Guys!” nanghihinang sambit niya sa mga ito. Lihim siyang napausal ng pasasalamat. Mabuti na lamang at dumating na ang mga ito. Sa wakas! “Ew!” Halos mapasuka na rin si Gorgie pagkatapos sumuka ni Galena sa kanilang harapan. “That’s gross of her!” “Nakakaloka!” Naiikot ni Ruan ang mga mata sa ere. Napailing naman si Emanya. “Iyan ba ang ipinagmamalaki nila sa higher year? Look, mas masahol pa siya sa tambay. Nakakahiya talaga!” “Guys, puwede bang alalayan natin siya palabas nang dahan-dahan?” pakiusap niya sa mga ito. “Ha?” Awtomatikong tumaas ang boses ni Ruan. Mukhang tutol na agad ito. “Asan na ba ang mga kaibigan niyan? Masyado naman yata tayong mabait para daluhan ‘yang babae na iyan. Kita mo naman ang ugali niya, ‘diba?” Pinagmasdan niya ang mga ito ngunit halatang-halata sa mukha ng mga ito na walang may balak tulungan siya. “Isipin niyo na lamang guys ang mangyayari kapag iniwan natin siya rito. Mas lalo lamang mapapahiya ang paaralan natin.” Mahinahon niyang paliwanag sa mga ito sa pag-asam na maiintindihan pa rin siya ng mga ito kahit papaano. “Well, may punto ka.” Napakamot si Ruan sa buhok nito. Nagpakawala lamang ng isang malalim na buntong-hininga si Emanya. “May choice pa ba tayo?” salubong ang kilay na sambit ni Gorgie. Pinagtulungan nga nila itong akayin palabas ng mansion nang bigla nilang makasalubong si Fazi. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa kanila. “Saan niyo dadalhin ang kaibigan ko, huh?” nanliliit ang mga mata nito habang ang boses ay nang-aakusa. Hindi niya ito pinansin. “Huwag kayong hihinto,” mariin niyang utos sa mga kaibigan. Wala siyang balak kibuin ang babae. Kitang-kita niya kanina ang pag-iwan nito kay Galena. Hindi gano’n ang alam niyang pagkakaibigan. “Kinakausap kita, Emrys!” nangangalaiting sambit nito pagkatapos nilang lampasan. Ngunit nanlalaki ang mga mata niya nang basta na lamang may mga daliring humablot sa buhok niya. Gustuhin man niyang protektahan ang kaniyang maskara ay hindi niya agad nagawa. Hindi niya basta mabitawan ang ulo ni Galena. Sa huli’y dahan-dahan niyang ibinaba ang babae at hindi nakatiis na sinugod ang lalaki. “Ano ba?!” nanggigigil na sambit niya rito. Masyadong naging mabilis ang pangyayari. Hindi niya inaasahan nang bigla na lamang siyang itulak ni Fazi. Malakas at tuluyan siyang nawalan ng balanse. Ang inaakala niyang pagbagsak sa matigas at mabatong sahig ay hindi nangyari sapagkat sinalo siya ng tubig sa pool. Agad siyang nagpanic. “T-Tulong!” awtomatiko niyang paghingi ng saklolo. Hindi niya kayang lumangoy. Ngunit tila maging ang boses niya’y nalulunod. Mas lalo siyang nagpanic. Mukhang heto na ang katapusan niya. Mamamatay na yata sya ang wala sa oras. “Emrys!” Nagsitilihan sa pinaghalong gulat at takot ang mga bisita na nasa paligid lamang nila. Maging ang mga ito ay nagulat sa nakita. Isang lalaki ang patakbong lumapit sa kinaroroonan ng pool at walang pag-aalinlangan na tumalon sa ibabaw ng tubig sa kabila ng pormal na kasuotan nito. Ngunit si Emrys ay tuluyan nang pinanghinaan ng loob at katawan. Alam niya sa kaniyang sarili na suko na siya. “Emrys!” May pamilyar na boses ang tumatawag sa kaniya habang nag-aagaw buhay na siya at unti-unti nang lumulubog ang kaniyang nanghihinang katawan. Paano’y wala na siyang natitirang lakas ng katawan upang ilaban ang kaniyang buhay. Sino ba itong paparating? Siya na ba ang tinatawag nilang kamatayan? Bago siya tuluyan na kunin ng antok ay naaninagan niya pa ang bulto ng isang lalaki bago narinig ang huling mga salitang tumatak sa kaniyang isipan. “Hindi ka pa puwedeng mawala. Magiging Luna pa kita…” At tuluyan na ngang nagdilim ang kaniyang paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD