Bahagyang naalimpungatan si Emrys dahil sa naririnig niyang mahihinang paghagulhol. Sinikap niyang dinilat nang maigi ang nanlalabo na mga mata.
Unang nasilayan niya ang hindi pamilyar na paligid sa loob ng isang estranghero na kuwarto.
Sunod niyang nakita ang nakayukong si Graza. Agad niyang namataan ang namamasa sa luha nitong mga pisngi.
“G-Graza,” mahinang tawag niya sa pangalan ng kapatid. Hindi niya napigilan ang sarili na hindi mautal sapagkat ramdam niya ang panunuyot ng kaniyang lalamunan sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.
Ang kapatid niyang si Graza na masyadong tutok sa pag-iyak ay nagulat pagkatapos nitong mapagtanto na gising na pala siya. “Emrys!” Puno nang pananabik na niyakap siya nito.
Hindi niya naiwasang pagtakahan dahil sa weirdong inaakto ng kapatid. “B-Bakit k-ka naman umiiyak, Graza?” Nagtataka niya itong inilayo nang bahagya mula sa kaniya.
Pinanlakihan siya nito ng mga mata pagkakita na hilam na sa luha ang mga mata ni Graza.
“Tinakot mo ako nang sobra, Emrys!” humahagulhol na saway nito sa kaniya.
Maang siyang napakurap habang nakamasid dito. “Hindi kita maintindihan, Graza.” Naiiling na humigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay nito.
“Wala ka bang natatandaan sa nangyari?” kunot-noong tanong nito sa kaniya.
Natigilan siya. Binalikan niya sa kaniyang isipan ang lahat ng natatandaan niya bago siya nawalan ng malay.
“Hindi ba at nasa welcome party tayo pero…” Naiiling na napahinto siya mula sa kaniyang pagbabalik tanaw sa huli niyang natatandaan na pangyayari.
“Itinulak ka ni Fazi sa loob ng pool, Emrys,” nanginginig sa galit na pagpapaala nito sa kaniya. Natakot siya nang ikuyom nito ang kamao habang nanliliit ang sarili nitong mga mata.
“Papaanong itinulak, Graza?” Laking gulat niya sa narinig.
“Nakalimutan mo na ba talaga, Emrys? Ipinahiya ka ni Galena sa party at pinagtangkaan pa ng masama ang buhay mo ng kaibigan niyang si Fazi. I swear that I nearly kill that b***h for putting your life in danger!” asik nito sa kaniya.
Napapikit siya. Naalala niya na. Pinagtutulungan siya ng mga ito nang may tumulak sa kaniya mula sa kaniyang gilid dahilan kung bakit siya bumagsak sa tubig ng pool.
“P-Paano nila nagagawa ‘yon?” nanliliit ang mga matang tanong niya sa sarili. Wala naman siyang natatandaan na ginawa niyang mali upang magkaganoon na lamang ang mga ito. “Nakita ba nila ang mukha ko, Graza?”
HIniling niya na sana’y lumuwa ang sahig at lamunin na siya niyon habang buhay.
Para naman siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Hindi niya alam ang mangyayari kapag nangyari na nakita ng mga ito ang kaniyang tunay na kaanyuhan.
Hinampas siya nito nang mahina sa kaniyang braso. “Ikaw naman kasi, eh! Hindi nga ba’t ilang beses ka nang pinaalalahanan nila Ruan? Bakit kasi hindi ka na lamang nakinig sa kanila?” lukot ang mukha na angil nito.
Tuluyan na siyang hindi nakaimik. Nalunok niya na yata ang kaniyang dila nang buo. Naisip niya na may punto ang sinabi ni Graza. Hindi sapat na nakinig lamang siya sa sinabi ng mga kaibigan nila dapat ay sinunod niya rin ang payo ng mga ito.
“Nasaan tayo, Graza?” tanong niya sa kapatid. Alam niyang wala sila sa kanilang mansion. Malabo rin na nasa hospital sila ngayon.
“Nandito tayo ngayon sa mansion ng mga Cox,” kagat-labing sambit nito bago pa kung saan-saan makarating ang isipan niya.
Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat dahil sa nalaman. “A-Ano?!” nataranta siyang bigla. Ibig sabihin ay hindi pa sila nakakauwi simula kanina.
“Wala kang dapat ipag-alala, Emrys… Naitawag ko na sa bahay. Alam nina mama at papa na dito sa mansion ng Cox tayo magpapalipas ng buong gabi,” mahinahong paliwanag nito upang mapakalma siya.
Ngunit mas dumami lamang ang mga tanong sa kaniyang isipan dahil sa sinabi nito. “Anong sabi nila, Graza? Alam ba nila ang nangyaring kaguluhan kanina? Paano mo sila napapayag? Paano mo sila nakumbinsi?” sunod-sunod niyang tanong dito. Hindi niya napigilan ang kaniyang sarili. At marami pang natitirang katanungan ang kasalukuyang tumatakbo sa loob ng kaniyang isipan.
Tumayo ito at inabot ang isang baso na may lamang tubig. “Uminom ka kaya muna,” mahinahong sambit nito sabay abot ng inumin sa kaniya.
Ilang segundo muna ang lumipas bago iyon inabot ni Emrys. Ngunit hindi niya agad iyon tinungga. “Kumusta naman sila Ruan?” nag-aalalang tanong niya sa kapatid.
Nanlaki bigla ang mga mata nito. “Oo nga pala!” May naalala yata itong bigla.
“Ano ‘yon, Graza?” Nagtataka niya itong sinundan ng tingin. Tinungo ng kapatid ang pinto at binuksan iyon nang hindi sinasagot ang tanong niya.
Pinagmasdan niya itong lumabas. “Saglit lang,” paalam nito.
“Wait,” pigil niya rito. “Sa’n ka pupunta?”
Ngunit nabitin lamang sa ere ang kaniyang katanungan sapagkat tuluyan nang naisara ng kapatid ang pinto pagkalabas nito.
Naiwan siyang tulala sa kawalan. Kinukuwestiyon ang kaniyang sarili kung saan ito nagtungo at bigla na lamang siyang iniwan.
Nataranta siya sa gulat nang muling magbukas ang pinto at iniluwa niyon ang malakas na tili ni Gorgie. “Emrys!”
Daig niya pa ang naestatwa habang pinagmamasdan ang pagpasok ng apat sa loob ng silid na kinaroroonan niya ngayon.
Sinalubong niya ang mahigpit na yakap ni Gorgie. Bahagya pang nakaawang ang kaniyang bibig. Ang hirap paniwalaan na nasa labas lamang pala ang mga ito at hinihintay siyang magising.
“Bakit hindi pa kayo umuwi?” nag-aalalang tanong niya sa mga ito.
Nagkatawanan ang mga ito. “Guess what?” Si Gorgie ang nagsalita. “Dito rin kami matutulog sa mismong loob ng silid na ito.”
“What?” bahagya siyang napaatras dahil sa sinabi ng mga ito.
Hindi iyon maaari. Kabadong tingin ang iniukol niya kay Graza. Nagpapasaklolo siya rito. Paano kung aksidenteng makita ng mga ito ang kaniyang mukha? Hindi sa wala siyang tiwala sa mga kaibigan ngunit malaking usapin iyon kapag nagkataon. Kailangan niya pa ring mag-ingat.
“Sa ibabaw ng kama tayo matutulog at diyan naman sila sa sahig,” paliwanag ng kapatid niya sa kaniya na bahagyang ikinapanatag ng kaniyang loob.
“Mabuti at nakahinga ka rin nang maluwag,” komento ni Ruan sa kaniya habang nakangisi.
“Ano bang klaseng drama ‘yan?” nakangiwing sambit ni Emanya.
Nagkatawanan silang lahat dahil sa sinabi nito.
“Kumusta naman ang kalagayan mo, Emrys?” tanong ni Ruan sa kaniya kapagdako.
Tipid siyang napangiti sa mga ito. “Ayos na ayos lamang ako ngayon, guys. Hindi niyo kailangang mag-alala.”
Napapitik sa ere si Gorgie. “Sabi na sa inyong ayos lamang si Emrys. See?” kibit-balikat na sambit nito.
Nakatanggap ito ng irap mula kay Emanya. “Wala ka namang sinasabi,” hindi nakatiis na pambubuko nito sa kaibigan.
“Meron kaya!” giit pa rin ni Gorgie. Wala na naman itong balak na magpatalo. Dahil diyan ay naumpisahan na naman ang pag-iingay ng mga ito.
Kagat-labi lamang siyang napangiti rito. “Thank you guys pero nais ko talagang malaman kung paano niyo nakumbinsi ang mga magulang natin.”
Natahimik ang mga ito at makahulugang tingin ang iniukol sa isat-isa. Nilakihan ng mga mata ni Gorgie si Graza at inakbayan ito.
“Sabihin mo na kasi,” paalala nito sa kaniyang kapatid.
Tila napipilitan na umupo si Graza sa kaniyang tabi at hinawakan ang kaniyang palad. Nakikiusap ang tingin ng mga mata nito. “Ganito kasi ‘yan, Emrys… Alam mo naman na hindi ko maaaring isawalat ang tunay na pangyayari kundi’y paniguradong pagmumulan na naman ito ng isang napakalaking gulo. Mabuti na lamang at nakaisaip si Ruan ng isang magandang paraan,” mahabang paliwanag ni Graza.
Napalingon siya kay Ruan. “A-Anong paraan, guys?”
“Inutusan ko si Graza na tumawag sa inyong mga magulang at sabihin na rito tayo pinalipas ng gabi ng mag-asawang Cox sapagkat madaling araw na natapos ang party,” seryosong sambit ni Ruan.
Napataas ang kaniyang kanang kilay sa gulat. “Totoo ba?” kabado niyang tanong dito.
Sabay-sabay na tumango ang mga ito sa kaniya.
“Naniwala naman ba?” kagat-labing tanong niya sa mga ito.
Si Ruan naman ang tumango.
“Aba’y oo naman,” nakangising sambit ni Gorgie habang nakataas ang noo. “Bakit naman hindi?”
Mas lalo siyang hindi napalagay dahil sa kaniyang narinig. “What exactly did you guys tell them?”
“Basta!” giit ni Emanya na hindi na nakatiis sumingit sa kanilang usapan. “To make the story short, ang Crown Alpha mismo na iyon ang kumausap sa’yong mga magulang at kinumpirma pa iyon ng mag-asawang Cox sa magulang mo. Kapani-paniwala na ba ‘yan, Emrys?”
Napasinghap siya dahil sa kaniyang narinig. Napayuko pa siya dahil sa hiya na biglang sumiglot sa kaniyang pakiramdam. “T-Thank you guys!” pasasalamat niya sa mga ito.
Hindi siya makapaniwalang nariyan ang mga ito sa oras ng pangangailangan niya.
“Ano ka ba ayos lang ‘yan. What friends are for?” Marahan siyang tinapik ni Gorgie sa kaniyang balikat.
“Yup!” sambit ni Ruan. “Anong drama ‘yan? Aren’t we friends?”
Tuluyan siyang napayuko at napatakip ng kaniyang mga mukha. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Sobra ang pangingibabaw ng kasiyahan sa kaniyang puso.
“C-Can I receive a hug, guys?” pilit niyang pinatatatag ang kaniyang boses.
Nagkatinginan ang mga ito at nagtawanan. Napahagalpak na siya ng tawa nang isa-isa siyang lapitan ng mga ito at yakapin.
“Grabe kayo! “ sambit niya sa mga ito. “Sobrang ikli pa lamang ng panahon na pinagsamahan natin and yet nariyan kayo sa oras na kailangan ko ng makakaramay. Ipinagtanggol niyo ako at hindi ako hinayaang apihin ng ibang tao.”
“Ano ka ba? Gagawin pa rin namin iyon kapag kay Graza iyon nangyari o kaninuman sa tropa,” si Emanya iyon. Hindi pala ito nakayakap sa kaniya. Nakasandig lamang ito sa pader habang nakamasid sa kanilang lahat.
“Oo nga naman!” nakangising bumitaw si Ruan mula sa pagkakayakap sa kaniya.
“Psssh!”
Nanlalaki ang mga mata niya pagkakita kay Hesa na nasa balikat niya ngayon. Nahigit niya yata ang kaniyang hininga pagkakita rito. Matagal na rin nang huli niyang nakita ang mga ito.
Sa sobrang katuwaan ay bigla niya na lamang itong dinala sa kaniyang kandungan. Nakalimutan niyang magdahan-dahan. Huli niya nang napagtanto na masyadong maliit ang katawan nito at muntikan niya na itong mabalian.
“So-Sorry, Hesa!” nakangiwing paghingi niya kaagad ng paumanhin sa babae.
Tinawanan lamang siya nito.
“Ano ba ‘yang inihihingi mo ng tawad diyan, babae?” nakapamaywang na tanong sa kaniya ni Emanya. “Hindi ka naman kakagatin niyan kahit na anong mangyari. Nakalimutan mo na ba? Hesa fell in love the very first time she saw you.”
Napakurap siya. Hindi iyon ang pinupunto niya kanina ngunit may kung anong tuwa at galak ang lumukob bigla sa kaniyang dibdib.
Muli niyang pinagmasdan si Hesa. Na-miss niya ito nang sobra. “Dinala mo pala siya?” hindi nakatiis na tanong niya rito.
Tumango naman ito. “Oo naman. Ang tanging rason kung bakit niyo ako napilit pumunta ng party, wala iyong iba kundi dahil sa kaniya. Mas mahilig magsaya si Hesa kaysa sa akin.”
Natawa siya dahil sa sinabi nito. “Nagbibiro ka ba, Emanya? Pfft!” Grabe ang pagpipigil niya ng tawa.
Hindi lang naman siya ang natawa dahil sa sinabi nito. Kapagdako’y tumikhim si Ruan at hinarap siya. “She’s telling the whole truth, Emanya,” pagsuporta nito sa sinabi ng kanilang kaibigan.
“Yeah!” naiiling na sambit ni Gorgie. Lumapit ito at hinaplos nang marahan ang katawan ni Hesa. “Palagi siyang ganiyan. Minsan na nga ‘yang nawala sa party, eh, at muntikan na ‘yang maiuwi ng isang bisita na sa huli’y nahimatay pagkakita sa kaniya.”
“Gano’n?” kagat-labing tanong niya habang nakatitig kay Graza. Hawak niya ang kaniyang bibig at sobra siyang nagpipigil ng tawa.
“Sort of,” ani Emanya.
“Tsk.” Napailing-iling si Graza. “Ang angas naman! Mas active pa pala ang social life nitong ahas mo, Emanya, kaysa sa atin,” nakangising sambit ng kaniyang kapatid.
Napahagalpak ng tawa si Gorgie. “Siya nga, Emanya! Baka mas mauuna pa silang magkakalove-life kaysa sa akin.”
Tawang-tawa siya sa sinabi ng kaniyang kapatid. Hinaplos niya nang marahan ang ulo ni Hesa. “Mukhang gano’n nga ang mangyayari rito sa baby natin.” Nagpipigil siya ng tawa sa huli.
“Baby?” kontra sa kaniya ni Ruan. “Nakakalimutan mo na yatang mas matanda pa sa’yo iyang si Hesa. Ikaw ang bunso namin, Emrys,” mariing paalala nito sa kaniya.
“Ako?” Nalaglag ang kaniyang panga dahil sa sinabi nito.
Tumango ang mga ito. “Hindi nga?” nanlalaki ang kaniyang mga mata. Gano’n pala talaga. Hindi niya iyon inaasahan.
Itinuro siya ni Gorgie. Nangingisi ito. “Sa makatuwid, ikaw ang baby namin kaya huwag ka nang magtataka kung over protective kami sa’yo gaya na lamang ng nangyari kanina.”
Naiwan siyang tulala sa huli. Hindi agad siyang nakakibo habang nakatitig nang mataman kay Hesa.