Bumukas ang pinto at pumasok si Diomar. Agad niyang napansin ang hindi maipinta nitong mukha. Nakahawak din ito sa sarili nitong balikat.
“Anong nangyari sa’yo?” Sinubukan niyang itago ang bahagyang pag-aalala.
Nilapitan niya ito at inabot ang balikat nito saka iyon sinuri.
“Bakit namumula ang balikat mo?” Sumeryo siya lalo. Malinaw ang bilin niya rito na walang ibang puwedeng manakit dito kung hindi siya lamang.
Napakamot ito at inilayo ang balikat mula sa kaniya. “Wala lang ito, Gila. Nabunggo lamang ako riyan sa pinto kanina.”
Mas lalong ayaw niya iyong paniwalaan.
Napilitan siyang tumango sa huli. “How’s Emrys?” agad niyang pangangamusta sa babae rito.
“She’s still unconscious when I visited their room,” mabilis nitong sagot.
Hindi na siya umimik pa bagkus ay humigpit ang pagkakahawak niya sa librong nakapatong sa kaniyang kaliwang palad.
“This is my fault,” puno ng pagsisising sambit niya. “Nagtiwala siya sa akin ngunit hindi ko man lang siya naprotektahan sa oras na kailangan niya na ako.”
Napayuko ito. “Hindi, Crown Alpha, kung nahanap lamang sana kita nang sakto sa oras, idi sana’y hindi nangyari ‘yon kay Emrys.” Ramdam niyang sinisisi nito ang sarili.
Napayuko siya dahil sa kaniyang narinig. “Hindi ko na alam, Diomar. Sa oras na ito, pinakaimportante sa lahat ay ang kaligtasan niya.”
“Bakit hindi mo siya bantayan ngayon, Crown Alpha?” tanong sa kaniya ni Diomar.
Hindi agad siya nakaimik.