Chapter 45

228 Words
      Nasa gate pa lamang sina Emrys ay ramdam na nila ang mabibigat na tingin mula sa ibang mga estudyante.  Napahinto tuloy siya at inilibot ang tingin sa paligid nang wala sa oras. Nahuli niyang nakatingin nga ang mga ito sa kaniya.      “Halika na, Emrys,” yaya sa kaniya ni Graza. Marahan nitong ipinulupot ang kamay sa kaniyang braso at hinila siya nang dahan-dahan paalis mula roon.       “S-Sige,” ani Emrys.       Ngunit sa kabilang dako ng kaniyang diwa ay naririnig niya pa rin ang bulung-bulungan ng ibang mga estudyante.  “Kawawa naman siya.” “Muntikan na raw siyang malunod.”   Humigpit ang pagkakakapit niya sa strap ng kaniyang bag. Napakabilis talaga lumaganap ng chismis dito sa kanilang paaralan. Ngunit lahat ay may limitasyon. Para sa kaniya’y hindi na dapat pina-uusapan ang mga gano’n kasensitibong paksa.     “Huwag mo na lamang silang intindihin, Emrys,” mahinahong bulong sa kaniya ng kapatid. “Pagpasok sa kaliwang tainga, ilabas na lamang sa kabila at huwag ideritso sa dibdib.”       Kagat-labi siyang napatingin dito at tumango. “Wala naman na tayong iba pang paraan kundi iyon, Graza,” mahinang sambit niya rito. “Para sa ikakatahimik ng lahat, mas mabuti kung hindi na lamang natin pinapatulan ang mga ‘yon… At huwag kang mag-alala kapatid, hindi ko naman dinaramdam ang mga patutsada nila ukol sa akin kung meron man.”                           
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD