“Graza!” Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kaniyang kuwarto at naglakad papasok sa loob. Agad siyang napatakip sa kaniyang bibig at napaluha pagkakita rito. Muling naglakbay pabalik sa kaniyang isipan ang larawan nito kanina nang huli niya itong makita sa backstage. Napaluha na lamang siya sa sobrang awa sa kaniyang kapatid. Graza’s right hand is covered by her own blood earlier. Maingat siyang naglakad palapit dito. Nais niya na lamang itong malapitan nang hindi ito naiisturbo. “I wonder kung bakit ang tahi—” “Shhh!” agad niyang saway kay Gorgie. Gulat naman nitong itinikom ang bibig at napatango. Hindi na siya umimik pa. Nagpatuloy siya sa paglapit sa kaniyang kapatid hanggang sa marating niya ang tabi nito. “Ang ingay mo naman kasi talaga, Gorgie!” saway dito ni Ruan. “Aba’y

