Chapter 40

1130 Words
      “Paano ba ‘yan, Crown Alpha?” nakangiting sambit ni Delta Luki kay Gila. “Ikaw na lamang muna ang bahala sa dalawang dalaga ko.” Kalmadong tango ang agad na isinagot ni Gila sa ama nina Emrys at Graza. “Huwag po kayo mag-alala, Tito. Iuuwi ko po silang dalawa nang buo at walang gasgas.” Sinabi niya iyon sa kabila ng kaba na nararamdaman habang kausap ang butihing Delta. Malaki ang respeto niya sa delta. Tinitingala ito ng karamihan at napakahusay nito sa larangan ng negosyo.       Mas lumawak ang pagkakangiti nito dahil sa kaniyang binitiwan na salita. “Natutuwa akong marinig ‘yan, Crown Alpha. Hmnn. But you don’t have to worry yourself to that extent, hijo” makahulugang payo nito na ikinalaki ng mga mata niya.       Maang siyang napatitig dito ngunit pinalagpas niya na lamang din sa huli. Pasimple niyang sinulyapan kunwari ang oras. “Kailangan na po naming umalis, tito.”       Agad na tango naman ang isinagot nito sa kaniyang paalam. “Siya nga, hijo. Dobleng ingat lamang sa pagmamaneho at kung sakali mang makainom ka mamaya’y maano bang ipahatid mo na lamang sila sa mapagkakatiwalaan mong driver,” mahabang bilin nito na ikinahinga niya nang maluwag.       “Iyan po ang gagawin ko, tito,” walang pag-aalinlangan na pagsang-ayon niya rito.      “Anong oras niyo po kaming balak pakawalan, papa?” hindi nakatiis na tanong ni Emrys habang nakasilip sa mismong bintana ng kaniyang sasakyan. Nakakunot pa ang noo nito at salubong ang mga kilay. Tumatawang napailing na lamang ang ama nitong si Delta Luki. “Tignan mo itong mga batang ito, hindi na makapaghintay na makapaglayas,” sita nito sa anak.  Napangiti lamang si Emrys sa huli. “Para po makauwi rin agad kami,” anito.      Maging siya ay hindi na napigilang matawa dahil sa tinuran ng dalaga.  “Talagang uuwi kayo nang maaga, Emrys,” naghimig seryoso ang ama nito.        Inilipat ng delta ang tingin sa kaniya. “Sige na, hijo, mag-iingat kayo,” seryosong bilin nito.       “Sige po, tito.”     Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan kung saan kanina pa nakasakay ang dalawa.      Nagulat siya nang masulyapan sa front mirror na nakapikit na ang kapatid ni Emrys. “Ayos lamang ba siya?” kyuryos niyang tanong sa dalaga.   Tumango naman kaagad ito. “Umiidlip lamang siya, Gila.” Naintindihan niya naman agad ang ibig sabihin nito. “Gano’n ba, nakakapagod mag-aral, hindi ba?” nakangising tanong niya kahit hindi na nito nakikita ang kaniyang reaksyon.      “Sinabi mo pa,” nanlulumong sambit nito. “Sobrang nakakapagod pala kapag hindi na home-schooling ang pag-aaral,” sinundan nito iyon ng isang mahabang buntong-hininga.       “You have your realizations now,” komento niya.       “Yes,” mabilis na sagot nito. Humugot ito ng isang malalim na buntong-hininga bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Sa bahay, hindi ko kailangang ikumpara ang sarili ko sa ibang mga delta. Tahimik lamang ang buhay ko noon. No bullies. Hindi ko kailangang magtago. Magkasundo kaming dalawa ni Graza pagdating sa pag-aaral. Hindi katulad ngayon, halos lahat yata ng estudyante sa paarala’y nabubuhay upang makipagkompetisyon sa kapwa nila estudyante. Isa pa, natatakot akong isipin na balang araw ay darating ang pagkakataon na magiging kalaban ko ang isa sa mga itinuri ko nang kaibigan.”       May kung anong awa ang bahagyang kumirot sa kaniyang dibdib pagkatapos niyang malaman ang kuwento nito. “Natutuwa akong malaman na mayroon ka ng mga itinuturing na kaibigan,” seryosong sambit niya rito.      “Thank you,” halos pabulong na sambit nito. Sinulyapan niya ito para lamang tignan ang seryoso nitong mga mata habang nakamasid sa labas ng bintana. “Masuwerte ako sa mga kaibigan na meron ako sa kasalukuyan. Ni minsan, hindi nila ipinaramdam sa’kin na kakaiba ako o may kulang sa’kin.”       “You feel belong,” sambit niya.   “Indeed,” maikling sabi nito. “How ‘bout you? Siguro madami kang kaibigan, ano?” biglang sumigla ang boses nito.  Napangiti siya. Napakabilis talaga mag-shift ng mood ng mga babae. At muntik niya na ring makalimutan na babae si Emrys. Napahagalpak siya ng tawa dahil sa sinabi nito. “Paano mo nalaman?” pabirong kuwestiyon niya rito.      Huling-huli niya ang pag-ikot nito ng mga mata sa ere. “Imposible naman yatang paniwalaan na isa kang dakila na babaero pero wala kang friends,” labas sa ilong na rason nito na ikinahalakhak niya nang tuluyan.     “Shhh!” saway sa kanila ng natutulog na si Graza. Awtomatiko niya namang naitikom ang kaniyang bibig dahil sa narinig. Ilang sandali pa’y katahimikan na lamang ang namayani sa paligid. Nagpatugtog na lamang siya. Nang sulyapan niya si Emrys ay tahimik naman na ito at tila ba malalim ang iniisip habang ang tingin ay nanatili sa labas ng bintana.       Ilang sandali pa’y naputol ang kanta at sumalang ang tunog ng tawag na nagmumula sa kaniyang cellphone. Si Evermore ang tumatawag. Kung kailan malapit na sila sa Araceli.       “Ano ‘yon, Evermore?” agad niyang pag-usisa sa dalaga pagkasagot niya ng tawag nito.      “Where are you?” Taliwas sa tanong niya’y isang tanong din ang isinagot ng dalaga.       “I’m driving right now, Evermore. Mamaya na tayo mag-usap,” seryosong bilin niya rito.      “Hmnn. Kasi naman, Gila, nais kong malaman kung darating ka ba ngayong gabi?”  Napangiti siya dahil iyon lamang pala ang nais nitong malaman. “Of course,” walang paligoy-ligoy niyang sagot dito. “As a matter of fact, papunta na ako riyan, Evermore.”      “Talaga ba?” Hindi nakaligtas sa kaniya ang biglaang pagsigla ng boses nito pagkatapos malaman na makararating siya.      “Kailan pa ako nagsinungaling sa’yo?” pagbibiro niya sa kaibigan.     “Huwag kang maghugas ng kamay diyan dahil madaming pagkakataon ka na talagang nagsinungaling sa’kin,” pang-aasar nito sa kaniya.      Natawa siya sa tinuran nito.       “Alam mo, napakadami mo talagang alam minsan, Evermore,” natatawang pang-aalaska niya pabalik dito. “Mukhang hindi darating sina Emrys at Graza, ah,” sambit nito.  Pagsulyap niya sa salamin ay agad niyang nahuli si Emrys na nakatingin na rin pala sa kaniya. Hindi niya napigilang mapangiti nang awtomatiko itong nag-iwas ng tingin pagkatapos magsalubong ang mga mata nilang dalawa.     “Huwag mo silang alalahanin, Evermore,” bilin niya rito.       “B-Bakit naman hindi?” patuloy na kuwestiyon nito.  Napahilot siya sa kaniyang noo. “Basta,” maikling sambit niya rito.  “Anong—”       “Enjoy your welcome party, Evermore!” paalala niya rito habang nakangiti. “Sige na. Papatayin ko na itong tawag,” paalam niya rito bago iyon pinatay nang walang pag-aalinlangan. Napatikhim si Emrys mula sa likuran. “Bakit para namang walang alam si Evermore na sinundo mo kami?” kuwestiyon nito sa kaniya,    Bahagya siyang natigilan dahil sa kaniyang narinig. Mukhang maaga siyang nabuko nito.                                                     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD