Chapter 47

561 Words
      “May usapan ba kayo ni Gila?” tanong ni Ruan kay Emrys, nakakunot ang noo.   “Usapan?” Awtomatikong napalingon si Emrys dito.       Hindi niya maintindihan ang makahulugang tingin na iniukol sa kaniya ng mga kaibigan. As usual, walang pakialam ang kapatid niyang si Graza sa sulok.       Hindi na naitago ni Ruan ang kaniyang napakalawak na ngiti. “Hmn. Tapatin mo nga kami, Emrys… Madalas ba kayong nagti-text ni Gila?”       “Oo naman!” agad niyang sagot. Ngunit blangko ang kaniyang ekspresyon sapagkat natatakot siya sa kung anuman ang tumatakbo sa isipan nito.       “Like?” taas-noong tanong sa kaniya ni Gorgie.       “Gabi-gabi!” defensive niyang sagot. Huli na upang bawiin iyon. Napasinghap ang mga ito. Maging siya man ay pinanlakihan ng mga mata sa gulat ng kaniyang nasambit.    “Narinig mo ‘yon?” tumatawang tanong ni Ruan kay Gorgie. Nag-apir pa ang mga ito na animu’y kilig na kilig. Napakurap siya sa sobrang pagkakaba. “A-Ano bang p-pinagsasabi niyo?” nauutal na tanong niya sa mga ito.       Para siyang nasa-hot seat. Pinagpapawisan na siya nang wala sa oras dahil sa pagngisi ng mga ito.       “Ikaw na talaga, Emrys!” ani Ruan sabay palakpak.       Mariin siyang napapikit. “Te’ka lang!” pigil niya sa mga ito. “Hindi ko kayo ma-gets! I-explain niyo naman…” Napakamot na siya sa kaniyang ulo.   “Halika,” ani Gorgie. Hinawakan nito ang magkabila niyang braso at inalalayan siya paupo sa bench.   Tumango siya. “Tapos, ano?” hindi niya napigilan magtunog sarkastiko habang matalim ang tingin sa mga ito.   Humugot ng isang malalim na hininga si Gorgie. “Anong tingin mo kay Gila?” mahinahong tanong nito habang nakikipagtitigan sa kaniya.       “Alam niyo bang kinakabahan ako riyan sa mga tanong niyo?” Totoong pahayag niya sa mga ito. “Bakit ba kasi pinag-uusapan natin ‘yang si Gila. Ano ba naman kasing pumapasok diyan sa kukute niyo?”      Naalerto yata si Graza pagkatapos marinig ang boses niya at pumagitna ito sa kanilang dalawa ni Gorgie.      “Anong nangyayari sa inyo?” pakikipag-usyuso ng kapatid.      Natawa siya at napapadyak. Huli niya nang napagtanto na napalakas yata ang boses niya. “Kasi naman, eh! Puro si Gila ang bukambibig nila.”       “Ha?!” hindi makapaniwalang sambit ni Graza. Napakamot siya at inginuso ang mga kaibigan nila. Natawa na lamang din ang mga ito. Napatikhim siya. “Sana’y burahin niyo na kung anuman ‘yang iniisip niyo… Gila’s just a family friend. Nagkataon lamang na magkasundo kami. Iyon lang.”     Nanliliit ang mga matang pinagmasdan niya ang mga ito na matamang nagkatinginan.      “Anong meron kay Gila?” litong singit muli ni Graza sa kanilang usapan.       Hindi siya makapaniwala nang hilain ito ni Ruan at Gorgie palayo. Mukhang may pinag-uusapan ang mga ito na importante at hindi niya dapat marinig. Napasuklay siya sa buhok gamit ang kaniyang daliri sa kamay. “Ano bang nakain ng dalawang ‘yon, Emanya?” angil niya sa kaibigan. Ito lamang ang naiwan sa kaniyang tabi at seryoso itong nakapangalumbaba.   Balewala lamang itong umiling. “Huwag mo akong tanungin, Emrys, at hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa dalawang buang na ‘yon.”     Naiiling na napatango na lamang siya sa huli. “Aw,” sambit niya na lamang at muling itinuon ang tingin sa mga ito na hanggang ngayon ay nagbubulungan pa rin.                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD