Damon's POV Noong una, buo na ang desisyon ko gusto kong si Camille ang unang babae na makakasama ko sa kwarto ko. Sa mismong silid na ilang taon ko nang piniling manatiling walang halong emosyon. Pero nagbago ang isip ko. Hindi dahil ayoko na siyang makasama. Kundi dahil mas pinili kong ilayo siya sa tukso sa akin. Dahil alam kong sa simpleng sulyap, sa init ng katawang matagal nang nauuhaw, maaaring may masira. At hindi ko hahayaang may masira sa pagitan naming dalawa. Hindi ngayon. Hindi habang delikado ang lagay niya. Kaya’t sa halip na sa master’s bedroom, ipinaayos ko ang pinakamalapit na guest room. Doon siya nag-stay kasama ang nurse na 24/7 nakaalalay sa kanya. Ang kwarto ay sinadyang malapit sa akin pero sapat ang distansya para hindi ako matuksong lumapit kapag gabi n

