CHIARA
ILAN WEEKS na ang nakalipas simula ng umalis ako sa bahay ni Bailey, ilan weeks na din ng umuwi ako dito sa New Zealand.
Nababalitaan ko na din na may kasamang iba't ibang babae siyang kasama base na din sa nababasa ko sa tabloid, hangga kasi dito sa New Zealand sikat siya.
Napabugtong hininga na lang ako habang nakatanaw sa labas ng kwarto ko.
"Okay ka lang ba, Anak?" Napatingin ako kay Papa na nasa tabi ko na pala.
"Oo naman, Pa."
"Ang pagbubuntis mo, kamusta?"
"Okay naman din, Pa. Tumataba na nga ako kahit ilan weeks pa lang akong buntis."
Natawa ito. "Para sa akin sexy ka pa din, Chiara."
Napangiti ako at yumakap sa kaniya. "Alam mo namiss ko to na ganito tayo, Pa."
"Kahit ako at ang mama mo, ang tagal mo kasing hindi umuwi dito."
"Siguro Pa, next year ko na ipagpapatuloy yung pag-aaral ko. One year na lang din, pagkalabas ni Bailela Chi."
"Aba, may pangalan na pala ang apo ko." Natatawang saad nito.
"Ikaw ang bahala. Desisyon mo yan at para hindi ka na din mastress sa pag-aaral mo." Dagdag nito.
Napakaswerte ko talaga at may magulang ako na suportado sa akin.
"Aba, naglalambingan na naman yung mag-ama ko." Napatingin ako kay Mama na nakangiting nakatingin sa amin.
Lumapit ito sa amin at yumakap din. "Thankyou Ma, Pa dahil hindi kayo nagalit ng malaman niyo na buntis pala ako."
"Syempre nag-iisa ka namin na anak at mahal ka namin." Sabi ni Mama.
"Iyon lang ang kailangan namin gawin, Anak. Ang unawain ang sitwasyon mo." Sabi naman ni Papa.
Napangiti ako lalo. "Kung siguro hindi ako umalis baka siya ang kasama ko." Bulong ko.
"Kagustuhan mo yan. Wala ka bang balak bumalik ng pilipinas nyan?" Tanong ni Mama.
"Huwag na muna siguro, pag okay na ang lahat at pag nailabas ko na si Bailela Chi."
"Ang ama ng anak mo hindi ba si Bailey Grey?" Tanong ni Papa.
"P-paano?"
Ngumiti ito. "Alam ko anak, dahil nakikita kita na kausap ang picture niya. Di ba nagprint ka pa? Saka palagi din kitang nahuhuli na nagbabasa ng tabloid na balita ay si Bailey."
Natahimik ako bigla dahil doon sa sinabi niya. "Kung magkita man kayo ulit. Kung sakali man, iuwi mo siya dito ng makausap ko siya."
Tumango na lang ako at tumanaw ulit sa labas ng kwarto ko.
BAILEY
"SIR, may nabalitaan lang po ako."
"Ano iyon?"
"Buntis po si Ma'am Chiara. Nakauwi na din po ito sa New Zealand."
Tumango na lang ako at nakatanaw sa city light.
"Keep on update about her, and expect your bonus on your bank account."
"Thank you, Sir."
Nang makalabas ito ay doon lang ako napangiti. "My Chiara is pregnant."
Naramadaman ko na may humahik sa leeg ko at may yumakap sa akin mula sa likuran.
Inalis ko yung pagkakayakap nito at humarap kay Elena. "Not now."
"But I want you."
"f**k off!" Matigas na wika ko bago siya iniwan.