Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin.
Halos mapatulala kasi ako habang nakatingin sa salamin. Hindi ko inaasahan na ganito ang sasapitin ko.
"Ang sama mo." Hinanakit na sabi ko sa kaniya bago pumikit.
Hinayaan ko na lang na bihisan niya ako at patuyuin ang buhok ko gamit ang hair drayer.
Nanigas na lang ako ng maramdaman ko na may dumampi sa labi at noo ko.
"You learn from what you did. Please, don't ever think to leave again. I will not hesitate to punish you again, Darling." Sabi nito bago tumabi sa akin ng higa.
Patagilid na humiga ako at pinunasan ang luha na pumatak mula sa mata ko.
BAILEY
Nakamasid ako sa kaniya habang nakahiga ito patagilid. Naririnig ko pa siya na mahinang umiiyak.
Lumapit ako lalo at niyakap siya mula sa likod. Humalik ako sa buhok niya.
"I know you still awake, I will not sorry for what I did to you." Mahinang sabi ko.
Pinaharap ko siya sa akin, pero nakapikit pa din ito na para bang ayaw akong tignan. Pinunasan ko yung basang pisngi niya.
"Open your eyes." Mahinang bulong ko.
Dahan-dahan naman itong nagmulat ng mata. "Why?"
"Nothing." I said while looking at her, namumugto ang mata nito sa kakaiyak.
"Please don't leave me again, nasasanay na ako na nandito ka sa tabi ko kahit nasasaktan kita."
"I don't know, Bailey. Hanggang kailan mo ba ako sasaktan?"
"Hindi na kita sasaktan kung hindi mo na ako tatakasan pa, nagiging mabuti naman ako sayo this fast few days right?"
Tumango ito. "Yes, but you still hurt me physically."
"I know but you try escaped from me."
"Ginagawa ko lang iyon dahil gusto kong makalaya at nasasakal na ako tuwing nasa bahay mo ako, pakiramdam ko lahat ng galaw ko alam mo." Pagdadahilan nito dahilan para manigas ako at parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.
"Ganun ba? I'm sorry if you think na nasasakal ka na sa ginagawa ko. Don't worry bukas din malaya ka na at hindi na kita pakikialaman. You can leave my house tomorrow." Malamig na sabi ko.
Hinalikan ko siya sa labi bago bumangon at lumabas ng kwarto. Napagisip-isip ko na baka tama ang ginawa kong desisyon matapos ang lahat ng ginawa kong pananakit sakanya.
CHIARA
Napaiyak ako lalo ng lumabas ito. "I–ito naman ang ginusto ko di ba? Bakit ang bigat?"
Napahaplos ako sa dibdib ko, naninikip.
Buong magdamag umiiyak ako at hindi na bumalik si Bailey.
KINABUKASAN nagising ako na wala sa tabi ko si Bailey, huminga muna ako ng malalim bago ako tumayo at lumabas ng kwarto.
Pagkababa ko napadaan ako sa Bar Counter, nakayukod si Bailey. Tahimik na lumapit ako sa kinaroroonan niya.
"Bailey." Paggigising ko sa kaniya habang niyuyugyog siya.
"Hm."
"Gising na." Hindi man lang ito nakinig, bagkus bumaling ito sa kabilang pwesto.
Napabugtong hininga na lang ako. "Manang." Pagtawag ko.
Ilan minuto lang ay lumabas si Manang. "Bakit, Hija?"
"Puwede niyo po ba akong tulungan na maiakyat si Bailey?"
"Sandali lang tatawagin ko si Mitsuki."
Ilan sandali lang ay dumating na si Mitsuki. Tinulungan ako nito na iakyat si Bailey papunta sa kwanto namin.
"Thank you."
Tumango lang ito at iniwan kami. Pumunta ako sa banyo. Kumuha ako ng malinis na bimpo saka ko binasa yung bimpo.
Lumabas ako at nilapitan si Bailey. Pinunasan ko siya magmula sa mukha, leeg, braso pati ang buong katawan niya.
Hinayaan ko na lang na wala siyang pang-ibabaw na damit.
Bumaba na ako at pumunta sa kusina para ipagluto siya ng sopas para mahimasmasan siya.
Pagkatapos kong magluto, nagpaalam na ako kay Manang kahit pinipigilan niya ako.
"I–ito naman po ang gusto ko at hinayaan niya ako." Mabigat na loob na sabi ko.
BAILEY
I woke up without seeing her, bumaba na ako at nadatnan ko si Manang.
"Did she leave?"
Tumingin ito sa akin. "Oo, Bailey. Pinipigilan ko siya kaso wala umalis na."
"Let her."
"Di ba ayaw mo siyang paalisin dito sa bahay mo? Anong nangyari?"
"Nasasakal na siya, so I let her."