Momo's POV Kakatapos lang ng school at nandito ako ngayon sa location ng photoshoot namin. Sabi ni sir Nate may makakasama daw ako na bagong model din. Hindi ko alam kung sino pero sabi nya lalake daw. Hindi ko pa nakukwento kay Xenon dahil kanina lang din sinabi ni sir Nate pag dating ko dito sa venue. Nakaupo ako ngayon habang inaayusan ni Tako. He's our official make up artist. Araw-araw ang ganda nyang tingnan dahil lagi syang nakaayos mula ulo hanggang paa. Para nga syang babae eh. Madaming kumukuha sa kanya kaya minsan hindi sya yung nakaka make up sakin. "Tako? Is she almost done?" Sir Nate asked. "Yes Nate" "Clara come here after that, okay?" "Okay po" Sagot ko kay Sir Nate. Nasa kabilang room si Sir Nate pero rinig pa din naman namin ang isat-isa dahil nakabukas naman

