Naomi's POV Tumatakbo ako palabas ng bahay at palapit kay Kenjay na nakasandal sa kotse nya ngayon. Sinusundo nya na kasi ako araw-araw para sabay na kaming pumasok sa school palagi. Agad akong yumakap sa kanya ng mahigpit nang makalapit ako. "Ang bango mo" Ang sarap nyang yakapin at amuyin, hindi nakakasawa. "Nagpapabango ako para sa magandang babaeng Naomi ang pangalan" Sagot nya at napatawa naman ako sa kilig. Kinuha nya yung bag ko at pinag buksan ako ng pinto ng kotse. Pumasok ako sa loob at ganun din sya. Sya pa mismo ang nag ayos ng seatbelt ko. He's taking care of me so much. "Sandali lang" Kenjay said when someone called him. Tumango lang ako sa kanya at sinagot nya na muna yung tawag. Habang inaantay sya ay dumukot nalang ako ng grapes flavored candy. Hindi ito yung m

