Chapter 22

2017 Words
Naomi's POV Kakarating lang namin sa farm nila Kenjay. Dapat nga ay nakaraan pa kami pupunta dito pero laging nauudlot kaya ngayon lang natuloy. Medyo kinakabahan nga ako kasi andito yung ibang family nya pero sa totoo lang ay mas kinakabahan ako na baka hindi ako magustuhan ni Poppy, his little brother. Baka hindi nya ako magustuhan bilang future girlfriend ng kuya nya. Nagdala nga ako ng mga chocolates na according to Kenjay ay mga paborito daw ni Poppy. Nasa tapat na kami ng labas ng bahay sa farm nila Kenjay. Nakatitig lang ako sa malaking bahay nila habang inaantay syang makababasa kotse. Nag park pa kasi sya at bumaba na din ako kaagad. Napatingin ako sa kanya nang maramdaman kong hawakan nya ang kamay ko. I looked at him and smiled. Sabay kaming pumasok sa loob at agad naman kaming sinalubong ng grandparents ni Kenjay. Kilala ko na sila kasi pinakita ni Kenjay sakin yung mga pictures nila bago kami pumunta dito para daw hindi ako kabahan. "Good morning po" Bati ko sa kanila at nag mano at ganun din ang ginawa ni Kenjay. "Napakagandang dalaga naman pala ng ikinukwento mo samin Kenken" His grandma said. "Kinukwento mo ako sa kanila?" Nakangiting tanong ko sa kanya at nahihiyang tumango naman sya. Ang cute nya talaga. "Lola, lolo, this is Naomi, nililigawan ko po" Pagpapakilala ni Kenjay sakin sa grandparents nya. "Hello po" Nakangiting pag kaway ko sa kanila. "Naomi, sila yung grandparents ko. Lolo Abundio and Lola Luz" Pag papakilala ni Kenjay sakin sa kanila. "We are together for 44 years now" Lola Luz said. "Aww ang ganda nyo pong tingnan dalawa na mag kasama" Nakaka inspire silang tingnan. Nakahawak pa si Lola Luz kay Lolo Abundio kaya ang cute talaga. "Kumain na ba kayo?" Lolo Abundio asked. "Hindi pa lolo, natagalan kasi kami sa byahe kaya napalipas namin yung tanghalian" Sagot naman ni Kenjay. "Aba't sakto, nagluto ako" Tuwang tuwang sabi ng lola Luz at hinila kami papunta sa hapag kainan. Nang makarating kami dun ay agad akong napanganga dahil sa dami ng mga pagkaing nasa harap namin. Parang may handaan. "Wow" Bulong ko. "Ganto talaga dito, parang may piesta tuwing kakain" Kenjay said. Ang ganda naman pala tumira dito kung ganun. "Umupo na kayo" Kagaya ng sabi ay umupo na kaming lahat. Sa pag upo namin ay may isang babae naman na lumapit samin na may kargang isang batang lalake. It's Poppy. "Pasensya na po natagalan, ang kulit po kasi ni Poppy" The lady said. "Naomi, tita ko nga pala" Kenjay said. "Tita, si Naomi po yung nililigawan kong kinukwento ko sa inyo" Aba mukang kilala na ata ako ng lahat dito dahil sa mga kwento ni Kenjay. Ang alam ko wala ang parents nya dito kasi nag tatrabaho tsaka hindi din talaga ito ang bahay nila. Sadyang dito lang nakatira yung grandparents nya dahil mas gusto nilang mag alaga sa farm. Presko at tahimik din kasi dito. "Hello po" Bati ko sa tita nya. "Hello, kamusta ang byahe nyo?" Tanong ng tita nya. "Okay naman po medyo nakakahilo lang" Medyo malayo kasi yung farm nila Kenjay. Mabuti nalang talaga at uminom ako kaagad ng bonamine bago kami bumyahe. Nag simula na akong kumain at si Kenjay pa mismo ang nag lagay ng pagkain sa plate ko. He's taking care of me so well. "Eh kailan mo ba sasagutin ang Kenken namin?" Lolo abundio jokingly asked. "Lolo naman" Nahihiyang sabi naman ni Kenjay at napangiti ako. Ibinaba ko ang hawak kong kutsara at tinidor at pinunasan ang labi ko. "Malapit na po" Nakangiting sagot ko at agad namang napatingin sakin si Kenjay. Parang namamangha ang mga mata nya dahil sa sinabi ko. I smiled at him and continued eating. "Totoo ba yun?" Tanong nya at simpleng tumango naman ako habang kumakain. "Pwede palang ganahang kumain kahit walang appetizer" Kenjay joked and we all laughed. Pagkatapos ng masayang tanghalian ay sandali kaming nagpahinga ni Kenjay pagkatapos ay nag desisyon kaming maglakad lakad sa farm nila. Malawak yung farm nila at ang sarap din ng simoy ng hangin. Kasama namin si Poppy at buhat-buhat sya ni Kenjay ngayon habang nag lalakad kami. He's also eating the choclates na binigay ko sa kanya kanina. "Is it nom nom?" Kenjay asked to Poppy and he nods. "So what will you say to ate Naomi?" Tanong ni Kenjay kay Poppy at sandali pang may ibinulong kay Poppy. I don't know kung ano kaya nakakunot noo lang ako ngayon habang nakatingin sa kanilang mag kuya. "Say it na" Kenjay said. I'm actually expecting for a thank you kasi akala ko tinuruan nya si Poppy pero... "Will you marry Kuya Kenken?" Poppy asked at napalaki naman ang mga mata ko. Napatawa ako ng malakas at sumunod din silang dalawa sa pag tawa ko. Ang cute ng tawa ni Poppy. "Sa tamang panahon" I answered. "Kiss mo na ako" I said to Poppy. "Ako ba?" Pabirong tanong ni Kenjay at nakangiting umiling naman ako sa kanya at tinuro si Poppy. "Sabay nalang kayo" Sagot ko at tinuro ang magkabilang pisngi ko. "Okay" Ipinikit ko ang mga mata ko at inantay na dumikit ang mga labi nila sa pisngi ko pero isang halik lang sa pisngi ang naramdaman ko at alam kong kay Poppy yun. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita kong nakatayo lang si Kenjay habang nakangiting nakatingin sakin. Tiningnan ko sya na may halong pagtataka. Ayaw nya ba? "Pag tayo na..... sa ngayon ito nalang muna....." Lumapit sya sakin at hinawakan ang kanang kamay ko pagkatapos ay hinalikan nya iyon. Para akong natutunaw habang ginagawa nya yun. Parang araw-araw akong nahuhulog sa lalakeng to. "I love you Naomi" Kenjay said. Ang bilis ng t***k ng puso ko na para akong hinahabol. Walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang katotohanang napaka swerte ko para magustuhan ng magandang lalake na nasa harap ko ngayon. "I love you Nami" Pag gaya ni Poppy kay Kenjay kaya napatawa nanaman ako. "I love you too" I said to Poppy habang nakatingin kay Kenjay. "Let's take a picture na?" He asked. We need to take a picture for our scrapbook. Isasama din namin si Poppy sa picture. "Kay ate Naomi ka muna po, aayusin lang ni kuya yung camera stand" Kenjay said to Poppy at sandaling pinakarga muna sakin si Poppy. He's five years old kaya medyo mabigat na. "You're beautiful ate Nami" Poppy whsipered. "Aww really?" Tanong ko at tumango naman sya. Ang sweet, mana sa kuya nya. "Okay na. I'll set the timer na ah, 10 seconds lang" Sabi ni Kenjay kaya naman ibinaba ko na si Poppy. Lumuhod ako damuhan para makapantay ko si Poppy. Si Kenjay ay ganun din ang ginawa nang makalapit sya samin. "Smile Poppy" Nakakapit ang isang kamay ni Poppy sakin habang ang isa naman ay nakakapit din kay Kenjay. Nang malapit nang matapos ang timer ay humarap na ako ng maayos sa harap ng camera at ngumiti. Pagkatapos nun ay kumuha pa kami ng maraming pictures sa ibat-ibang lugar sa farm. Sobrang saya ng araw na ito. Pakiramdam ko anak namin si Poppy. It excites me pero syempre wag muna. Una sa lahat, sagutin ko muna sya. Xenon's POV After naming mag practice ng sayaw ay sandali muna kaming nag pahinga kasi mamaya magpapractice na ng buong play, dire-diretso. Kasama ko si Alex ngayon at kumakain kami ng mga pagkain nya sa bag nya. Binawasan namin dahil napakadami. "Nakita mo ba si Momo?" Tanong ko kay Alex na abala sa pagkain nya. "Hindi, ikaw ba?" Sira na ata talaga ulo ni Alex. Tinanong ko tapos ibabalik din sakin yung tanong. "Mauubos brain cells ko sayo" "Kawawa ka naman pala" He joked. Napapailing nalang talaga ako kay Alex minsan. "Hanapin ko muna" Tumayo ako at iniwan yung pagkain ko kay Alex. Pustahan pag balik ko ubos na yun. Nagsimula akong maglakad lakad hanggang sa makita ko si Momo sa backstage at nakasandal sa pader at mukang natutulog. Lumingon lingon ako sa paligid at nag hanap ng pwede nyang upuan o sandalan para mas komportable sya. Maraming gamit sa backstage dahil nga may play kami. Nakakita ako ng dalawang tela sa gilid. Tinupi ko yung isa para maging makapal. Lumapit ako kay Momo at maingat syang tinapik upang magising. "Hmm, what?" Tanong nya habang nakapikit pa din. "Up ka muna saglit. Upuan mo to" Sagot ko at kumapit sya sakin at umangat ng kaunti habang mabilis ko namang inayos yung tinupi kong tela sa ilalim nya. "Nahihilo ako" She said. "Napagod ka siguro sa kaka practice" May mga kaunting pag ikot din kasi sa sayaw namin kanina kaya baka mas nakadagdag sa pagkahilo nya. Ibinalot ko yung isang kumot sa paa nya para hindi sya masilipan ng kung sinong dadating sa backstage. May kaiklian pa naman yung palda ng mga babae samin. "Wait, I'll be back" I said to her and she just unconciously nod. Bumalik ako kay Alex at tama nga ang hinala ko na pag dating ko ay ubos na yung mga pagkain. "Nakita mo na?" Tanong nya at tumango naman ako. Binuksan ko yung bag ko at kinuha yung small medicine box na galing kay mommy. Kumuha ako ng gamot para sa hilo pagkatapos ay ibinalik na sa bag ko yung box. "Bakit may gamot?" Alex asked. "Nahihilo sya eh" "Baka buntis" "G*go!" Sagot ko at tumawa naman sya. Kinabahan naman tuloy ako bigla dahil sa sinabi nya. Katapusan na ng mundo ko pag nangyare yun. Sinara ko na yung bag ko at bumalik kay Momo. Nakapikit pa din sya at nakasandal sa pader. "Open your mouth then chew this" Sabi ko habang binubuksan yung gamot. "Open" I said then she opened her mouth then chew the medicine. Buti nalang at chewable yung gamot. Now I don't know what to do. Parang hindi kasi tama na manatili ako dito dahil sa pag kaaalam ko ay iniiwasan nya ako but at the same time, parang hindi din tama na iiwanan ko sya dito ng ganyan ang kalagayan nya. "Um... should I... stay?" Tanong ko sa kanya. "Hmm" What does that mean? Is that a yes? "Um... I'll just sit here" She didn't respond kaya umupo nalang ako sa tabi nya. Not too close, yung tama lang. Gusto ko mang lumapit ay ayokong gawin nang wala paalam sa kanya. Nakaupo lang ako sa sahig at nakatingin sa mga daliri ko nang bigla akong makaramdam ng bigat sa kaliwang balikat ko. I looked at her and her head is resting on my shoulder. Napapangiti ako habang nakatingin sa kanya. "Lumapit ka din sakin pagkatapos ang buong araw" I whispered. Napalingon ako sa pinto palabas sa backstage nang makarinig ako ng mga yapak. Ilang sandali pa ay nag bukas yun at lumabas mula sa pinto si Steven. Nang makita nya kami ni Momo ay agad syang napakamao. Napabuntong hininga ako at dahan-dahang isinandal ang ulo ni Momo sa pader. Tumayo ako at hinarap si Steven. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" He said. "Ikaw ba?" Pagbalik ko ng tanong nya sa kanya. "Tinatarantado mo ba ako!" Napalakas ang boses nya kaya napatingin ako kay Momo. Mabuti at hindi sya nagising. Hinawakan ko ang laylayan ng uniform ni Steven at hinila sya palabas ng backstage. Ayokong magising si Momo dahil lang sa kanya. "Mahal mo?" Seryosong tanong ko sa kanya. "What?" He asked and I pointed to Momo's direction. "Is that even a question?" "It's just a yes or no, asshole" Ang daming paligoy ligoy at hindi nalang sagutin. "Yes, f**k off" "Mahal mo pala edi alagaan mo" Sagot ko at tinalikuran sya. Binangga ko pa ang braso nya sa pagtalikod ko sa kanya. Gusto ko mang mapuruhan sya ay hindi ko ginawa dahil ayokong gumawa ng eksena dito sa school. Ayokong pag usapan nanaman ng mga tao si Momo. Alam kong ayaw nya yun. Nilingon ko si Steven at nakita kong pumasok ulit sya sa backstage para balikan si Momo. Muli nanaman akong napabuntong hininga at parang nawalan ng lakas. Ako ang laging nauuna pero sa tuwing dadating yung lalakeng yun ay kinakailangan ko syang iwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD