Xenon's POV
Today is finally the day. Inaayusan ako ako ngayon at ganun din si Momo sa kabilang room. I'm wearing my prince costume with a red cape. I know I'm a prince but I feel more like a vampire in this cape. You know, dracula.
Pagkatapos nila akong ayusan ay pinatayo ako ni Sir Suarez at pinaikot ikot sa harap nya to see the whole look.
"Perpekto!"
He said and I just smiled.
"Where's snow white?"
Sir Suarez shouted.
"Just a minite sir!"
Rinig kong sigaw ng isang babae. Siguro kasama sa mga nag aayos kay Momo ngayon.
"Psst! Smile!"
Alex said so I smiled and posed at kinunan nya ako ng picture.
"Ako naman"
He said and gave me his camera.
Kinuha ko yung camera nya at sinimulan syang kunan ng picture. Akala ko nga isa lang pero pinatadtad na ako ng picture sa kanya. Isesend nya daw kasi kay Mitch. Trap lang ata yung pag picture nya sakin kanina.
Habang kinukunan ko si Alex ay todo pose sya pero biglang kusang gumalaw ang kamay ko sa gilid sa likod nya nang makita kong lumabas si Momo.
Nang tumapat sa kanya ang camera ay kusang napa pindot ang daliri ko at kinunan sya habang nag lalakad palabas.
"Hoy! Ano bang tinitingnan m......"
Kahit si Alex ay hindi na din napatapos sa sasabihin nya nang makita at mamangha sya sa ganda ni Momo.
Tama nga si Sir Suarez. Bagay na bagay nga talaga sa kanya na maging si snow white o kahit sinong prinsesa pa sa fairytale.
"Ang ganda!"
Alex shouted and Momo laughed. Mas gumanda pa tuloy sya.
"Ang ganda nga"
Nakatulalang sabi ko kay Momo.
She looked at me and smiled. Parang pilit na ngiti. Iniiwasan nya nanaman kasi ako simula nung nangyare kahapon.
Hindi naman kasi sya ganun ka concious kahapon nung lumapit ako sa kanya. Basta, ang mahalaga ay okay sya ngayon at magawa namin ng maayos yung play.
"Akin na yang camera na hawak mo si Xenon"
Sir Suarez said so I gave it to him.
"Okay, tumabi ka kay Clara. Kukunan ko kayo"
"Po?"
"Ay nabingi na sa ganda ni Clara sir"
Pang aasar ni Alex.
"Epal ka?"
Papansin talaga.
"Epal ka?"
Nakakaasar na panggagaya nya sakin.
"Sige na tabi na kay Clara"
Sir Suarez said at nahihiya naman akong tumabi kay Momo.
Nakatayo kaming pareho habang nakangiti nang kunan kami ni Sir Suarez.
"Kapit ka sa kamay ni Xenon"
Sir Suarez said to Momo.
"Po?"
"Ay nabingi na din yata sa kagwapuhan ni Xenon sir"
Pang aasar ulit ni Alex at nag tawanan naman yung mga tao sa paligid namin. Epal talaga kahit kelan.
"Si..sige po"
Dahan-dahan ay kumapit sa kamay ko si Momo. Sa pagkapit nyang yun ay para akong nakaramdam ng kidlat sa puso ko. It stopped for a moment then starts beating like crazy.
"Smileee"
This is so awkward but I still smiled as best as I can. A picture is a memory, ayoko namang balikan yun na mukang halatang kinikilig ako na katabi ko yung babaeng gusto ko.
It's cute though.
Buti nalang camera ni Alex yung gamit kaya makakahingi ako ng kopya.
Pagkatapos kaming kunan ay ibinalik na ni Sir Suarez yung camera kay Alex then we prayed with his lead.
I really hope we can do this play successfully.
"Standby muna kayo dito. Titingnan ko lang muna kung ilan na yung mga tao sa labas"
"Yes sir"
Sagot namin.
Ang alam ko kasi may mga outsider din na invited manuod. Basta may ticket.
Hindi din pala kami mag aact sa stage kung saan kami nag papractice kahapon. May auditorium yung school namin at dun kami mag aact. Sayang naman yung mahal na tution kung walang malaking auditorium.
"Kinakabahan ako"
Rinig kong sabi ni Momo kay Alex. Ayaw talaga akong kausapin ulit eh.
"Kaya mo yan, andyan naman si Xenon eh. Diba Xenon?"
Tanong sakin ni Alex habang nakatingin naman sakin si Momo.
Hindi ko alam ang isasagot ko sa mga kalokohan nya kaya tumango nalang ako.
Maya-maya pa ay bumalik na si sir Suarez na nakangiti.
"Ready na kayo? Pag kinakabahan hinga lang ng malalim okay?"
Sir Suarez said.
Mukang mag sisimula na.
"Yes po sir. Ready na po kami"
Sagot ng iba samin.
Ready na ba ako? Mukang ready naman na.
"Good. Position na, everyone!"
Kagaya ng sabi ni sir Suarez ay pumwesto na kami sa kanya-kanya naming pwesto. I took a deep breathe and after that, the music started.
It will end after 20 seconds. The purpose of that is to prepare us at the backstage.
After the music, our narrator started speaking at naunang lumabas yung gumanap samin na wicked queen/ snow white's step mother.
I can really say she's good at acting. No wonder why sir Suarez picked her to be the queen.
Maya-maya pa ay si Momo na ang lumabas ng stage.
"Oh, she's stunning"
I said to myself while looking at her. Mas nakita kasi ang ganda nya nang matutukan sya ng ilaw.
"Inlove ka nanaman"
Alex said na nasa likod ko pala. Kung saan-saan talaga sumusulpot.
"Yeah, so what?"
"Nothing, ganyan din ako kay Mitch. Hindi nakakasawang tingnan"
He said and we fist bump because we finally agree to one thing today and that is our girl is so beautiful.
"Damn, we're lucky"
Alex added and I laughed.
After laughing with Alex, finally my part came. Agad akong lumabas mula sa backstage at nag hiyawan ang ibang mga tao sa pag labas ko.
Unlike sa original story where the prince charming will meet snow white nung kumakanta sya, we changed it dancing to make it more romantic. Remember the dance that we've been practicing? This is it.
Momo is acting like she cannot find anybody to dance with until I came to her.
"Good evening beautiful lady, it looks like you don't have a partner yet?"
I asked.
"Yes, I don't"
"May I have this dance?"
I asked in a very formal tone of voice.
"Are you sure you know how to dance?"
"How can a prince not know how to dance?"
I said and she giggled kagaya ng nakalagay sa script.
Inabot ko ang kamay ko sa kanya at nag simula kaming sumayaw. Una kong napansin ang higpit ng kapit ni Momo sa kamay ko dahil hindi lang simpleng higpit yun.
"Is there a problem?"
I whispered to her.
"I'm afraid to fall"
Sagot nya naman kaya hinawakan ko din sya ng mas mahigpit pa. Natatakot syang biglang manghina ang mga paa nya siguro dahil marami ring ikot ang gagawin namin sa sayaw.
Dahan-dahan ang bawat pag sayaw naming dalawa. Pareho kaming nakatingin sa isat-isa.
"Sasaluhin kita ng maayos pag nangyare yun"
Sagot ko sa kanya.
"Xenon....."
"Hmm?"
"Thank you"
Sagot nya at mapait naman akong napangiti.
"Para san?"
I want to know.
"Lagi kang nandyan. Ikaw din yung nag bigay sakin ng gamot kahapon diba?"
Ah alam nya pala.
Tumango lang ako sa kanya at ngumiti naman sya.
"And I'm sorry"
"Hmm?"
"I'm selfish"
"What do you mean?"
"Pinag aantay kita nang walang kasiguraduhan. Magulo akong tao Xenon. Takot akong gumawa ng desisyon"
Why is she saying all of these right now?
Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya hindi ako nakasagot sa sinabi nyang yun.
"I'm sorry"
"Dont't be sorry. Pinili kong ikaw lang ibigin kaya sakin na yun"
Kahit na hindi ko naman pinlanong mag mahal ng mag isa sa dulo.
"You deserve better"
She answered.
"Momo, you're the definition of better"
I smiled.
Natawag ko ulit syang Momo.
"Baliw"
She giggled.
Nang matapos na ang pag sasayaw namin ay nag patuloy na kami sa mga susunod naming gagawin.
So far ay maganda ang nagiging takbo ng play. Nasa backstage ako ulit at umiinom ng tubig para hindi mamaos ang boses ko mamaya nang tumunog ang cellphone ko.
I looked at it and I was shocked to see a screenshot of a message. Message ng mga pictures ni Steven with another girl na sinend kay Momo.
Momo is also at the backstage. Nakaupo lang sya habang sumisilip sa labas. Buti nalang at hindi nya ginagamit ang cellphone nya ngayon.
Sabay kaming lalabas mamaya at ang naiisip ko lang na gawin ngayon ay ang kunin ang cellphone nya nang hindi nya nalalaman. Paniguradong yung nag message din sakin nakaraan yung nag send sa kanya ng mga pictures.
Mukang may galit yung taong yun, I'm just not sure kung kanino.
"Hey"
Pag tawag ko kay Momo.
"Hmm?"
"Um.... can I use your...."
"Clara!"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may biglang tumawag sa kanya.
"Oh bakit?"
Tanong ni Momo sa mga tumawag sa kanya na kaklase namin.
"Picture muna tayo dali!"
"Wait lang"
Momo said to me and I just nod.
Badtrip naman oh. Hindi ko hilig makialam ng mga gamit tsaka madami ding tao dito sa backstage kaya hindi ko pwedeng buksan ang bag ni Momo. Paniguradong makikita nila ako.
Malamang may password din yung phone nya.
Aantayin ko nalang ba?
"Momo!"
Pag tawag ko sa kanya pero sinensyasan nya lang ako na sandali lang.
Napapakamot ako sa ulo ko sa stress.
Nang matapos na silang mag picture ay lumapit na sya sakin.
"Ano ba yun?"
Tanong nya sakin.
"Pahiram ng....."
"Guys! Tayo na!"
Sabi ng isa kong classmate. Ibig sabihin ay kailangan na naming lumabas mula sa backstage.
"f**k!"
Ang daming sagabal.
"Huh?"
Nalilitong tanong ni Momo.
"Ah wala heheh tara na"
I said and hold her hand hanggang sa makalabas kami sa backstage.
Hindi ako maka focus ng maayos dahil iniisip ko yung pictures. Hindi naman sa pinag tatakapan ko si Steven. Ayoko lang na masyadong mabigla si Momo sa mga pictures.
Kung sino man yung tarantadong nag send sa kanya ng picture ay mayayari sakin.
Momo's POV
Pagkatapos ng play ay nagmamadali agad akong umalis to see Steven. Hindi nya kasi nakita yung play kasi practice sila sa basketball. Nakapanuod naman sya pero nung simula lang.
Pagkapasok ko sa loob ng gym ay nakita ko kaagad sya na naglalaro kasama yung teammates nya.
Nang mapansin nya ako ay agad syang kumaway sakin kaya naman kumaway din ako sa kanya.
Sumenyas sya sakin na sandali lang kaya tumango lang ako. Sabay kaming mag lulunch ngayon eh.
Umupo nalang muna ako sandali habang pinapanuod sya. Kinuha ko yung cellphone ko to take some pictures of him.
I just love seeing him play basketball, he loves it eh. Ang saya nyang tingnan tuwing naglalaro sya at lalo na kapag may laban sila.
After taking some pictures of him ay napansin kong may nag message sakin. I opened the message and my lips parted instantly nang makita ko ang nilalaman nito.
"Clara"
Rinig kong pag tawag sakin ni Steven but I can't move my body to look at him. Ramdam ko din ang panginginig at panlalamig ng mga kamay ko dahil sa nakita.
It's not just a picture of him with another girl but also a picture of him kissing a girl and what's worst is that the girl that he's kissing is Ella. Yung member ng cheerleading na lagi naming kasabay nila Steven pag kumakain.
Sobrang daming tumatakbo sa isip ko. Kelan, pano at bakit nangyare yun?
I can't believe that I'm sitting and eating with a snake all this time.
Bumibilis ang t***k ng puso ko, sa sobrang bilis ay parang naririnig ko na mismo ito. Hindi ko na sigurado kung anong nararamdaman ko.
"Love bakit hindi ka sumasagot, kanina pa ki....."
Hindi na natapos ni Steven ang sasabihin nya nang kusa nang tumama ang mga palad ko sa pisngi nya.
Napanganga at napahawak sya sa pisngi nya sa gulat at lakas ng pagkakasampal ko sa kanya. Pati ibang mga tao ay napatingin din saming dalawa dahil sa ginawa ko.
"Kelan mo pa ako niloloko?"
Sa tanong kong iyon ay sunod-sunod nang pumatak ang mga luha ko at nag simula na din akong humikbi kaagad dahil sa lakas ng mga iyak ko.
"Clara I......."
Mukang alam nya kaagad yung ibig kong sabihin.
"So totoo nga?"
Umiiyak na tanong ko at hindi sya sumasagot.
"Silence means yes Steven"
I said to him and he didn't answer again.
"f**k you!"
I shouted.
Kinuha ko yung bag ko at aalis na sana nang manghina nanaman ang paa ko pero nasalo ako kaagad ni Steven.
"Don't f*****g touch me"
Galit kong sabi sa kanya at tinulak sya at tumakbo paalis.
Narinig ko pang tinawag nya ako pero hindi ko sya nilingon. Alam ko ding sinusundan nya ako kaya agad akong nagtago sa likod ng isang building para mawala sa paningin nya.
Sinilip ko sya at nang makita kong umalis na sya ay muli akong lumabas.
Sa paglabas ko ay halos mapatalon ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Xenon.
Para syang mushroom na sumuslpot kung saan-saan.
Muka syang hinihingal na para bang kanina pa sya may hinahabol.
"Kanina pa kita hinahanap"
Hinihingal nyang sabi sakin habang nakahawak pa sa dibdib nya.
"Why?"
Tanong ko sa kanya pero imbis na sagutin nya ako ay hinila nya ako at kinulong sa mga bisig nya.
Mas lalo akong napaiyak dahil sa pakiramdam na init ng mga yakap nya.
"I'm sorry"
Xenon said.
"A...alam mo?"
"Hmm"
Sagot nya.
Humiwalay ako mula sa mga yakap nya at hinarap sya.
"Bakit hindi... hindi mo...si....sinabi sakin?"
Nauutal na ako magsalita dahil sa sunod-sunod na pag hikbi ko.
"Ayokong masaktan ka"
"Masasaktan at masasaktan ako Xenon"
"I'm sorry. I just thought that maybe I can think of another way of telling you that kung saan hindi ka masyadong masasaktan"
I know his point but still, kahit anong gawin ay masasaktan pa din naman ako.
"I... I look so stupid"
"Shh, you don't look stupid. Trust me"
Pag papatahan sakin ni Xenon at muli akong niyakap. I hugged him back at patuloy na umiyak.
Mukang basa na nga ang suot nyang costume dahil sakin at sa tuwing may mga dumadaang tao ay mas niyayakap nya ako para itago ako.
Habang pinapatahan ako, Xenon started humming while he's gently tapping my back. It's like he's putting a baby to sleep.
I smiled bitterly.
Kung si Xenon ba ang pinili ko, hindi ako iiyak ng ganito?
He is too good for me.
"Thank you"
I wisphered.
"Always"
Sagot nya at kumirot ang puso ko. I don't deserve this man.