Chapter 5

2460 Words
Momo's POV "Tara." Xenon said at hinawakan ang kaliwang kamay ko. "Where?" "It's Saturday. Hahanapin ka natin." Sagot niya at nakangiting tumango ako kaagad. I have no idea where we are exactly going pero masaya ako kasi may kasama na ako sa paghahanap sa katawan ko. Kasi kasama ko si Xenon. Sumakay ako sa loob ng kotse at ganoon din si Xenon. Nagsuot siya ng seat belt niya at bago siya magdrive ay tinawag niya ako. "Momo." "Hmm?" "Can I hold your hand?" Xenon asked. Napakunot ang noo ko sa pagtataka dahil sa tanong niya but I didn't ask anuthing and just reach his hand then J smiled at him as he looks at me. "Matagal na rin simula nang mahawakan ko ang mga kamay niya." Xenon said and started to drive. "Niya?" Tanong ko. "Ni Samantha." Ah si Samantha pala. "Ah." Sagot ko. "So, thank you." He said. "Saan? Sa paghawak ko sa kamay mo o sa pag-pepretend na ako si Samantha?" Tanong ko at sandaling napatingin naman siya sa akin. "What do you mean?" He asked. "Nothing. Mag-drive ka nga nang maayos baka mabangga tayo eh." Biro ko at pilit na ngumiti sa kaniya. Kakabati lang namin at ayaw kong mag-away nanaman kami. Wala rin namang sapat na rason para pag-awayan namin yun. Naging tahimik ang buong byahe namin hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang hospital. "Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko kay Xenon pero imbis na sagutin niya ang tanong ko ay ipinatong niya lang 'yong hoodie na suot niya kanina sa akin. "Isuot mo muna 'yan" He said. Don't worry dahil hindi naman ako magmumukang lumulutang na hoodie. "Huh? Ayaw ko, hindi ko naman kailangan eh mas kailangan mo 'yan kasi buhay ka." Sagot ko pero umiling-iling lang siya. "Buhay ka pa naman ah." Sagot niya hindi ko naiwasang mapangiti nang pagkalaki-laki. "Magkakasakit ka kapag nilamig ka ako hindi. Kaya mas kailangan mo 'to." Hindi naman ako nakakaramdam ng init at lamig. "I will be fine. I just want to see that hoodie on you." Sagot niya. "Atsaka tingnan mo nga 'yang suot mo, pulang pula. Baka maakit pa mga multo sa loob ng hospital sa iyo" Dagdag niya pa kaya hindi na ako umangal pa dahil totoo naman ang sinabi niya. "Let's go?" Xenon asked as he offer his hand to me. I looked at his hand, his smile, and his eyes. Para sa akin ba yung mga tingin at ngiting yun? O para kay Samantha? Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming pumasok sa loob ng hospital. Binitawan niya lang ang kamay ko noong madami nang mga tao sa paligid. "Bakit nga kasi tayo nandito?" "We have a lot of connection sa ibat-ibang hospital kasi may-ari rin kami ng isang hospital kaya hahanapin ka natin sa lahat ng hospital sa Pilipinas." "Sa inyo ba itong hospital na 'to?" "No, Castillo Med Hospital yung sa amin. This is the Adventist Hospital." He answered. "Ah." Lumapit si Xenon sa information desk kaya sumunod naman ako sa kaniya. May inilabas siyang picture mula sa bulsa niya at nang tingnan ko ay picture ko pala. "Hi good morning. My name is Xenon Castillo." Pagpapakilala niya sa babae sa information desk. "Oh good morning Mr. Castillo. How can I help you today?" Mukhang nakilala kaagad siya ng babae. "May naka-confine ba rito na something like Ara yung name?" He asked. "Um, you don't know the full name Mr. Castillo?" The girl asked and Xenon just nod. "Do you have any more information about that person?" The girl asked. "Um, a female. About 19 years old and here is her picture." Xenon said at iniabot sa babae ang picture ko. "Let me check po muna." Hindi ko nararamdaman na nandito ako pero sana nga ay nandito ako para naman hindi na kami mahirapan lalo na si Xenon. "Masyado pong kaunti yung information about that patient but since you said her age meron po kaming 8 patients na nasa ganoong edad." Sabi ng babae at pinaharap sa amin yung computer na gamit niya. "Here's all the female patient that is close to her age Mr. Castillo." Inisa-isang tingnan ni Xenon yung profile ng mga patient na nasa edad ko pero wala sa kanila kahit kamukha ko man lang. "I don't think she's here." Xenon said. "Maybe she's in another hospital. Thank you miss." Muling hinawakan ni Xenon ang kamay ko pagkatapos ay lumabas na kami ng hospital at bumalik sa loob ng kotse. "Saan na tayo?" Tanong ko. "Marami pa tayong pupuntahang hospital." Sagot niya at ngumiti sa akin at nagsimula na ulit mag-drive papunta sa susunod na hospital. Sunod naming pinuntahan ang Franxis Medical hospital pero mukhang wala rin ako doon. Isa pang hospital ang pinuntahan namin pero wala rin ako doon hanggang sa umabot na kami sa pang apat na hospital. "Hi good evening, may naka-confine bang patient dito named Ara? Or kahit kamukha lang niya?" Tanong ni Xenon at ipinakita yung picture ko. Chineck ng lalake yung list at ibinalik kay Xenon ang picture. "Wala po sir, pasensya na po." Sabay kaming napabuntong hininga ni Xenon sa sagot ng lalake. Malungkot kaming lumabas ng hospital at naglakad papuntang parking lot. "Umuwi na muna tayo, gabi na eh." I said to Xenon. "Are you sure?" He asked. "Hmm, tsaka pagod ka na rin kasi." Hindi rin kasi ganoon kalalapit yung mga hospital na pinuntahan namin kanina kaya nakakapagod din talaga yung byahe namin. Tumango lang sa akin si Xenon pagkatapos ay sumakay na kami sa kotse niya at nagbyahe pauwi. Pagkarating namin sa bahay nila ay humiga kaagad siya sa sofa sa sala nila at natulog. Mukhang hindi niya na kinayang umakyat sa kwarto niya dahil sa pagod. Lumapit ako sa kaniya para kunin ang picture ko na hawak-hawak niya pa hanggang ngayon pagkatapos ay inilapag yun sa mesa. "Sorry, napagod ka tuloy." Mahinang sabi ko habang nakatitig sa mukha niya. "Ang gwapo mo pala lalo na kapag malapitan." Napakainosente niyang tingnan. Sana lang ngumiti siya nang mas madalas kapag gising siya. "Goodnight Xenon." I whispered to him and kissed him on his cheek. Xenon's POV "Xenon." Shh, please I want to sleep pa. "Xenon." Pagtawag ulit sa akin at tinapik-tapik pa ang braso ko. "Hmm." Sagot ko habang nakapikit pa rin. "Anak, gising na hindi mo nanaman naabutan ang daddy mo." Mommy said at bigla naman akong napatayo. "Po?" Sayang minsan na nga lang kami magkita ni daddy eh. "Bakit ba kasi d'yan ka natulog? Atsaka saan ka nanaman ba galing kagabi?" Mommy asked. "Naglakad-lakad lang mom and I slept here kasi mas presko." Pagpapalusot ko. "Okay sige. Kumain ka na doon okay? Susunod na ako sa daddy mo sa hospital atsaka baka pala hindi ako makauwi mamaya dahil inaasikaso namin ni daddy mo yung pasyente na anak ng kaibigan ng daddy mo." Mom said. Yun yung kinukwento ni dad sa amin nakaraan. Malala raw yung anak ng kaibigan niya at halos walang improvement. "Okay mom, take care." Ngumiti lang si mommy sa akin at lumabas na ng bahay. Tumayo na ako at maglalakad na sana para kumain nang mapansin ko si Momo. Bakit siya nandoon? Nakaupo siya sa sahig tapos nakasandal ang ulo niya sa paanan ng sofa na hinihigaan ko kanina. Bago ko lang din napansin yung kumot. Siya ba ang naglagay sa akin nun? Lumapit ako sa kaniya at umupo para makapantay ko siya. "What a very stubborn ghost." I smiled. Binuhat ko siya at dinala sa kwarto ko at dahan-dahang inihiga sa kama. Aalis na sana ako nang bigla niya namang hawakan ang kamay ko. Paglingon ko ay nakapikit pa rin siya pero yung expression ng mukha niya ay para bang nahihirapan siya. Bigla akong nag-alala kaya. Umupo ako sa tabi niya at hinaplos-haplos ang ulo niya para kumalma siya at makatulog nang maayos. Habang tumatagal na ginagawa ko yun ay unti-unti ring nawawala ang marka ng sakit sa mukha niya kaya naman bumaba na ako para kumain dahil medyo nagugutom na ako. 6 hospitals pa yung hindi namin napupuntahan dahil nakakaapat pa lang kami kahapon. Mabilis na nga yung takbo ng lakad namin kahapon pero sobrang nakakapagod naman. May pasok pa bukas kaya mukhang hindi muna kami makakapaghanap. "Oh kuya, umalis na sila mom?" Naomi asked when she saw me. "Yeah kakaalis lang." Sagot ko. "Ah naligo pa kasi ako eh." "Aalis ka?" "Yeah." Sagot niya at umupo sa tabi ko sabay subo ng tinapay. "Pwede bang itanong mo sa mga kaibigan mo kung anong alam nila sa babae na tinatanong ko sa iyo nakaraan?" I said to her. "Hmm, kuya I smell something fishy ha." Sabi ni Naomi kaya naman kinuha ko yung piniritong isda na nasa mesa at inilapit yun sa kaniya. "Baka yan." "Pilosopo? I mean bakit ba napakainteresado mo doon?" Tanong niya. "Gawin mo na lang, please?" Sagot ko sa kanya. "Tsk nakikiusap ka ba talaga? Parang hindi eh." Naomi said at sinamaan ko naman siya ng tingin. "Oo na, pero bakit nga?" Ang kulit naman oh. "Kasi... kasi importante sa akin na mahanap ang babaeng yan." "Bakit nga?" Napakadaming tanong. "Kasi may utang siya sa akin." Sagot ko at napataas naman bigla ng kilay si Naomi. "Seriously? Naghihirap ka na ba kuya? Ilan ba ang utang niya?" "Hindi pera." Sagot ko. "Eh ano?" "Ah basta." Mababaliw ako sa mga tanong ng kapatid ko. Mahirap magpalusot on the spot. "Weird mo. I know you're lying. There's no way you guys know each other." Naomi said. Kumuha ako ng tinapay at sinubo yun sa kaniya para tumahimik na siya. "Kumain ka na lang." Sabi ko sa kaniya at sinamaan niya lang ako ng tingin. Binilisan ko lang ang pagkain ko dahil baka gising na si Momo at kung ano-ano nanamang kalokohan ang gawin doon sa kwarto ko. Pagkatapos kong kumain ay umakyat agad ako sa kwarto at pagpasok ko ay gising na siya. Halatang nagulat siya sa pagpasok ko at parang may papel pa siyang itinago sa likod niya. "Kanina ka pa gising?" Tanong ko. "Um, oo" "Ano yan?" Tanong ko sabay turo sa likod niya. "Huh?" "'Yung nasa likod mo." Sagot ko at mas lalo niya pang isiniksik sa likod niya ang hawak niya. "Ah wala ito." "Ano nga?" "Ang alin?" Ang gulo kausap ng multo na 'to. "'Yung parang sinusulat mo kanina." "Wala nga." Ang kulit talaga oh. "Patingin nga." Pagpupumilit ko hanggang sa naghabulan na kami sa loob ng kwarto. "Patingin nga sabi." "Ayaw nga eh." Inaabot ko yung hawak niya pero ambilis kasing gumalaw ng multo na 'to. Ang liit nga pero ang bilis naman. Nang medyo mapagod na siya ay sandali siyang huminto so I grabbed the opportunity at mabilis na hinawakan ang papel. Hindi ko hinila sa takot na baka mapunit kaya ngayon ay pareho na kaming may hawak sa papel. Malapit kami sa isa't-isa dahil sa paghahabulan namin. She's looking at me and for some reason ay napatingin na rin ako sa kaniya. Habang tumatagal ang pagtitinginan namin ay unti-unting bumababa ang tingin ko sa mga labi niya. It looks so pale, but still beautiful. "I want... I want to kiss..." I whispered. "What?" Momo asked so I panicked. What did I just said? "Samantha." "Huh?" "I want to... I want to kiss Samantha." Sa sagot kong yun ay mahina akong itinulak ni Momo palayo at binuksan yung TV. "Mag-ayos ka na kung gusto mong mag-ayos. Aalis ulit tayo, maliligo lang ako." Sandaling tumingin sa akin si Momo na para bang nagsusungit at muling ibinalik ang tingin niya sa pinapanuod niya. Para siyang bata. Kagaya ng sinabi ko ay pumasok na ako sa loob ng bathroom at nagsimulang maligo nang kumatok naman si Momo. "Xenon." Pinatay ko muna yung shower para marinig ko siya nang mas maayos. "Why?" "'Yung..." Tahimik lang ako at inaantay siyang tapusin yung sasabihin niya. "Ah wala." "Ano?" Torture ba yun? May sasabihin tapos biglang hindi itutuloy. "Ang baho ng utot mo." Sigaw niya. "Hoy ang kapal mo hindi ako umutot ah." Of course that's not true but my fart don't smell. Hindi na siya sumagot sa akin kaya bumalik na lang ako sa pagligo. Baka nanood na ulit ng TV. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako mula sa bathroom nang nakabihis na agad. Baka kasi mag-inarte at tumili nanaman ang multo na yun na parang lugi pa siya. "Okay ka na?" Tanong ko sa kaniya. "Yeah." "I'll just fix my hair" I said to her and she just nod. Nagsimula akong suklayin ang buhok ko habang nakatingin lang kay Momo na nanonood pa rin ng TV. I was just looking at her nang mapansin kong humahawak nanaman siya sa dibdib niya kaya naman lumapit agad ako sa kaniya. "Momo are you okay?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya. "Yeah, medyo may kumirot lang." She answered and smiled. Halatang pinakitaan niya lang ako ng mga ngiti niya para maniwala ako that she is okay. "Sige, tara na." I said and turned off the TV. We need to find her body immidiately. Nauna na akong maglakad palabas dahil alam ko namang sumusunod siya sa akin dahil nakahawak siya sa kamay ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng sasakyan at inalalayang pumasok sa loob pagkatapos ay pumasok na rin ako at nag-drive paalis. "Saan na tayo ngayon?" Tanong niya. "Hilsam Hospital." "Xenon." Pagtawag niya sa akin. "Hmm?" Malambing kong tanong. "Thank you." "Don't say thank you yet dahil naghahanap pa lang tayo. Wala pang nangyayari." "Pero kahit na." She said so I just smiled at her and pat her head. I love touching her hair and her face. It's cold but it still feels good. "May lahi ka bang abnormal?" Tanong ni Momo. "What?" Saan naman nanggaling ang tanong na yun? "Masyadong maganda yung lahi namin para magkaroon ng lahing abnormal." That is a fact and I am the living proof. "Minsan kasi ang sweet mo minsan naman ang sungit mo. Pinagtitripan mo ba ako?" Tanong niya. Tsk, iyon lang pala. "Dapat ba maging masungit na lang ako palagi?" Tanong ko sa kaniya. "Oo... hindi... wag." She answered. "Huh?" Ang gulo ng sagot niya. "Ah basta." Sagot niya at ginulo-gulo ko nanaman ang buhok niya para maging kasinggulo ng sagot niya. "Hey! Sabi mo mag-ayos ako tapos ikaw naman ang gumugulo ng itsura ko." "Mas bagay nga sayo yung ganyan." Biro ko. "Ah ganoon?" Tanong niya at nakangiting tumango naman ako pagkatapos ay siya nanaman yung gumulo ng buhok ko. Hindi ako makapalag dahil nag-dadrive ako. "Hey stop!" Pag-awat ko sa kaniya at nang tingnan ko siya ay nakapogi pose siya na parang ewan kaya naman natawa ako at ganoon din siya. Para kaming mga baliw na nagtatawanan sa loob ng kotse sa napakababaw na dahilan. I'm in danger. I'm starting to feel so happy with her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD