Chapter 4

2318 Words
Xenon's POV Lumabas si Momo ng kwarto pero hinayaan ko na lang muna siya dahil baka nasa sala lang yung multo na yun. I know that we are both mad at each other right now so I think it's best to cool down first. I just really treasure that picture of Sam because I'm the one who took that picture tapos bigla lang mababasag. Ilang beses ko na rin siyang sinabihang huwag yun hahawakan pero hinawakan niya pa rin. I feel like I'm raising a child. Nagdesisyon na lang muna akong matulog para kumalma sa pag-iisip na sa paggising ko ay nandito na ulit siya pero sa muling pagmulat ng mga mata ko ay wala akong nakitang bakas niya. Pagkatapos ng malalim na paghikab at matinding pag-uunat ng katawan ko ay nagtaka kaagad ako dahil hindi nakabukas yung TV because she always watch TV, parang yun nga lang yung alam niyang gawin eh. Bumaba ako para hanapin siya pero wala siya sa kahit saang parte ng bahay kaya medyo kinabahan ako. "Momo, where are you?" Hindi mapakaling bulong ko sa sarili ko. Nagmamadaling umakyat ako sa kwarto at nagsuot ng puting tee shirt pagkatapos ay lumabas agad ng bahay at nag-drive kung saan para hanapin yung multong yun. Ewan ko ba, pero pakiramdam ko bigla ay kasalanan ko ang lahat. Siguro kasalanan ko rin naman talaga at masyado siyang nasaktan sa mga sinabi ko kanina. Where should I look for her? Saan ba ang tambayan ng mga multo? Abandoned house? Nag-drive ako papuntang mall kung saan ko siya unang nakita pero mukhang wala siya dun. Sinubukan ko rin sa park at iba pang mga lugar kung saan pwede siyang pumunta pero wala pa rin. Medyo napapagod na ako at halos mag-aapat na oras na akong naghahanap sa kanya ngayon kaya nagdesisyon muna akong lumabas ng kotse at magpahinga. I stopped over at a near bus stop at umupo. It's already 7:38 pm and I'm just looking at all the cars that's passing by. Medyo madilim na kaya gumaganda na tingnan yung mga ilaw. Samantha and I always watch car lights at night because she loves it so much. Yun ang paborito niyang ginagawa namin palagi habang nakasandal siya sa balikat ko at habang hawak ko naman ang kamay niya. (FLASHBACK 1 YEAR AGO) "Hon." "Hmm?" "Why do you love watching night lights so much?" I asked. "It's mesmerizing." "How so?" "Because it gives light to the darkness. Iba-ibang kulay pa." She smiled. "Don't you love it?" She asked. "I do. But I love it more to watch you watch the night lights." I love seeing you smile while enjoying the view. "Wow, how can you be so sweet?" She joked and giggled. "I love you." Samantha said. "I love you more" I answered and kissed her on her lips pero agad rin siyang humiwalay at humawak sa ulo niya na para bang nahihilo siya. "Hon? Are you okay? Tara na, bumalik na tayo sa loob." Nag-aalalang sabi ko sa kaniya. "Sumakay ka na sa likod ko." I said to her at pumwesto sa harap niya. "Pero gusto ko pang manood." Nanghihina niyang sabi kaya mas lalo pa akong nag-aalala. Hinarap ko siya at hinawakan ang mga kamay niya. "Hon naman, please?" Pagpilit ko sa kaniya. "Hmm, sige na nga basta bukas manonood ulit tayo ah?" Nakangiti niyang sabi at tumango naman ako. Nakangiti siya pero halata pa ring nahihirapan siya. "Let's go." Muli akong pumwesto sa harap niya at sumakay na siya sa likod ko. She have a wheel chair pero mas gusto niyang pumapasan sa likod ko. Medyo gumaan nga siya kumpara noon kaya mas nag-aalala ako lagi sa kalagayan niya. Sa hospital namin mismo siya naka-confine ngayon at palagi ko rin siyang binabantayan. Ayaw ko kasing mawala siya sa paningin ko. Pagkapasok namin sa room ay pinahiga ko siya kaagad pero hanggang ngayon ay gising pa rin siya habanv ako naman ay nakahawak lang sa kamay niya at inaantay siyang makatulog. "Hon." Pagtawag ko sa kaniya. "Hmm?" Tanong niya. "Ayaw mo ba talagang magpa-opera?" Tanong ko sa kaniya. I know that she hates it when I ask her about that pero sa bawat tanong ko ay umaasa akong sasagot na siya ng oo. Leukemia ang sakit ni Sam. Walang stage ang leukemia but the doctor said that she only have 4 months to live. 3 months have already passed and she only have a month left now. "Hon naman diba sabi ko sayo aantayin pa kitang maging doctor?" It's not a yes again. Muli nanaman akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. "Hon matagal pa yun baka..." Hindi ko kayang ituloy yung sasabihin ko. "Baka mamatay na ako?" Pagpapatuloy niya ng sasabihin ko at pilit na ngumiti. It's not a good smile but a bitter smile. "Hon kaya nga may miracle 'di ba?" She said. "Miracle doesn't alway happen hon." Sagot ko sa kaniya. "Maybe it will happen to me." She answered and I just sighed. Tumayo siya mula sa pagkakahiga niya, umupo siya sa kama at hinarap ako nang mas maayos. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa mga labi ko. "My dear Xenon, if I will die, I will die. Alam naman natin pareho na sinabi ng doctor na kahit magpa-opera ako ay maliit na chance na lang na mabuhay ako hindi ba?" "But still..." "If I only have a month to live right now. I don't want to take the risk anymore, I just want to spend the rest of my time here with you" Oh s**t. Why does she sounds like she's leaving me already? "Please don't say that." Gusto nang tumulo ng mga luha ko pero pinipigilan ko lang. I don't want her to see me crying dahil malulungkot lang siya lalo. "I'm sorry, I always make you sad." She said and kissed me on my cheek. "No, I'm sorry I can't do anything for you." "You're doing everything for me hon." (END OF FLASHBACK) After that night, she passed away. We didn't expect it to be that soon. I thought she said that we will watch the lights again the next day pero huli na pala yun. I never saw the girl that I love the most again. Our story may look sad for others but it's beautiful to me. Hindi ko pinagsisisihang minahal ko si Samantha. I'm so thankful na nakilala ko siya. Sobra-sobra yung saya na binigay niya sa buhay ko. Habang nirerevive siya ng mga doctor noong panahon na yun ay may nakita ako sa table na isang letter niya para sa akin. A goodbye-love letter. Ginawa niya yung letter na yun na para bang alam niya kung kailan niya na ako kailangang iwan. One of the reasons why I came back here in the Philippines is because it's almost Samantha's death anniversary. I'm also planning to go back to the states again to continue studying medicine. Nang makontento na ako sa pagpapahinga ko ay naisip kong magpatuloy na sa paghahanap kay Momo. I'm about to stand up nang biglang may tumawag sa akin. "Xenon?" Nilingon ko kung sino yung tumawag sa akin at nakita ko si Momo. Tumatakbong lumapit ako sa kanya at agad na napayakap sa kaniya nang makita ko siya. "Um? Why are you hugging me? Di tayo bati." Tanong niya kaya naman napahiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. I also don't know why I hugged her. "Where have you been?" Tanong ko sa kaniya at bigla naman siyang nagpamewang. "Pake mo." Sagot niya sabay irap niya sa akin. "Ano nanaman bang problema mo?" Sa pagkakaalala ko siya ang may kasalanan sa akin. "Ikaw." What? "Why me?" Tanong ko. "Ah, basta." May saltik din ata itong multong 'to eh. Imbis na mag-sorry, nagtataray pa. "Tara uuwi na tayo." "Akala ko ba galit ka sa akin?" Tanong niya. "Sinong nagsabing hindi?" Pilosopong tanong ko at sumimangot naman siya. "I'm sorry, hindi ko sinasadyang basagin yung picture." Nakayuko niyang sabi. "Sorry din kung pinag-alala pa kita." She added. "Yeah, I was really worried." I said and pat her head. "Don't leave again, okay?" I said to her at hinarap niya naman ako. "Promise." She answered and I just smiled. Hinawakan ko na lang yung kamay niya at pinapasok siya sa loob ng kotse pagkatapos ay nag-drive na ako pauwi sa bahay. Tahimik lang kaming pareho sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa bahay at umakyat papasok sa kwarto ko. Syempre binuksan agad ni Momo yung TV, adik yan eh. Ako naman ay humiga kaagad sa kama dahil sa pagod. "Naomi doesn't know your full name but she said you are Ara, a lot of people know you only by that name." Nakapikit kong sabi kay Momo. "Ara?" She asked. "Hmm." Damn, I'm so tired. "Hindi nila alam yung full name ko?" Tanong niya ulit. "Yes." Sagot ko. "Why?" Tanong niya nanaman. "I don't know. Maybe because you want to be a little bit mysterious or something." She's famous but we don't know her full name. It's like she's anonymous but not really. Kakalipat lang din ni Naomi sa school na pinapasukan namin kaya wala akong masyadong information na nakuha sa kaniya. "Sayang naman, akala ko makikilala na natin ako." Komento niya. "Saan ka pala pumunta kanina?" Hindi niya ata nasagot yung tanong ko na yan kanina. "Kung saan-saan." Sagot niya. "Ano ka pulubi?" Pang-aasar ko sa kaniya. "Siguro nga wala rin kasi akong pera eh." Sagot niya at napatawa ako. "Aanhin mo naman ang pera?" Tanong ko pero hindi siya sumagot kaya iminulat ko ang mga mata ko para tingnan siya. Baka kasi may sumasakit nanaman sa kaniya. "Are you okay?" Tanong ko sa kaniya. "Hmm, I know you're tired. Go to sleep." Momo answered and I just nod. Bumalik nalang ulit ako sa pagkakapikit ko at natulog na. Momo's POV Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko nang magising ako mula sa ingay ng TV. Maaga pa ba? Nilingon ko si Xenon at agad akong napasigaw nang makita ko kung gano kami kalapit sa isat-isa. "Oh my gosh!" Pagtili ko. "What the..." Sigaw naman ni Xenon. Natulak ko kasi siya sa sobrang gulat ko kaya nalaglag siya sa kama. Napakalapit naman kasi namin sa isat-isa tapos nakahiga pa ako sa braso niya kaya naman napatili kagad ako. "You! Why di you..." At bakit naman ako nauutal magsalita ngayon? Para akong ewan. "Ano ba! Why did you do that? Alam mo ba kung gaano kasakit yun?" Pagsermon niya sa akin. "Ka..kasi naman! Nagulat ako sa ano... Teka, hindi kaya..." Tinakpan ko yung katawan ko ng dalawa kong kamay at nagtakip ng kumot dahil sa biglang pumasok sa isip ko. "Ano bang iniisip mo? Kung ano man yan, imposible yun because you're a spirit." Xenon said at bigla ko namang na realize na wala nga pala akong living body. Mas lalo tuloy akong nahiya at napatiklop sa ilalim ng kumot. "Ikaw itong hindi binibitawan yung kamay ko simula kagabi. Alam mo bang sobrang sakit na ng braso ko ngayon." Hindi ko siya binitawan magdamag? "Really?" Nahihiyang tanong ko sa kaniya. "Yes." Sagot niya. "Oh, I'm sorry." Sabi ko at lumabas mula sa pagkakatago sa kumot. Nasaktan ko na pala siya magdamag tapos nasaktan ko pa siya ngayong umaga. Malay ko bang may bigat pa rin pala ako. "Whatever." Sagot niya at umupo sa sofa habang hinihilot-hilot pa yung braso niyang ginawa kong unan. Napatingin ako sa TV na dahilan ng paggising ko kanina. Napahinto ako nang makita ko yung babaeng nasa picture frame. "Siya yung..." Turo ko habang patanong na nakatingin kay Xenon. "Samantha, siya si samantha." Xenon answered. Video nila Xenon at Samantha yung nasa screen ng TV. Ang saya at sweet nilang tingnan. "She's so pretty." Komento ko habang nanunuod. "Just watch and I will tell you our story. Para hindi ka na mangulit." Xenon said and I just nod. "Samantha and I met when I was just 10 years old at my friend's birthday party. We played some games together that day and I kept getting distracted because of her innocent and charming smile." Yeah, her smile is the prettiest. "That day, our friendship started until we reached first-year high school. One day, at our school building's rooftop ay bigla niya na lang akong hinalikan and after a month, nag-celebrate na kami ng first monthsary namin." Xenon added. "She made the first move?" I asked while I'm still watching their memories on TV. "Yes." Xenon answered. "Torpe ako eh. Sadly, after 4 years binawi na siya sa akin." Napalingon ako bigla kay Xenon dahil sa huli niyang sinabi. "Binawi?" Tanong ko. "Yes, Leukemia. Ayaw niyang magpagamot o kahit treatment man lang kasi gusto niyang antayin na maging doctor ako." Oh. My heart is aching just looking at his face. "Pero hindi niya na ako naantay eh, sumama na siya sa taas." Malungkot na tonong dagdag ni Xenon. Tumayo ako sa kama at naglakad papunta sa kaniya. Nang lapitan ko siya ay nakita kong umiiyak siya. I'm not sure what to do to make him feel better kaya umupo na lang ako sa tabi niya at hinaplos ang likod niya para patahanin siya. "Shh don't cry too much. For sure, Samantha doesn't like seeing you cry." Pagpapatahan ko sa kaniya at pinunasan niya naman yung mga luha niya gamit ang mga kamay niya at hinarap ako. "I love her so much." He said. "She loves you too and she wants you to be happy." I said to him. "I wish she can be like you, a mumu." Xenon said habang humihikbi-hikbi pa. "Correction, a spirit." Puro mumu yung isang ito eh. Momo pa yung ipinangalan sa akin. "Okay fine." "But, why do you want her to be like me?" Tanong ko sa kaniya. "So that I can always see her just like you." He said and left. Oo, tumayo siya bigla at lumabas ng kwarto. Naiwan tuloy akong parang ewan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD