Xenon's POV
"Ayaw mo ba talagang makinig?"
Pang benteng tanong na sa akin Momo 'yan.
"Ayaw ko nga."
Pabulong na sagot ko.
"Bakit naman?"
Tanong niya ulit.
"Nahihilo ako sa numbers."
"May ganon pala?"
Pagtawa niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin at tumahimik naman siya kaagad.
Sabi ko kanina 'wag mag-iingay tapos puros daldal naman siya ngayon.
"Tsk."
Pinatong ko yung ulo ko sa armchair at pumikit pero hindi ako matutulog at baka kasi kung saan-saan pumunta si Momo.
Si Dora pa naman 'yan.
"Mr. Xenon Castillo?"
Huh? Ako yun diba?
"What?"
Cold kong sagot.
"Ang bastos mo talaga minsan."
Momo said.
"Ang ingay mo talaga palagi."
Sagot ko naman sa kaniya habang nakatakip yung kamay ko sa bibig ko and she just pouted.
I'm just saying facts.
"Answer this."
The teacher said sabay turo niya sa question number 1 na nakasulat sa board.
"Why me?"
Tanong ko.
"Why not?"
Tanong niya rin.
"Tsk."
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa board. Nakasunod sa akin si Momo.
Tang ina 'di ko alam 'to.
"2.262."
Bulong ni momo.
"What?"
Pasimple kong tanong together with a fake cough.
"Isulat mo nalang kasi."
She said.
Sinunod ko yung sinabi nita at isinulat yun sa board.
"Repeat."
I whispered to her.
"2.262 x (0.352 ÷ / 10)."
"Then what?"
I asked.
"Solve mo na sa cellphone mo."
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at nag-compute pagkatapos ay isinulat ko sa board yung sagot nang sabihin ni Momo na tama.
=0.2571
"Okay na?"
Tanong ko ulit kay Momo.
"Lagyan mo ng or 0.25."
Sinunod ko ulit yung sinabi niya at bumalik na kami sa upuan.
"Okay, very good."
Tsk see? Math is easy, partida hindi pa ako nakikinig nang maayos niyan.
Just kidding, I don't like math.
"Thank you."
Sarcastic na tonong sabi ni Momo.
"Thanks."
Sagot ko.
It's funny how she remembers how to solve math yet she doesn't remember her name.
"Pilit pa ata eh."
Komento niya pa pero hindi ko na siya pinansin dahil parang nakakahalata na ata yung katabi ko na bulong ako nang bulong sa hangin.
Sa pagpapatuloy ng klase namin ay naagaw ang atensyon naming lahat sa biglang pagpasok ni Alex sa classroom.
"Ma'am, sorry I'm late."
He chuckled.
Akala mo talaga napakalayo ng bahay sa school.
"Very late, Mr. Andalio."
Maam said and Alex just smiled at her at umupo sa kinauupuan ni Momo kaya agad na napatayo si Momo.
"Ano ba 'yan. May nakaupo na eh."
Reklamo niya kaya napatawa ako nang mahina.
"Luh? Baliw."
Komento ni Alex sa biglang pagtawa ko.
"Alam mo magkaibigan talaga kayo. Parehong bastos."
Mababaliw ata ako ngayong araw sa kadaldalan ni Momo na madadagdagan pa ng kadaldalan ni Alex.
"Can you guys shut up?"
Pagsermon ko sa kanilang dalawa.
"Guys? May iba ka pa bang kausap liban sa akin?"
Ambilis talagang matakot ng isang 'to.
"Ilan ka ba?"
Tanong ko kay Alex.
"Isa?"
Tingnan mo 'yan, nag-aalangan pa sa sagot niya.
"Marunong ka naman palang magbilang eh."
Sagot ko pero nakakunot noo pa rin siya na parang nag-loloading pa rin ang utak niya.
"Isip ka lang muna, tulog lang ako."
I chuckled at muling humiga sa arm chair ko.
Momo's POV
Inaantay kong lumabas ng bathroom si Xenon habang nanonood ng TV pero hindi na sa cartoon network. Napadpad kasi ako dito sa channel na puro fashion yung pinag-uusapan eh.
Biglang nag-lock at kuminang ang mga mata ko sa TV nang lumabas yung isang red dress na hawak ng babae. It's just a simple yet classy-looking dress, below the knee and it's so pretty.
Kinuha ko yung cellphone ni Xenon at binuksan agad yung camera at kinunan ng picture yung tv, ipapabili ko 'to kay Xenon.
Sana lang talaga mabait siya today.
Pagbalik ko sa home ng cellphone ni Xenon ay bago ko lang napansin 'yong wallpaper niya.
It's the same girl from the picture frame yesterday. Muli nanaman akong napapatitig sa ganda niya. I want to meet her.
Bago lang ako natauhan sa paghanga ko sa ganda niya nang nakalabas na si Xenon sa bathroom.
"Hey, what are you doing with my phone?"
Tanong niya nang makita niyang hawak ko yung phone niya at inagaw 'yon mula sa kamay ko.
"Open mo gallery mo sa may camera."
I said to him.
Nakangiti lang ako habang nag-aabang sa reaksyon niya sa kinuha kong picture.
"What is this?"
Tanong niya.
"A dress."
Sagot ko.
"I know that this is a dress Momo. What I meant is what is this picture doing in my gallery?"
"Um, naisip ko lang kasi na ilang linggo na rin akong hindi nagpapalit ng damit kaya..."
"Kaya gusto mo ng bago?"
Pagputol niya sa sinasabi ko at tumango naman ako sa kaniya.
"At anong magiging istura mo doon? Lumulutang na damit?"
Tanong niya.
"Grabe ka!"
Sagot ko sabay bato ko sa kaniya ng unan pero mas tinawanan niya lang ako.
Tawa pa.
"Hindi yun ganoon 'no, pag para sa amin kasi talaga yung isang bagay nasusuot at nahahawakan namin yun."
"How?"
He asked.
"For example sa pagkain. Kapag inaalayan kami ng food, nakukuha namin yun."
Pagpapaliwanag niya.
"So parang nakakain niyo yung spirit ng pagkain?"
Does that make sense?
"Not really because we don't need to eat but something like that."
I answered.
"Okay."
"Okay? What do you mean okay? Bibilhan mo ako?"
Nakangiting tanong ko sa kaniya.
"Magpahinga na tayo."
Sagot niya at napasimangot naman ako sa disappointment.
Ang ganda kasi talaga ng damit eh. Gusto kong masuot yun.
"Oo na."
Sagot ko at humiga na rin sa kama.
Nalalaglag kasi siya kapag sa sofa siya natutulog eh kaya magkatabi kami ngayon.
Buti nga hindi siya natatakot na may katabi siyang multo. Hindi naman kasi ako tulad nung iba katulad ng mga pinapalabas sa TV.
Hindi ko pa gustong matulog kaya nakatingin lang ako sa kisame at nag-iisip ng kung ano-ano nang gumalaw si Xenon dahilan para magkabanggaan kami at maramdaman ko ang init ng katawan niya.
Ang sarap sa pakiramdam ng init niya kaya hindi ko napigilan ang sarili kong tusok-tusokin ang ang braso niya.
"What are you doing?"
Naiiritang tanong niya sa akin.
"Sorry ang init mo kasi eh."
Sagot ko sa kaniya.
"Malamang kasi buhay ako."
"Alam ko."
Pilosopo eh.
Bigla siyang humarap ng pwesto at lumapit sa akin ng kaunti kaya medyo nailang ako.
"Give me your hands."
Xenon said.
"Huh?"
"Your hands."
Pag-ulit niya.
Iniabot ko sa kaniya yung kamay ko at medyo nagulat ako nang hawakan niya yun at pumikit.
Ang sarap sa pakiramdam.
Kagaya niya ay ipinikit ko na rin ang mga mata ko at natulog. Oo, natutulog din ako.
"Good night."
Xenon whispered at nang tingnan ko siya ay nakapikit pa rin ang mga mata niya.
"Good night Xenon."
Pumikit akong ramdam ang init ng mga kamay ni Xenon at sa muling pagmulat ko ay ramdam ko pa rin ang init niya.
Isang malawak na pag-uunat ang ginawa ko at sandaling tiningnan si Xenon. Hawak niya pa rin ang isa kong kamay habnag natutulog. Mukhang masarap yata ang tulog niya kaya hindi ko na muna siya ginising at maingat na lumabas na muna ako ng kwarto niya. Palagi na lang kasi akong nasa loob ng kwarto niya.
Pagkalabas ko ay nakita ko kaagad yung kapatid ni Xenon, si Naomi. I saw her using her phone kaya lumapit muna ako para makisilip.
At first, she was just scrolling through her gallery when I suddenly saw my face. My eyes widened and I immediately clicked the screen and hold it para masigurong mukha ko ba talaga yung nasa screen ng cellphone.
"Bakit ako nandito?"
Tanong ko sa sarili ko.
"Ano nanaman bang problema ng cellphone na 'to?"
Reklamo ni Naomi.
"Wait, am I famous or something?"
Tanong ko ulit sa sarili ko.
Kung sikat ako ay baka hindi kami mahirapang malaman kung sino ako.
"Damn it! Magpapalit na ako ng phone bukas."
"Naomi?"
Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa cellphone ni Naomi nang marinig ko ang boses ni Xenon na tinawag si Naomi.
"What?"
Tanong ni Naomi sa kaniya.
Naglakad si Xenon pababa habang nakakunot noong nakatingin sa akin at sumenyas pa na lumayo ako kay Naomi. Para namang sasaktan ko yung kapatid niya.
"What are you doing?"
Tanong ni Xenon.
"Just checking my gallery, why?"
"Nothing."
Sabay naming sagot ni Naomi pagkatapos ay hinila ako ni Xenon papunta sa kitchen.
"Anong ginagawa mo doon?"
Tanong niya sa akin.
"Hindi ka maniniwala, pero nakita ko yung sarili ko, I have a picture in Naomi's phone."
Sagot ko sa kaniya.
"At bakit ka naman nandoon?"
He asked.
"I don't know pero sure ako na ako yun, tinitigan ko pa nga eh."
"So what do you want me to do?"
He asked.
"Please ask Naomi, malay mo makatulong sa paghahanap sa katawan ko."
Sagot ko at pinagdikit pa ang mga palad ko bilang pakikiusap.
"Fine, mamaya and..."
May kinuha siyang red na paper bag mula sa likod niya na mukhang dala niya kanina nang pababa siya sa kwarto at hindi ko lang napansin.
"Here..."
Pag-abot niya sa akin.
"Ano 'to?"
Tanong ko.
"Tingnan mo."
Sagot niya at sinunod ko naman.
"Wow!"
It's the red dress na pinapabili ko s akanya kahapon.
Sa tuwa ko ay hindi ko napigilan ang sarili ko at bigla akong napayakap sa kanya.
"Oh my gosh, thank you."
Kinikilig kong sabi habang nakayakap pa rin sa kanya at tumatalon-talon pa.
"Um?"
Xenon said.
Agad akong natauhan at humiwalay mula sa pagkakayakap ko sa kaniya.
"Sorry, um, suotin ko lang."
Pagtakas ko sa pagkahiya at dali-daling umakyat papunta sa kwarto niya.
Pumasok na ako sa bathroom sa kwarto ni Xenon tapos nagsimula nang magbihis. Nang maisuot ko na yung dress ay kahit hindi ko nakikita mula sa reflection ng salamin ay alam kong maganda yun. Nakikita ko naman kahit papaano mula sa mga mata ko.
"Kay Xenon ko na lang ipapakita, as if namang may iba pang pwedeng makakita."
Excited kong sabi sa sarili ko at nagmamadaling bumaba at hinanap si Xenon pero hindi ko siya makita.
Wala siya sa kusina, sala at iba pang parte ng bahay.
May isang pintuan na lang akong hindi nabubuksan at kwarto yun ni Naomi.
Nandito kaya siya?
Dahan-dahan kong binuksan yung pinto pagkatapos ay nakita ko si Naomi na natutulog at si Xenon na dahan-dahan namang kinukuha yung cellphone ni Naomi.
"Hoy."
Bulong ko kay Xenon.
Bigla naman siyang nataranta at napahawak pa sa dibdib niya sa gulat. Thankfully he didn't shout.
"Ikaw talagang multo ka. Papatayin mo ba ako sa gulat?"
Pabulong na sermon niya sa akin.
"Ano bang ginagawa mo?"
Tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko mabuksan may password."
Sagot niya at ipinakita niya sa akin yung cellphone ni Naomi.
"Hmm let me try, tara."
Kinuha ko sa kaniya yung cellphone tapos lumabas kami ng kwarto ni Naomi kasi baka mahuli niya pa kami kung magtatagal pa kami sa loob. Umakyat kami pabalik sa kwarto ni Xenon at doon sinubukang buksan yung cellphone ni Naomi.
"Okay na."
Nabuksan ko yung cellphone at iniabot yun kay Xenon.
L yung pattern niya, pinakamadaling tandaan na pattern sa lahat.
"Paano mo nalaman?"
Tanong niya.
"Magic."
Biro ko at inirapan niya lang ako.
Napakasungit talaga.
"Saan ba dito?"
Tanong niya habang nag-soscroll down.
"Diyan sa girl crush na album try mo."
He opened the album at nakita ko kaagad yung picture ko.
"There! That's me."
Itinabi ni Xenon ang hawak niya cellphone ni Naomi para siguraduhin na ako talag yun. I was smiling on the picture kaya naman ngumiti rin ako habang nakatingin si Xenon.
"Ikaw nga."
Xenon said.
"I told you."
Pinasa niya muna sa cellphone niya yung picture ko para raw matanong niya kay Naomi at sa iba.
"Stay here, Ibabalik ko lang 'to."
He said at tumango lang ako.
Teka, hindi niya man lang napansin yung suot ko? Mukhang maganda naman eh. Napasimangot na lang ako at binuksan yung TV nang sandali siyang huminto at muli akong hinarap bago tuluyang umalis.
"It's beautiful."
He said.
"Huh?"
"The dress."
Sagot niya at kaagad akong napangiti nang napakalaki.
"'Yung dress lang?"
Tanong ko pa.
"I mean you look beautiful in that dress, bagay sayo."
"I know."
I chuckled and even flipped my hair.
"Tainga mo lumalaki."
Pang-aasar niya pa bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Sa paglabas niya ay muli nanamang naagaw ng atensyon ko yung picture frame ng babae. Muli ko yung kinuha at tinitigan. Sobrang ganda niya, paulit-ulit kong sinasabi kasi hindi ko maitanggi.
Sigurado akong girlfriend siya ni Xenon but I wonder why I still haven't seen her yet at para bang walang kahit anong bakas niya sa buhay ni Xenon liban sa picture na ito. I have a lot of questions about her to Xenon pero panigurado namang hindi niya sasagutin.
Binaliktad ko ang picture frame para sana pagpagan dahil may kaunting alikabok nang may makita akong maliit na nakasulat sa baba.
Sam? Samantha? Her name is Samantha.
Biglang pumasok si Xenon sa kwarto kaya nagulat ako dahilan para mabitawan yung picture frame at mabasag.
"Oh my gosh!"
"What the heck are you doing? s**t!"
"I'm sorry, I didn't mean to..."
"Hindi mo sinasadya? Hindi ba't ilang beses ko nang sinabi sayo na 'wag mo itong hahawakan but what did you do?"
Pagputol niya sa sinasabi ko.
"I'm sorry."
Nakayuko kong sabi.
"Alam mo siguro nga dapat mawala ka na lang! Nanggugulo ka lang naman eh."
He shouted at para bang bigla akong iiyak sa sinabi niya.
I know what I did is wrong but he doesn't need to say that.
"You're mean!"
I shouted and walked away.
Kasabay ng mga hakbang ko ay pumapatak naman ang mga luha ko. As tears hits the floor, it left no mark. Nawawala lang na parang bula.
Siguro nga hindi talaga siya yung taong dapat na tumulong sa akin. Baka nagkataon lang na siya ang unang nakakakita sa akin.