NAGING parang energy drink na humalo sa dugo ni Lara ang epekto ng mga pinagsasabi ni Dante. Napalitan ng poot ang panghihinang nararamdaman niya. Para siyang lantang halaman na biglang nadiligan ng tubig. Ramdam niyang parang ikinakalat ng dugo niya sa buong katawan ang bagong lakas. Tumalim ang titig ni Lara sa likod ni Dante. Kumuyom ang kamay niya at nagtagis ang ang ngipin. Napakasama nito para buhayin sa isip niya ang kalupitan at karahasang ginawa sa mga kaibigan niya. Napakasama nito para ipaalala sa kanya lahat! Pinatay ang mga kaibigan niya nang walang kalaban-laban; pinahirapan, tinakot, at pinugutan na parang mga hayop. At si Miguel… Wala na rin si Miguel. Wala na ang nag-iisang taong naging karamay niya ng maraming taon. Ang nag-iisang taong hindi siya i

