Wala sa loob na napatitig si Lara sa mga bisig. Tatlong taon na pero parang nakikita pa rin niya ang mga patak ng dugo. Ipinilig ni Lara ang ulo kasunod ang pagbuga ng hangin sa ere. Kinapa rin niya ang mga patalim sa bulsa ng kanyang jacket. Hindi siya dapat madaig ng takot. Iginala niya ang tingin. Puno na ng agiw ang paligid. Ang mga lumang furniture at gamit ay naroon pa rin sa isang sulok, puno ng mga alikabok—papag, mga lumang silya, mesa na inaanay na, patong-patong na mga kahon at ilang tambak ng mga libro na parang galing sa mini library at itinambak na lang sa basement nang maluma na. Walang nagbago… Nagpatuloy sa paglilibot ang mga mata niya. Sa itaas, ang pintong ayaw bumukas sa bangungot niya…Napapikit si Lara nang mariin. Parang kahapon lang talaga nangy

