Twenty Four

1126 Words

ISANG may-edad na lalaki ang sumalubong kina Miguel at Lara sa gate ng ancestral house. Hula ni Lara, nasa mid-fifties ang edad. Nagpalipat-lipat sa kanila ni Miguel ang tingin nito.       “Magandang hapon po,” bati ni Miguel. “Kayo po si Manong Ansel? Miguel Galvez po. Nabanggit na siguro sa inyo ni Mrs. Dela Costa na darating kami?” Si Mang Ansel ang bagong katiwala sa ancestral house. Nang mabenta ang bahay, umalis na rin ang katiwala ng pamilya ni Miguel.       “Ikaw pala si Miguel?” ang sinabi ni Mang Ansel, tinitigan muna si Miguel bago lumipat sa kanya ang tingin.       “Lara po,” hindi inalis sa kanya ni Mang Ansel ang tingin kaya nagpakilala na rin si Lara.       “Girlfriend ko, Manong,” dugtong ni Miguel na nagpangiti kay Lara. Mas hinigpitan nito ang hawak sa kamay niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD