Kinabukasan, dumating sa condo si Father Tom para sa napag-usapan nilang exorcism. Sumabay na rin sila sa pag-alis ng pari. Inihatid muna siya ni Miguel sa Publishing House bago ito tumuloy sa sariling opisina. Naglibot muna siya sa malapit na mall pagkagaling sa Publishing House. Doon na sila nagkita ni Miguel pagkatapos ng halos isang oras. Sabay silang umuwi at nagpahinga. Nakatulog sila ng halos dalawang oras. Tahimik ang condo, nakatulong talaga ang exorcism si Father Tom. Pagkagising, naghanda agad sila ni Miguel para magpuntang Bulacan—sa ancestral house na pinagmulan ng bangungot niya. Magbabakasakali silang naroon ang kabuuan ng diary ni Dante. “Naisip kong sinunog mo na ‘yan,” si Miguel kay Lara. Nasa biyahe na sila nang sandaling iyon. Sinulyapan siya ng ka

