Seven

1094 Words
“BYE-BYE!” Kumaway pa si Annie nang paalis na. Wala pang fifteen minutes na nasa lobby sila, dumating na ang sundo nito. Sumunod na rin si Lenna na nag-park pala sa laundry shop sa tapat ng entrance gate ng building. Nabawasan ang hindi magandang pakiramdam ni Lara nang makitang hindi lasing ang kaibigan.       Naiwan si Sofia. Wala pa ang boyfriend na sundo rito.       “Tatawagan kita pagdating na pagdating ko sa farm, girl,” si Sofia sa kanya, kanina pa ito nakayakap na parang ayaw siyang pakawalan.       Naisip ni Lara na dala lang ng alak kaya ganoon ang kaibigan. Hindi na lang niya gustong isipin ang ilang pagkakataon na nalasing rin ito pero hindi naman na parang hindi na sila magkikita uli.       Gusto na naman niyang kilabutan. Pakiramdam ni Lara, parang ayaw siyang iwan ni Sofia. Parang iyon na ang huling gabing makikita siya nito kaya ayaw nang bumitaw sa kanya.       Agad na itinaboy niya ang naisip. Hindi niya gustong dagdagan ang hindi magandang pakiramdam.       “Ang sundo mo, Sophie,” narinig ni Lara na sabi ni Miguel mula sa labas ng lobby.       Ngumiti si Sofia at at nagbeso sila. “Bye, girl!” Lumapit ang kaibigan kay Miguel at humalik rin sa pisngi. “Ingatan n’yo ang isa’t isa,” bilin pa nito na ikinangiti niya. Magkasabay silang lumabas ni Sofia. Dumeretso sa naghihintay na sasakyan si Sofia. Si Lara naman ay tumayo sa tabi ni Miguel.       At nang ibalik niya kay Sofia ang tingin na noon ay hawak na ang pinto ng passenger seat para sumakay, nagulantang ang puso niya sa nakita! Napakapit siya nang mahigpit sa braso ni Miguel. Bigla ang naramdaman niyang panghihina at panlalamig.       Nakasakay na si Sofia sa kotse at palayo ang sasakyan ay hindi pa rin normal ang paghinga ni Lara. Hindi niya makontrol ang kabog sa dibdib, pati ang takot na gumagapang sa loob niya.       “Mig…” nasabi niya, mas humigpit ang pagkakakapit sa kaibigan. Pilit niyang kinukumbinse ang sarili na epekto lang ng alak ang lahat. Hindi totoo ang nakita niya.       “Hey... what’s wrong?” pukaw ni Miguel sa kanya, paulit-ulit na tinapik ang kanyang pisngi. Saka na-realize ni Lara na nakatingin pa rin siya sa space na iniwan ng kotseng sumundo kay Sofia.        “M-Mig... si... si Sophie...” wala nang tunog na sabi niya kasunod ang paglunok. Gustuhin man niyang itaboy ang imahe na nakita, malinaw talaga sa isip niya. Sigurado rin si Lara na hindi siya lasing. Malinaw na malinaw ang isip at mga mata niya.       “What about her? Nakaalis na si Sophie, Lara. Hey…” ang buhok na niya ang hinagod nito, naramdaman siguro na may mali sa kanya.       “K-kanina…kaninang nakahawak siya sa car door... I-I’ve seen...I’ve seen her…” Hindi niya masabi-sabi ang nakita. Nag-react na lahat ng balahibo niya sa katawan. Mas kumapit siya sa braso ni Miguel.       “What?” malakas nang tanong nito. “Nanlalamig ka na. Tinatakot mo ako, Lara—”       “W-wala siyang ulo, Mig...”       Napamaang sa kanya si Miguel. Walang nasabi. Tumingin lang sa mga mata niya. Mayamaya ay lumunok ito, umangat sa balikat niya ang kamay, mahigpit siyang inakbayan at kinabig palapit sa sariling katawan. Tinanaw rin nito ang gate na nilabasan ng kotseng sundo ni Sofia.       “Ang samang biro ‘yan, Lara,” sabi ni Miguel nang ibalik ang tingin sa kanya. Naglakad na sila pabalik sa elevator.       “Sa tingin mo, paano pa ako magbibiro pagkatapos ng mga pinagsasabi niya kanina?” balik niya kay Miguel.       Huminga ito nang malalim. “Lasing ka lang,” mas hinigpitan nito ang hawak sa kanya nang pumasok sila sa elevator. “Itulog mo na lang ‘yan, Lara.”       Sana nga lasing lang siya.       “Kapag nakita mong walang ulo ang isang tao o kahit ang anino nito, isa lang ang ibig sabihin n’on, hija, mamamatay ang taong iyon sa mga susunod na araw...”       Napapikit si Lara nang mariin pagkaalala sa sinabi ng isang matanda na na-interview niya noon para sa librong tinatapos.       Sana nga hindi totoo ang nakita ko. Sana safe ka, Sophie… NAGTATAKANG pinagmasdan ni Lara ang paligid. Kuwarto. Nasa isang kuwarto siya na parang napuntahan na niya dati. Napakatahimik. Nakakabingi at parang may ibang dating sa kanya ang katahimikan. Sapat lang ang liwanag para maaninag niya ang sarili at ang paligid. Sarado ang mga bintana at...       Ang mga kurtina... parang minsan na niyang nakita sa kung saan. Hindi lang niya maalala pero pamilyar talaga…       Galing na ba ako rito dati? Parang nakita ko na talaga ang room na ‘to…       Inikot ni Lara sa paligid ang tingin. Saan ba niya nakita ang kuwartong iyon?       Umihip ang hangin mula sa kung saan. Malamig. Kakaiba ang lamig, at ang amoy... malansa at masangsang. Napatakip ng ilong si Lara. Hindi niya kaya ang amoy. Nasaan ba siya?       Napalingon si Lara sa bintana nang marinig ang tunog—bumukas ang bintana. Hangin ang naisip ng dalaga na dahilan. Nadagdagan ang liwanag sa kuwarto. Pumasok ang sinag ng buwan sa loob.       May kakaiba siyang naramdaman sa dibdib. Nasiguro ni Lara na nakita na niya ang lugar. Pero saan? Umihip uli ang hangin at sa pagkakataong iyon, lahat ng bintana ay bumukas-sara!       Nanlaki ang mga mata ni Lara, napaatras.       “M-Mig?” tawag niya sa kaibigan. Kung saan man ang lugar na iyon, hindi puwedeng hindi niya kasama si Miguel. Hindi siya hahayaan ng best friend na mag-isa sa isang creepy room.        Pero katahimikan ang sumagot sa kanya.       Natuon sa pinto ang tingin ni Lara. Hindi pa man niya nagagawang humakbang ay marahas nang sumara iyon!       “Miguel!”       Katahimikan ang sumagot sa pasigaw niyang pagtawag.       Umihip uli ang hangin. Gumalaw ang mga kurtina kasunod na bumukas-sara ang mga bintana. Huli ang pinto na parang ibinalibag pasara—walang tao kaya sino ang posibleng gumawa ng mapuwersang pagtulak?       Nagsimulang manginig ang mga tuhod ni Lara. Umaatras siya, hinahanap ng mga mata ang daan palabas. Hindi siya dapat makulong sa lugar na iyon!       Lumakas ang ihip ng hangin. Lumakas nang lumakas na pakiramdam ni Lara ay tatangayin siya.       Sigaw na nang sigaw si Lara pero walang boses na lumabas sa kanya.       At mula sa parang nagsasayawang kurtina, naaninag niya ang isang anino, bahagyang nakataas ang isang kamay nito na may hawak na...       Napasinghap si Lara nang malakas. Tinamaan ng liwanag galing sa labas ang hawak ng anino. Kumislap ang talim...       Makintab…       At napakatalas!       Karit... isang matalim na karit!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD