NAGMAMADALING pumasok si Miguel sa elevator. Naghatid lang siya ng revised script sa opisina. May importanteng meeting ang team na iniwan na naman niya. Tadtad rin siya ng absences sa ilang linggong lumipas. Inaasahan na niyang fired na siya sa mga susunod na araw. Wala nang pakialam si Miguel. Mas mahalaga ngayon ang kaligtasan ni Lara. Hindi siya mapanatag kanina pa. Sa walang paliwanag na paglabas ni Dante sa bangungot, lalo nang nanganganib si Lara. Walang problema kung siya ang puntirya ni Dante. Ibang usapan kung ang babaeng mahal niya ang sasaktan nito. Tinawagan niya si Lara kaninang pauwi siya. Nasa condo lang ang babae, pinipilit ang sariling magpaka-busy. Hanga siya sa tatag nito. Paulit-ulit man na bumibigay sa takot, paulit-ulit rin na ibinabangon ang sarili at

