DAY THREE, sa isip ni Miguel at pumikit. Alam na niya kung ano ang isusulat sa blank page ng kanyang journal—ang oras na iyon na payapa si Lara sa loob ng yakap niya. Pagkatapos ng unang panaginip ni Lara, na nangyari exactly three years mula nang nagpunta sila sa ancestral house, naisip ni Miguel magtago na rin ng journal. Kung dati ay sa blog lang siya busy, three days ago ay naging busy na rin siyang isulat sa journal ang mahahalagang detalye sa bawat araw. Naisip niyang isulat ang sunod-sunod na mga nangyayaring walang paliwanag. Pagkatapos ng strange call na natanggap niya nang gabing iyon, nagdesisyon si Miguel na tandaan ang bawat detalye at isulat. Kung magkatotoo man ang takot niya, hindi mag-iisa si Lara na haharap sa isang malabong imbestigasyon. Magiging kakampi n

