WALANG balak matulog si Lara. Eleven PM na, nasa tabi lang siya ng kama hawak ang mga paborito niyang patalim. Nasa target ang focus niya. Ang walang mukhang anino sa kanyang bangungot ang imaheng binubuo ni Lara sa isip. Sa anino bumabaon ang bawat ibinabato niyang patalim—iyon ang kanina pa niya iniisip. Mas lalong tumaas ang emosyon ng dalaga nang nagmintis lahat ng attempt niyang tamaan ang target. Si Miguel ay nasa kama lang. Tahimik na pinapanood ang bawat pagbato niya sa patalim at ang frustration sa bawat pagmintis. “Tama na `yan,” sa Miguel na hindi na yata nakatiis. “Nagsasayang ka lang ng lakas, Lara.” Kumilos ito, nag-check ng mga books sa maliit na shelf niya sa may paanan ng kama. “Wala ka bang FHM?” Hindi niya pinansin ang kaibigan. Pinulot niya i

