DREADFUL nights. Nightmares and death—perfect words para ma-describe ko ang mga gabing nagbalik si Dante sa bangungot ko. Three years ago, hindi niya ako nakuha pero hindi lang sa pag-iiwan ng death mark siya nag-succeed. Mas malalim ang naiwang marka sa isip at puso ko. At napatunayan kong mas mahirap maghilom ‘pag sa isip at sa emosyon na ang marka. Ang mga blood drops sa wrist ko, isang hugas lang, wala na. Pero ang takot na binuhay ng marka, ang hirap lampasan. Naging parang anino ko ang takot. One crazy night has turned my whole life into chaos. Nawalan ako bigla ng katahimikan. Kinatakutan ko ang pagtulog—na time of rest ko dapat. I thought, I’ve experienced the worst. Mali ako—hindi pa pala. Hindi pa worst ang experience ko three years ago. Wala kasing buhay na nawal

