Chapter 4

1306 Words
Marvin POV Hindi ko pa rin matanggap. Kahit ilang araw na ang lumipas mula nang bumalik ako dito sa Pilipinas. Kahit ilang beses ko nang isuot ang unipormeng ‘to. Hindi parin maalis ang inis ko. Napangisi ako nang mapait habang nakatitig sa sarili ko sa salamin ng locker room. “Seriously…” mahina kong bulong. Ito ba ang sinasabi niyang welcome back? ⸻ Naalala ko pa rin ang unang araw. Pagkababa ko pa lang ng eroplano, diretso agad ako sa opisina ng ama ko. Handa na ako. Akala ko— ito na ang simula ng totoong papel ko sa kumpanya. Maling akala lang pala! “Janitor?” Halos matawa ako noon habang hawak ang papel na ibinigay sa’kin. “Anong klaseng biro ‘to?” Tahimik lang siyang nakaupo sa likod ng mesa niya. Malamig ang tingin. Walang emosyon. “Hindi ako nagbibiro, Marvin.” “Then stop acting like this is funny,” mariin kong sagot. Tumayo ako at nilapag ang papel sa mesa niya. “Hindi ako bumalik dito para maglinis ng sahig.” ⸻ “Bumalik ka dito para matuto.” Diretsong sabi niya. Mas lalo akong nainis. “Matuto? Sa pagmamop?” “Yes.” Isang sagot na parang sampal. “Wala kang alam sa pinaghihirapan ng pera na ginagastos mo,” dagdag niya. “Because you never let me!” Inis kong sagot. Nagkatitigan kami. Parehong ayaw magpatalo. “Kung gusto mong umalis, umalis ka.” Napangisi ako. “Good. Babalik ako sa America.” Pero bago pa ako makatalikod— “Try.” Huminto ako. “Lahat ng accounts mo—freeze.” Dahan-dahan akong napalingon. “Your cards? Blocked.” dagdag niya. Umigting ang panga ko, sa narinig. “Your connections? Gone.” Patuloy niyang sabi. Na para bang lalo niya ako sinusukat at iniinis. “Hindi ka makakaalis hangga’t hindi mo pinapatunayan na may silbi ka,” malamig niyang dagdag. “Hindi mo gagamitin ang apelyido ko. Hindi mo gagamitin ang pangalan mo. Dito—wala kang espesyal na treatment.” Napakuyom ako ng kamao. “So what, I’m supposed to pretend I’m nobody?” Tumingin siya sa’kin. “Because right now… you are.” Tahimik ang opisina. Pero ramdam ko ang bigat ng bawat salita niya. “Your name here is Melchor Salvador.” Dagdag niya. Isang pangalan na hindi akin. “Start from the bottom. Earn everything. At kapag napatunayan mo na kaya mo—” Sandali siyang tumigil. “Then we’ll talk.” Hindi ko alam kung ano ang mas matindi— yung galit ko, o yung katotohanang wala akong choice. Bumalik ako sa kasalukuyan. Sa loob ng locker room. Sa unipormeng suot ko ngayon. Sa pangalang ginagamit ko. “Melchor.” Huminga ako nang malalim at kinuha ang mop. Kung ito ang gusto niya—fine. Lalaruin ko ang larong ‘to. Pero hindi para sa kanya. Para patunayan—na kahit ibaba niya ako, kaya ko pa ring umangat. Lumabas ako ng locker room at dumiretso sa hallway. Parehong eksena. Parehong amoy. Parehong trabaho. Habang nagmamop ako, hindi ko maiwasang mapatingin sa vending area. Nandoon siya. Yung babaeng tindera. Busy sa pagtitinda. Napailing ako at ibinalik ang atensyon sa sahig. Nahiya ako sa inasta ko kahapon. Yung galit ko kay Dad, ay naibunton ko sa ibang tao. Has she been selling here for a longtime? Mabilis kong tinapos ang pag-mop at dali-dali akong tumungo sa rooftop, at dito huminga ng malalim. I hate dad for doing this to me. Like, Is he being for real? Hindi ko siya maintindihan. Hindi ito ang buhay na nakasanayan ko tapos pahihirapan niya ako? After my Shift, umuwi ako sa sira, at parang bahay ng daga. Ilang araw na akong walang tulog dahil sa Init at malamok na lugar na ito. Kahit man lang sana sa maayos na tulugan niya ako nilagay. Malayo sa nakasanayan ko. Makitid ang pasilyo. Manipis ang pader. Maingay ang paligid. Pagbukas ko pa lang ng pinto, sinalubong na agad ako ng ingay. Tawanan. Sigawan. May grupo ng mga babae sa gilid, nagkukulitan. May mga lalaking nag-iinuman sa tapat, may hawak na bote at tila walang pakialam sa oras. Napatingin sila sa’kin. “Uy, pogi!” biro ng isa sa mga babae sabay tawa. “Kuya, dito ka muna!” dagdag ng isa pa, nagpapacute. Hindi ako sumagot. Wala akong reaksyon. Diretso lang ang lakad ko palabas, parang wala akong narinig. Lumabas ako sa kalsada ng walang imik. Kumalam ang sikmura ko. Doon ko lang naalala—hindi pa ako kumakain. Napatingin ako sa bulsa ko at kinuha ang pera. Sapat lang Para sa isang simpleng pagkain. Hanggang sa susunod na sahod. ⸻ Naglakad ako sa bangketa, naghahanap ng makakainan. Hindi ako sanay sa ganito. Pero wala akong choice. Sa di kalayuan, may nakita akong maliit na pwesto. May ilaw. May usok. May ingay ng mga taong bumibili. Napahinto ako. May isang babae sa gitna. Abala. Mabilis ang galaw. Napapalibutan ng iba’t ibang tao—mga empleyado, estudyante, tambay. Lahat bumibili. Hindi ko alam kung bakit—pero napatigil ako sandali. Parang pamilyar. Hindi ako agad lumapit. Tumayo lang ako sa gilid, nakamasid. Hindi ako sanay makipagsiksikan. Hindi rin ako sanay maghintay. Pero ngayon—wala akong choice. Isa-isa, umalis ang mga customer. Unti-unting lumuwag ang pwesto. Doon ako dahan-dahang lumapit. Masaya akong nakalapit nang hindi na nakikipag-unahan. Abala pa rin ang tindera. Nakatalikod. Inaayos ang mga natitirang paninda. Huminto ako sa harap ng pwesto niya. Naghihintay. “Anong order mo?” tanong niya, hindi pa rin lumilingon. Bubuka na sana ako ng bibig ko, nang humarap siya. At doon pareho kaming napatigil. Siya. Yung tindera sa loob ng kumpanya. Isang segundo. Dalawa. Pero siya ang unang nagsalita. “Ubos na ang paninda ko,” malamig niyang sabi. “Sa iba ka na lang bumili.” Napataas ang kilay ko. “Ubos?” sagot ko, sabay tingin sa mesa niya. “Eh ano ‘yang naka-display?” Diretso ang tingin ko sa mga natitirang pagkain. Hindi naman mukhang ubos. “May may-ari na ‘yan,” mabilis niyang sagot. Napangisi ako nang bahagya. “Talaga?” Hindi ako gumalaw. Hindi rin ako umalis. “Kanina pa ‘yan naka-reserve,” dagdag niya, halatang naiinis na. “Then bakit naka-display pa rin?” balik ko agad. Napasinghap siya nang mahina, parang pinipigilan ang sarili. “Hindi mo ba maintindihan?” matalim niyang sabi. “Sinabi ko nang ubos na.” Tahimik akong tumingin sa kanya. Hindi ako sanay na tinatanggihan. Lalo na sa ganitong paraan. “Or ayaw mo lang magbenta sa’kin?” diretso kong tanong. Napatingin siya sa’kin nang diretso. “Kung ayaw ko, anong gagawin mo?” sagot niya. Sandaling katahimikan. Pero ramdam ang init sa pagitan namin. “Wala,” sagot ko, “Tatanungin lang kita kung bakit. Tumalikod na sana ako. “Wait.” Napahinto ako. Kinuha niya ang isang maliit na supot mula sa gilid. Iniabot niya sa’kin. “Last na ‘yan,” sabi niya. “At hindi ‘yan libre.” Tiningnan ko ang supot. Pagkatapos tiningnan siya. Busy siya sa pag aayos ng paninda tila wala ako sa harapan niya. Kinuha ko ang pera sa bulsa ko at inabot sa kanya. Kinuha niya. At ako? kinuha ko ang pagkain. “Salamat,” sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ko pa sinabi yon, tinarayan na nga ako, ako pa itong nagpapakababa. Hindi siya sumagot. Habang kumakain ako sa gilid ng kalsada hindi ko maiwasang mapangiti nang bahagya. Hindi dahil sa pagkain. Kundi dahil sa unang pagkakataon, may taong hindi ako tinrato nang espesyal. At hindi ko alam kung bakit “May softdrinks kaba?” Tanong ko habang ngumunguya. “Bente” aniya sabay abot ng isang bote ng Softdrinks. Ramdam ko parin ang pagtataray niya. Pero binabalewala ko ito dahi sa gutom na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD