Chapter 3

1528 Words
Maaga pa lang, buhay na agad ang loob ng kumpanya. Mas mabilis ang galaw, mas maingay ang paligid. Halos hindi magkamayaw ang mga kustomer ko sa pag-order. “Isang lugaw!” “Dalawang kakanin dito!” “Tubig nga, dali!” Sunod-sunod nila order. Pawisan na ang noo ko pero hindi ako puwedeng tumigil. Bawat benta, may katumbas na gamot ni Mama. Kailangan kong kumita ng malaki ngayong araw. ⸻ Abala ako sa pag-aabot ng isang order nang biglang bumigat ang hawak kong tray. “Sandali lang…” bulong ko habang sinusubukang i-balanse. Punong puno kasi ang mga bilaong dala ko at may isang basket pa na puno rin ng kakanin. Nang matapos kong maibigay ang mga orders nila, ay naisipan ko ng bumalik sa pwesto ko sa labas. Gumaan na ang mga dala ko dahil halos maubos ang nga ito. Nakapatong sa ulo ko ang bilao, hawak ng isang kamay ko at ang isa naman ay bitbit ang basket. Nakangiti akong naglalakad. Ngunit namulagat ang mga mata ko nang dumulas ang paa ko. “Ah—!” Nabitawan ko ang mga dala, at tila nagliparan ang nga ito. Nagkalat ang kakanin sa sahig. May suman na gumulong, may puto na nadumihan, may supot na napunit. Nanlumo ako sa nakita at nasayang ang mga ito. “Hoy!” Isang galit na na boses ang humiwa sa kaba ko. Napalingon ako. Isang janitor na pinanlisikan ako ng tingin. Nakatayo mismo sa gitna ng kalat. Basang-basa pa ang sahig dahil sa kakatapos niya lang mag mop. Kita ko kung paano ang paghigpit ng hawak niya sa mop. Halos hindi niya mabuka ang bibig at tila nagtitimpi. Pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya. “Seriously?” malamig niyang sabi, halos pabulong pero punong-puno ng inis. Nanigas ako. “Pasensya na po… hindi ko po sinasadya,” mabilis kong sabi. Hindi siya sumagot agad. Yumuko siya at muling pinunasan ang sahig na may mga kakaning natapon. “Alam mo ba kung ilang oras ko ‘to nilinis?” mahina niyang sabi, may diin sa bawat salita. Mas lumalim ang kaba ko. Hindi sa kanya— kundi sa nangyayari kapag nalaman ito ng manager. “Please…” lumapit ako ng kaunti, nanginginig ang boses. “Huwag niyo na po ipaalam sa manager. Parang-awa mo na po,” Saglit siyang tumigil. Hindi siya agad sumagot. At sa ilang segundo na ‘yon— ramdam ko ang tensyon. “Alam mo ba na marami pa akong pupunasang sahig? Imbis na tapos na ako dito sa firstfloor, ito uulitin ko uli! Bakit ka ba kasi pakalat-kalat dito?,” inis niyang sabi. “Pasensya na ha kung pakalat-kalat ako dito. Pasenysa na kung dinagdagan ko ang trabaho mo. Pero sana huwag mong kwestyunin ang ginagawa ko. Hindi mo alam kung gaano kaimportante saakin ang makabenta dito sa loob!” Lumuluha kong sabi. Mabilis akong dumukot ng supot sa gilid ko. “Suman? “ mahina kong sabi. “Pasensya na talaga.” Iniabot ko ito sakanya. Natigilan siya. Dahan-dahan niyang tiningnan ang kamay ko, na may hawak na suman Hindi niya agad kinuha. Hindi siya nagsalita. Pag-angat niya ng tingin sa’kin “Next time, tingnan mo muna ang paligid mo. Magdahan-dahan ka,” Tumalikod siya at muling nagpatuloy sa paglinis. Ako naman, mabilis kong pinulot ang natitirang kalat. Pero kahit nakayuko ako—ramdam ko pa rin ang tingin niya. Nang mapulot ko lahat ay tumayo na ako walang lingon na humakbang palabas. “Melchor, bilisan mo diyan at aakyat na tayo sa second floor,” Rinig ko sa likuran ko. Melchor pala ang pangalan niya. “O, Ava, bakit parang tinakloban ka ng mundo? Mahina ba ang benta? “ tanong ni Marline. “Marami akong benta. Ito nga o, iilan nalang.” “O? Pero bakit hindi ka masaya?” Hindi agad ako sumagot. Wala na rin akong lakas para magkwento pa. Inilapag ko ang mga dala sa Cart ko, “Ano kaba, pagod lang ito, pero masaya ako,” Natapos ang araw at parang matatapos na rin ang lakas ko sa mgahapon na bentahan. Pero sa tuwing nakikita ko ang laman ng bulsa ko ay naiibsan ang pagod ko. “Anak, Ava, kamusta kana?” “Okay lang po ako, Ma,” “Pasensya kana, pero kapag magaling na ako, tutulungan kita magtinda,” “Ma, ayos lang ho. Dito kana lang sa bahay at magpagaling.” Nakangiti kong sabi. “Tsaka bukas magpapacheck ka sa Private hospital,” “Ava, huwag na. Itabi mo nalang ang pera sa pag aaral mo sa susunod na taon,” “Ma, marami pang taon. Makakapaghintay naman yan at hindi naman po tatakbo ang paaralan,” tumawa ako matapos sabihin ito. Ayaw kong mag-alala si Mama. Hangat kaya ko, ilalaban ko ang pang araw-araw namin ni Mama. Kinabukasan, maaga kaming umalis ni Mama. Dahan-dahan ko siyang inalalayan papasok ng tricycle. Halata ang panghihina niya, pero pilit siyang ngumiti sa’kin. “Okay lang ako, ‘nak,” mahina niyang sabi. Tumango lang ako. Hindi ako puwedeng magpakita ng takot. ⸻ Pagdating namin sa private hospital, agad kaming inasikaso. Ibang-iba sa public. Mas tahimik. Mas maayos. Mas mabilis ang galaw ng lahat. Pero kapalit noon mas mabigat sa bulsa. Hinigpitan ko ang hawak sa sobre ng pera habang inaasikaso ang registration. Sunod-sunod ang laboratory tests. X-ray. Blood test. Ilang pagsusuri na hindi ko na halos maintindihan ang pangalan. Tahimik lang akong nakasunod habang hawak ang bag at mga resibo. Bawat papel na inaabot sa’kin—ay malalim akong napapabuntong hininga. Ilang oras ang lumipas bago kami nakabalik sa doktor. “Complete na po ang initial tests,” sabi niya habang tinitingnan ang files. “Doc… kamusta po?” kinakabahan kong tanong. “Maghihintay pa po tayo ng final results. Mga one week po bago makumpleto.” Isang linggo. Parang ang tagal. “Habang naghihintay, itutuloy po natin ang gamot,” dagdag niya habang nagsusulat ng reseta. Tinanggap ko iyon agad. “Doc… magiging okay po ba siya?” mahina kong tanong. Tumingin siya sa’kin sandali. “Gagawin natin ang lahat. Ar sundin ang reseta.” Tumango ako na may kaba. ⸻ Paglabas namin ng ospital, mas mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Mama. “Salamat, anak…” mahina niyang sabi. “Wala yun, Ma,” pilit kong ngumiti. “Ang mahalaga gumaling ka.” Kinagabihan, halos hindi ako nakatulog. Paikot-ikot lang sa isip ko ang lahat. Isang linggo. Isang linggo ng paghihintay. Isang linggo ng kaba. Kinabukasan— balik ulit ako sa bangketa. Wala ng puwang ang pahinga. Walang reklamo. Mas maaga. Mas mabilis. Mas determinado. “Lugaw! Tapsilog! Kakanin!” sigaw ko habang inaayos ang pwesto ko. Kailangan ko pang kumita. Para sa gamot. Para sa susunod na check-up. Para sa kung anumang lalabas na resulta. ⸻ Habang abala ako, hindi ko namalayang napatingin ako sa loob ng building. Maya-maya papasok ako uli dun para magtinda. Muling pumasok ako sa loob ng kumpanya dala ang paninda ko. Mas maaga ako ngayon. Mas handa. Kailangan kong mas higitan pa ang benta ko kahapon. Para kay mama. Pagpasok ko sa vending area, agad kong inayos ang pwesto ko. Inilatag ko ang mga kakanin, inayos ang lugaw, at siniguradong maayos ang pagkakapwesto ng tapsilog at mga inumin. Hindi pa man ako tapos—dumagsa na agad ang tao. “Uy Ava, isang lugaw!” “Dalawang puto nga!” “Pa-order ng tapsilog!” Ngumiti ako nang bahagya habang mabilis ang galaw ng kamay ko. Sunod-sunod. Gaya ng dati pinagkakaguluhan ang paninda ko. ⸻ Maging ang mga utility staff na dumadaan ay napapahinto rin. “Grabe, ubos na naman ‘to mamaya,” biro ng isa. “Syempre, kay Ava ‘yan eh,” dagdag ng isa pa. Ngumiti lang ako, pero tuloy pa rin sa trabaho. Sa gitna ng ingay at dami ng tao, may isang hindi nakisabay. Tahimik lang Sa gilid ng hallway. Nagmamop. Napatingin ako sandali. Siya Yung janitor kahapon. Si Melchor. May mga kasamahan siyang lumapit. “Oy, Melchor, kain muna tayo,” aya ng isa habang may hawak na kakanin. Tumango lang siya, ni hindi ngumiti, hindi rin sumagot. Bumalik lang siya sa pagmamop, parang walang pakialam sa paligid. Napangiwi ako nang bahagya. “Ang suplado talaga…” bulong ko sa sarili ko habang nag-aabot ng sukli. Pero kahit sinasabi ko yun—hindi ko maiwasang pasulyap-sulyap sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi siya katulad ng ibang janitor hndi rin siya katulad ng ibang tao dito. Tahimik. Parang may sariling mundo. Habang abala siya sa pag-mop, napatitig ako sakanya at nagtama ang tingin namin. Mabilis ko ring inalis ang tingin ko. “Eto po sukli niyo,” sabay abot ko ng barya sa customer. Pero ramdam ko—parang may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Umiling ako nang bahagya. Hindi ko dapat iniisip ‘yon. May mas importante akong problema. “Isang tapsilog pa, Ava!” “Opo!” mabilis kong sagot. Bumalik ako sa trabaho. Sa init. Sa pagod. Sa paulit-ulit na galaw. Pero kahit abala ako—sa bawat saglit na tumitingin ako sa gilid—nandoon pa rin siya. Tahimik. Nagmamop. Parang walang pakialam sa mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD