Chapter 2

1381 Words
Madilim pa ang paligid nang magising ako. Hindi ko na kailangan ng alarm. Sanay na ang katawan ko ang gumising ng madaling araw. Agad akong bumangon at dumiretso sa maliit naming kusina. Kinuha ko ang kaldero at sinimulan ang pagluluto ng lugaw. Sumunod ang paghanda ng tapa, itlog, at kanin para sa tapsilog. Habang hinihiwa ko ang bawang, napasilip ako sa kwarto. Nakahiga si Mama. Mahina ang paghinga. “Ma…” mahina kong tawag. Dahan-dahan siyang dumilat. Ngumiti, kahit halatang pagod. “Papunta ka na?” tanong niya. “Oo. Magpahinga ka lang. Bibili ako mamaya ng gamot mo,” sagot ko. Tumango siya, pero kita ko sa mata niya—nag-aalala siya para sa’kin. Pero wala siyang dapat ipag-alala. Kaya ko ‘to. Kailangan kong kayanin. Ilang sandali lang, nasa bangketa na ako. Inilatag ko ang maliit kong pwesto sa tapat ng malaking kumpanya. Inayos ko ang kaldero ng lugaw, ang kawali para sa tapsilog, at ang mga softdrinks sa loob ng icebox. Unti-unting dumami ang tao. “Isang lugaw, Ava!” “Dalawang tapsilog!” “Palamig nga!” Sunod-sunod ang order. Mabilis ang galawa ko, tila Excited na makabenta agad. Sanay na ako sa init ng kalan at sa mabilisang galaw. Pawis na agad ang noo ko, pero tuloy lang. Bawat plato, bawat baso may katumbas na kita. At bawat kita—may katumbas na pag-asa para kay Mama. “Ava, ang sipag mo talaga,” sabi ng isang regular kong customer. Ngumiti lang ako nang bahagya. “ kailangang kumita eh,” Tumawa siya, pero ako hindi. Hindi ito biro. Kaylangan ng diskarte at sipag. Bandang tanghali, medyo humina ang tao. Napaupo ako sandali at uminom ng tubig. Sumakit na ang likod ko, pero binalewala ko lang ito. Napatingin ako sa malaking gusali sa harap ko. Mataas. Malinis. Tahimik. Parang nasa ibang mundo. Iba saamin na na nagtitinda lang sa kalye. “Balita ko, may hiring na trabaho sa kumpanyang iyan,” sabi ni Marline, na katabi kong tindera. “Ganun?” walang gana kong sagot. “Oo. Hindi ko lang alam kung anong posisyon.” Kibit-balikat lang ako. Gusto ko sanang mag-apply pero hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo. Kung magiging janitor lang din naman, magtitinda nalang ako ng Lugaw, may tubong lugaw pa ako. Ang mahalaga, makabenta ako. Makauwi ako na may dalang pera sa bahay araw-araw. At mapagamot ko si Mama. Hinawakan ko ang sandok at muling tumayo. Balik trabaho. Walang pahinga-pahinga Dahil sa mundong ‘to—kapag huminto ka, wala kang makakain. Nga-nga. Pagkatapos ng mahabang araw sa pagtitinda, halos gumagapang na ako sa pagod pauwi. Mabigat ang katawan ko, pero ayos lang naubos naman ang paninda ko. “Hi Ava,” bati saakin ni Mang karding. Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglakad. Pagdating ko sa maliit naming bahay, agad kong tinulak ang pinto. “Ma?” tawag ko habang binibitawan ang mga gamit ko. Tahimik. Mas tahimik kaysa dati. Lumapit ako sa kwarto at marahang niyugyog si Mama. “Ma… gising na po. Kakain na tayo, “ mahinang sabi ko. Pero hindi siya gumalaw. “Ma?” Mas nilakasan ko nang kaunti ang boses ko, pero wala pa rin. Nang hawakan ko ang noo niya, doon ako natigilan. Ang init. Mas mataas pa sa kanina. Biglang kumabog ang dibdib ko. “Ma, gising na po…” nanginginig na ang boses ko habang inuulit ang pagtawag sa kanya. Pero hindi pa rin siya sumasagot. Sa sandaling iyon, takot ang naramdaman ko. Kaya mabilis akong lumabas at humingi ng tulong. “Tulungan niyo po ako!” sigaw ko. “Ava, bakit?! “ tanong saakin ni Aling Medy. “Si Mama po! Kailangan ko pong dalhin sa hospital!” May lumapit na kapitbahay at tumulong sa akin. Maingat nilang binuhat si Mama, at pinasakay namin siya sa tricycle papuntang ospital. Habang nasa biyahe, hawak ko ang kamay niya nang mahigpit. “Ma, laban lang po… please,” paulit-ulit kong bulong, kahit hindi ko alam kung naririnig niya ako. ⸻ Pagdating sa public hospital, mabilis siyang inasikaso. Sandaling lumipas, lumabas ang doktor. “Daughter?” tanong niya. “Opo, Doc… kamusta po siya?” kinakabahan kong tanong. Umayos siya ng suot bago nagsalita. “May findings po kami. Possible na lung infection or lung-related disease.” Nanlamig ako. “Pero kailangan pa po sana ng laboratory tests para malaman ang exact cause.” “Magkano po?” mahina kong tanong. Nabanggit niya ang halaga. At doon pa lang—alam ko na agad. Hindi ko kaya. “Doc… pwede po ba siyang ma-confine?” tanong ko pa, umaasa. Umiling siya. “Puno po ang ward. At kahit private transfer, kailangan po ng malaking down payment.” Tahimik ako. Parang may bumara sa lalamunan ko. “Bigyan ko na lang po kayo ng gamot for now at reseta. Pero kailangan po niya ng follow-up check-up agad.” Tumango lang ako, kahit hindi ko halos maramdaman ang sarili ko. “Salamat po, Doc…” ⸻ Nang makita ko si Mama, na nakahiga sa emergency bed, halos hindi ko na mapigilan ang luha ko. “Pasensya na po, Ma…” bulong ko habang hinahaplos ang kamay niya. “Hindi pa po kita kayang dalhin sa mas maayos na ospital…” Napayuko ako. “Pero pangako po, hahanap ako ng paraan mapagamot po kayo ng maayos.” Pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng kamay. Kahit anong mangyari—hindi ako titigil. Bukas ulit. Mas doble kayod. Kahit ano gagawin ko. Kinabukasan, mas maaga pa sa karaniwan, nasa bangketa na ako. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Pagod pa ang katawan ko mula kahapon, pero hindi ‘yon mahalaga. Si Mama ang mahalaga. Mas pinalawak ko ang pwesto ko ngayon. Hindi lang lugaw at tapsilog ang inilatag ko. May mga kakanin na rin—bibingka, puto, suman—at ilang delikasiya na kaya kong ihanda sa murang puhunan. Mas maraming pagpipilian. Mas maraming benta. “Grabe Ava, ang dami mo ng patinda ngayon ah,” sabi ng katabi kong tindera na si Marline. Hindi ako tumigil sa pag-aayos ng paninda. “Para kay Mama,” simple kong sagot. Wala nang follow-up. Alam na nila, na kaylangan ko ng malaking kita. Habang dumadami ang tao sa paligid, mas gumagalaw ang kamay ko. Sunod-sunod ang sukli, order, at tawag. “Isang bibingka!” “Dalawang lugaw!” “Puto nga!” Walang pahinga, Walang tigil. Hindi ko na iniinda ang pagod. Kahit pawis na pawis na ako, hindi ako humihinto. Hindi ko pwedeng sayangin ang oras. ⸻ Bandang umaga, huminga ako sandali at tumingin sa malaking gusali sa harap ko. Do’n nagtatrabaho ang mga taong may normal na buhay. May aircon. May upuan. May pahinga. Ako, nasa init ng bangketa. Pero wala akong karapatang magreklamo. Katulad nila ay pareho lang kami nais kumita ng pera. Kumapit ako sa thermos ng kape at huminga nang malalim. “Kaya mo ‘to, Ava,” bulong ko sa sarili ko. ⸻ Pagdating ng tanghali, iniwan ko muna ang pwesto ko kay Marline. May kailangan akong gawin. Pumasok ako sa loob ng kumpanya. Malinis. Malamig. At mabango. Napaamoy pa ako sa sarili, hindi man ako kabanguhan, hindi naman amoy asim. Taas noo akong lumapit sa reception at nagtanong kung nasaan ang manager ng tenants. Ilang minuto lang, nakausap ko na siya. “Magtitinda po ako sa loob ng premises,” diretsong sabi ko. Napatingin siya sa’kin mula ulo hanggang paa. “Food vendor ka sa labas?” “Opo.” Sagot ko. “May permit ka?” Inabot ko ang mga papel na pinaghirapan kong asikasuhin. Tahimik niyang tiningnan. “Approved ka for designated vending area inside the premises. Pero strict ang rules.” Tumango ako agad. “Okay lang po.” “Bawal magkalat. Bawal istorbo sa employees. At bawal mag-abala sa operations.” “Opo, makaka-asa po kayo, “ sagot ko agad. Tumitig siya sa’kin sandali, parang sinusukat ako. Tapos tumango. “Fine. Start tomorrow morning.” ⸻ Paglabas ko ng building, mas mabilis ang lakad ko pabalik sa pwesto ko. Mas maraming benta sa loob. Mas mabilis ang kita. Hindi na mahalaga kung mapagod ako. Hindi na mahalaga kung walang pahinga. Ang mahalaga lang— bawat minuto, kumikita. At kung kailangan kong ubusin ang sarili ko para kay Mama, gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD