Doon na natigil ang mga sinabi niya, we both fell silent. Siya na naghihintay at ako na nag-iisip nang mabuti. Alam ko kung ano ang nararamdaman niya dahil naramdaman ko na rin iyon noon. Kaya lang... habang buhay na lang ba ako matatali sa pag-aalala? "So, it has been decided?" Seryosong tanong nito, puno ng kung anong emosyon ang mga mata. Napalunok ako, nangangatog ang mga tuhod at nanlalamig ang mga kamay. I end up resting my back, di ko naman masabing tapos na. Dahil sa totoo niyan, may alinlangan pa rin. Parehong makasarili ako sa dalawang bagay, gusto ko siyang manatili ngunit sadyang lukob pa sa takot ang puso ko. "Kata," malumanay na tawag nito sa pangalan ko. Bumuntong hininga ako, nanginginig na inabot ang kamay niya. Bahagyang lumiwanag ang mukha nito sa ginawa ko. I think

