"B-bakit ang tagal?" Namamaos na tanong ko kay Gigi, kagagaling lang nito sa kabilang operation room. At kakabalik lang, tapos na dapat ang shift naming pareho kaso dahil sa nangyari, kailangan naming mag-extend. At siya na kailangan ang serbisyo at ako naman na naghihintay para kay Santi. Kanina pa ako naghihintay, o dahil sadyang humahaba ang oras para sa akin. I pray hard for Santi's life. Sana naman hindi ganoon kalala... nang iniwan ko siya kanina ay alam kong may hininga pa ito. I know he'll survive. I have faith for him... sana... sana. Napaluha na naman ako pagkatapos ng mahabang pag-iisip. Hindi ako mapakali, sino namang nag-aalala ang hindi mapapakali? Napatayo ako noong lumabas si Doc Annabeth. Kunot ang noo at parang wala na naman sa mood na tumitig sa akin. "He's safe now

