Res’ POV BIGLANG naghiwalay ang mga labi namin ni Ereneya nang umabot sa pandinig ko ang isang malakas na singhap. Napaangat ang tingin ko at bahagya pa akong nagulat nang malaman kong mula iyon kay Roxanne. Nakita ko siya na nakatayo sa bungad ng hagdanan at nabigla rin sa hindi inaasahang eksenang naabutan. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa amin ni Ereneya at kapagkuwa’y napako sa akin. Nasasalamin sa mga mata nito ang paninibugho. Napatikhim ako. “P-pasensya na kung naabala ko kayo. Mamaya na lang kita kakausapin,” pilit ang ngiting wika nito na sa akin nakatingin bago nagmadaling tumalikod at bumaba ng hagdanan. Binalingan ko si Ereneya na bakas ang magkahalong hiya at pagtataka sa mukha. “Maaari ko bang kausapin sandali si Roxanne?” Napakurap si Ereneya at sinalubong ang

