Justin's POV MABILIS akong tumayo at wala na nga ang engkantanda. Marahil ay umalis ito kaagad dahil nabatid nitong may mga tao sa paligid. Agad akong naglambitin sa ginawa kong lubid. Nagpasalamat na lang ako at matibay iyon. Maingat na tinawid ko ang ilog at nang mapatapat ako sa dahong nakakapit sa bato ay maingat ko ring tinanggal ang takip ng bote gamit ang aking bibig. Isang kamay lang ang ginamit ko dahil nakapangunyapit ang isa sa lubid. Gumiwang ako habang nakabitin sa lubid dahil nayanig na naman ang paligid. Anak ng...tapos na ang dalawang minuto! Kalmado kong inihilig ang dahon at dumeretso sa loob ng bote ang luha ng engkantada. I got it! Ibinalik ko uli ang takip no’n na kagat-kagat ko. Pinasok ko sa bibig ko ang maliit na bote para hindi ko maihulog kahit ano ang ma

