Eira’s POV MATAGAL akong napapatitig sa kabilugan ng buwan. Kung anong kaba ang nagsimulang sumibol sa puso ko. Tila habang tumatagal ang pagtitig ko ay lalong lumalaki ang buwan. Hindi ko maiwasang mag-alala para sa magkaibigang Justin at Francis. Sana sa mga oras na igo ay natagpuan na nila ang Agua Colonya. Sana ay ligtas silang nakarating doon. Natigilan ako nang mapagtanto ang isang hindi imposibleng mangyari. Hindi malayong mangyari na ngayong gabi ang paglitaw ng bato kung saan makukuha nina Jus at Francis ang luha ng engkantada. Maaring magkaroon ng pag-laktaw o pagganap ng pangyayari bago ang petsa ng tunay na kabilugan ng buwan. Ngunit nagkakamali ba ang kalkulasyon ng mga siyentipiko? Nakasaad sa kalendaryo na sa susunod na gabi pa ang tunay na kabilugan ng buwan ngunit ngay

