Chapter 5

2147 Words
“Baka nakalimutan mong kumurap, Steven,” nakangising sambit ni Doding. “Sino ‘to, Ding? Ang gandang dilag ah,” anito at tila manghang-mangha habang nakatitig sa kaniya. Kaagad na napangiwi naman si Bela. “Tara na Doding,” aya niya rito at hinila na ito paalis. “Saglit lang miss, usap muna tayo saglit,” pigil ni Steven sa kaniya at kinindatan pa siya. “Kung may hawak lang akong kahit dos por dos hindi ako magdadalawang-isip na pukpukin iyang ulo mo. Sa tingin mo nakakakilig iyang pakindat-kindat mo? Para kang asong may sore eyes,” inis niyang sambit dito. Ipinakita niyang nandididri talaga siya. Napasuklay naman ang binata sa buhok niya at nginitian nang matamis ang dalaga. “Ngayon pa lang yata ako nakakilala ng babaeng ayaw sa ‘kin,” anito. “Buti naman, mukhang wala na sa ayos iyang utak mo. Poging-pogi ka sa sarili mo, nakakasira ka nang araw,” reklamo niya at akmang aalis na nang ayaw siyang paalisin ni Steven. “Saglit lang, hindi mo pa nasasabi ang pangalan mo,” anito at nginitian siya. Kunting-kunti na lang at mauubos na ang pasensiya niya sa katawan. Sinamaan niya ito nang tingin. “Gusto mo yatang matikman ang hagupit ng tuhod kong ulol ka. Alis,” inis niyang sambit habang tinitigan ito nang matalim. Sinigurado niyang matatakot ito pero ngumiti lang ang binata. Lalo lamang siyang nainis. “Ding, ano ba ang pangalan ng magandang binibini?” tanong nito. Natawa naman si Doding. “Tanungin mo,” ani Doding. Nginitian na naman siya ni Steven. “Hindi ka ba talaga titigil?” Nawawalan na siya ng pasensiya. “Pangalan lang naman eh, ito naman nagdadamot. Sige na, kapag sinabi mo hindi na kita aasarin,” anito. Huminga nang malalim si Bela at seryosong tinitigan ang binata. “Bela, narinig mo? Isaksak mo ‘yan sa kokote mong depunggol ka,” inis niyang sambit dito. Tuwang-tuwa naman si Steven. “Bela, vamfayr rayt? Wat hafen Bela?” anito saka humagalpak nang tawa. Nakatingin lang si Bela sa kaniya at nakakuyom ang kamao. “S-Sorr---” Hindi na ito nakapagpatuloy nang tuhurin ni Bela ang betlog niya. Kaagad na napaungol ito sa sakit habang nakahawak sa kaniyang inaalagaang pugad. “Kung nagkataon lang na nasa ibang lugar tayo, hinding-hindi ko titigilan iyang katawan mo’t lalasug-lasugin ko. Pati iyang kaluluwa mo sa loob kung meron man ay sisiguradohin kong nakapako. Tang-ina mo!” matigas niyang saad at nauna na. Nagkibit-balikat naman si Doding at nginitian si Steven. “Cold compress mo na lang ‘yan,” ani Doding at kaagad na hinabol si Bela. “Bela, saglit lang! Ito naman galit agad,” natatawang wika ni Doding. “Kabwesit,” reklamo niya. “Relaks ka lang, init ng dugo mo kay, Steven ah. Napakaguwapo niya kaya, bagay nga kayo eh,” sambit nito. Nangasim naman ang mukha ni Bela sa narinig. “Seriously, Ding?” aniya rito at napairap. “Ano ka ba? Ni hindi mo pa nga nakikilala iyong tao eh. Mabait kaya ‘yon,” wika nito. “I don’t care, at lalong wala akong interest na kilalanin siya,” sagot niya rito. “Pero napogian ka no? Kita ko iyong pasimple mong tingin kanina,” tukso sa kaniya ni Doding. “Matanda ka na nga at sira na ang mata mo,” aniya rito. Natigilan naman si Doding sa sinabi niya. “Mukha siyang aso at para siyang aso period,” giit pa ni Bela at huminga nang malalim. “Sabi mo eh,” ani Doding at natawa pa. Pumuwesto na sila sa pagha-harvest-an nila ng kamatis. “Ano pa ang tinutungnga mo riyan? Kumuha ka na ng basket mo at nakakainsulto sa ‘ming nagsisimula na,” asik ni Sita. Natigilan naman si Bela at tahimik na kumuha na rin ng bukag. Nakatingin lang siya sa ginagawa ng mga kasama niya at sinunod iyon. Ang init ng araw at pinagpapawisan na siya nang malala. Nahihirapan pa siya dahil nanunusok ang mga balahibo ng kamatis sa katawan nito. “Papatayin ko talaga kayong lahat pag-uwi ko,” mahinang wika niya at pikit-matang pinitas ang mga bunga. “Ano ba ‘yan? Hindi ka magluluto para sa sarili mo lang, Ineng. Bilisan mo ang kilos mo, napakakupad,” sambit ng katabi niya. Nilingon niya ito at napabuga na lamang ng hangin. Bandang tanghali ay pumunta na sila sa malaking kubo kung saan nagpapahinga at nananghalian ang mga trabahante. Malayo pa lang ay naiirita na siya sa boses ni Steven na namumuno ng nga kalokohan. Rinig pa niya ang tilian ng mga kasamahan niya na parang mga bulateng inasinan. “Bela! Halika, tabi tayo,” ani Doding at hinila na siya. Walang imik na nakatingin lang siya sa plato sa harap niya. Gusto niyang matulog at pagod na pagod siya. “Grabe! Pulang-pula ka. Sobrang puti mo naman kasi. Ano kaya ang pumasok sa utak ng ama mo at pinadala ka rito?” mahinang sambit ni Doding. Nangagalaiti na naman siya sa galit nang maalala ang pamilya niya. Masiyadong kawawa siya sa nangyayari. “Kain na! Luto na ang pagkain! Kumuha na kayo rito,” sigaw ng tagaluto. “Tara na,” aya ni Doding sa kaniya. Sa sobrang gutom niya ay wala na siyang pakialam kung ano ang kakainin niya basta mabusog lang siya. Tumayo na rin ang dalaga at nakipila na. Kita niya pa ang pagirap-irap sa kaniya ng mga kasama niyang kaedad niya lang. Siguro kapag pinatulan niya ang mga ito sobrang kawawa. Lahat ng niluto ay kumuha siya. Nang matapos ay bumalik na siya sa kaniyang upuan at nagsimulang kumain. “Tsk, hindi ka ba marunong magdasal?” asik ng katabi niya sa kaliwa. Tiningnan naman niya ito at inirapan siya. “Mas kailangan ng dasal ‘yang mukha mong pinugaran ng sama ng loob,” sagot niya rito at inis na sumubo ng pagkain. “Aba’t! Ang sama ng ugali mo ah,” asik nito. “Paki mo?” sagot naman niya at nabibwesit na siya. “Baguhan ka lang pero kung umasta ka parang kung sino ka ah,” saad nito. Napapatingin na rin sa kanila ang ibang kasama nila na tila tuwang-tuwa sa kanilang sagutan. “So what? Dahil sa baguhan ako ay puwede mong pakialaman? Nananahimik ako rito,” sagot niya. “Chill girls, ano ang nangyayari rito?” Napaikot naman ni Bela ang kaniyang mata nang makita na naman si Steven. Umupo ito kaharap niya at kumain na rin. Dahil sa gutom niya ay hindi na niya binigyan pa ito ng pake. “Steven, masarap ba ang pakbet? Hindi ako kumuha ngayon dahil diet ako,” wika ni Sita. Siniko naman ni Doding si Bela kaya natawa siya at napailing. “Naku! Pasma ang aabutin mo Sita,” sabat ng kasama nila. “Hindi no, sanay na rin akong mag-diet. Hindi ko naman maa-achive ang ganitong katawan kung hindi ako sanay. Hindi ba Steven?” nakangiting saad nito. “Huh?” sagot naman nito. “Ang seksi mo nga ngayon, Sita. Ang liit ng beywang, sana ako rin ganiyan,” sabat ng isa pang kasama nila. “Naku! Huwag mo ng pangarapin pa, Maricel. Sa katawan mong ‘yan wala ng pag-asa. Kahit pa magbuhat ka ng kalabaw araw-araw hindi ka na liliit. Hindi ka rin kagandahan kaya okay na ‘yan,” sagot ni Sita. Kaagad na nagtawanan naman ang mga kasama nila. Natahimik naman iyong Maricel at kumain na lang. Napainom naman ng tubig si Bela at tiningnan si Sita. Tumikwas ang kilay nito sa kaniya at nginitian pa siya nang nanunuya. Inirapan niya lang ito. “Akala mo naman kagandahan,” mahinang aniya. Natawa naman si Doding sa narinig. “May sinasabi ka, Bela?” asik ni Sita. Hindi naman ito pinansin ni Bela at nagpatuloy lang sa kaniyang pagkain. “Mukhang hindi ka yata laki sa hirap, Bela. Napakaganda mo, napakaputi, at balingkinitan ang katawan. Ang ganda ng kutis at mata. Napakaganda mo talaga. Taga-saan ka ba?” tanong ng isang kasama nila. Natigilan naman si Steven at napatingin sa gawi ng dalaga. Tahimik lang itong kumakain pero ang mga mata ay sobrang talim. “Diyan lang,” tipid nitong sagot. “Alam niyo kasi laking siyudad itong kaibigan ko. Foreigner ang ama niya,” sabat ni Doding. “Foreigner ang ama pero nagtatrabaho sa ganito? Siguro kiringking ang ina kay—” Hindi na natapos ni Sita ang sinasabi nang mabilis na batuhin niya ito ng hawak na tinidor. Gulat na gulat ang mga ito na napatingin sa kaniya nang sumaktong tumusok ito sa lamesa malapit sa daliri ni Sita. Sobrang lamig ng mata ni Bela. “Sa susunod na pagsalitaan mo nang masama ang ina ko, sisiguradohin kung sa noo mo ‘yan nakabaon,” malamig niyang sambit at tumayo na. Padabog niya pang binitiwan ang baso niya at masamang tiningnan si Sita na nanginginig sa kinauupuan nito. Bigla natahimik ang lahat at nakasunod lang ang tingin sa kaniya. Maski si Doding ay natigilan. Walang lingong likod na umalis siya. “Iyan kasi, sumusobra na kasi ‘yang bunganga mo, Sita. Kilalanin mo muna iyong tao bago ka magtapang-tapangan tsk,” wika ng matandang si Rosa at tumayo na rin. Napatingin naman si Steven kay Doding na nakangiti lang sa kaniya. “Tapang,” anito at kaagad na tinapos ang kaniyang pagkain at sinundan si Bela. Huminto naman si Bela sa unahan at mukhang malayo na itong kaniyang nilakad. May nakita siyang nakahigang kahoy kaya umupo na muna siya roon. Hindi pa rin naman oras para bumalik sa trabaho. Umupo siya roon at napahilamos sa kaniyang mukha. Sobra siyang nai-stress sa mga nangyayari. Kung alam niya lang na ganito ang magiging sitwasyon niya sana pala nakipaghabulan na lang siya kay kamatayan. Kinuha niya ang bato sa gilid at basta na lang iyong ibinato kung saan sa galit niya. “Putragis!” aniya at napaluha sa sobrang galit. Hinding-hindi niya talaga mapapatawad si Hades sa ideya nito. This is not what she wants. Gusto niya ng pahinga at hindi sa ganitong paraan. “Galit ka?” Napalingon naman siya at kaagad na napakunot noo nang makita si Steven. “What are you doing here menace?” aniya rito at inirapan ito saka hindi na binigyang pansin. “Puwede bang makiupo rito?” tanong pa nito at tinutukoy ang bakanteng kahoy sa tabi niya. “Hindi,” mabilis niyang sagot. Napakamot naman si Steven sa ulo niya. “Umalis ka sa paningin ko’t lalo mong sinisira ang araw ko. Muntik ko ng matusok ang taragis na babaeng ‘yon baka ikaw tuhugin ko na sa kahoy na ‘to,” sambit niya at kumawala nang malalim na hininga. “Kung galit ka puwede mo naman akong sampalin para mai—” Hindi na natapos ng binata ang sinasabi niya nang basta na lang siyang sinampal ng dalaga. Natigilan siya at gulat na tiningnan si Bela. “You really took it seriously,” sambit nito at ipinilig ang kaniyang ulo nang dalawang beses. Naalog pa yata ang turnilyo ng utak niya sa lakas ng sampal. “Gawa ba sa bakal iyang kamay mo? Ang liit-liit pero ang sakit,” reklamo nito at hinaplos-haplos ang namumula nitong mukha. “Kung hindi ka pa aalis hindi ko sasantuhin ‘yang itlog mo,” aniya at malayo ang tingin. “Hindi mo puwedeng gawin ‘yan. Magkakaanak pa tayo,” nakangiting saad ni Steven. Mabilis na kinuha ni Bela ang sanga at ginalaw-galaw ang kaniyang balikat. Handa na siyang humampas dito nang kumaripas nang takbo si Steven habang nakangiti sa kaniya. “Ganda mo pa rin,” sigaw nito at kamuntik pang madapa. Napapikit na lamang si Bela at ilang beses na huminga nang malalim. Imbis na ma-relax siya ay stress ang kaniyang inabot. Hindi niya yata kayang tumagal dito. Kinahapunan nga ay umuwi na sila sa bahay na tinutuloyan nila. “Ding!” tawag niya rito. “Bakit?” “Please, help me. Kailangan kong matawagan si daddy. I can’t live here for long. Mababaliw ako rito,” frustrated niyang saad. Tiningnan naman siya ni Doding. “Nangako na ako sa daddy mo eh. Hindi ko puwedeng baliin iyon. Bawal ‘yon at malaking kasalanan,” anito. Malamig na tinitigan niya ito. “I’m sure you knew what I’m capable of. Alam mo kung ano ang totoong posisyon ko sa labas. I can give you everything, Doding. Lahat-lahat ng gustohin mo ibibigay ko. Basta tulungan mo lang ako. Hindi ka ba naaawa sa ‘kin? Hindi ko kakayanin ang tang-inang buhay na ‘to. I am not built for this. Baka katagalan ay may mapatay ako,” mahinahon niyang wika. Napalunok naman si Doding. “Usap lang sa daddy mo ‘di ba?” paninigurado nito. “Oo.” “S-Sige, susubukan ko,” anito. Napangiti naman si Bela. “Good.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD