Chapter 4

2695 Words
Bumaba na ng van ang dalaga at napakunot-noo nang makita ang bahay na nasa kaniyang harapan. Hindi masiyadong malaki at gawa sa kahoy. Mukhang kaunti na nga lang at matutumba na. “What the heck!” aniya at hinarap ang driver ng van. “Are you sure ito iyong bahay?” tanong niya rito. “Opo, ma’am. Alis na po ako,” sagot nito. “Wait!” sigaw niya rito subalit hindi na ito nakinig. Nabugahan pa siya ng usok mula sa tambutso nito. Natawa naman siya nang pagak sa inis at ilang beses na huminga nang malalim para hindi siya sumabog sa galit. “Relax, you need to calm down. Nandito ka para kumalma. Hindi para makipag-away,” kausap niya sa kaniyang sarili. Bitbit ang kaniyang bag na naglakad siya at kumatok sa pinto. Ilang saglit lang naman ay bumukas na iyon. Bumungad sa kaniya ang babaeng sa tingin niya ay nasa edad treinta na at nakataas ang kilay. “At sino kang bruha ka?” tanong nito. Hindi rin nagpatalo ang dalaga at tinikwasan din ito pabalik. “Bela Rasgild,” sagot niya. “Ah! Ikaw pala ang tinutukoy ni, Doding,” anito. Ngumiti naman si Bela at basta na lang binitiwan ang gamit niya. “Where’s my room?” tanong niya rito. “Aba! Kung makaasta parang may-ari ah. Hoy babaita! Kunin mo ‘yang gamit mo at wala kang katulong dito. Kung hindi mo alam iisa lang tayo ng katayuan sa bahay na ‘to,” wika nito. Kinunutan lamang niya ito ng noo bilang sagot. “Hangag ka ba? What do you mean?” usisa nito. Naguluhan naman siya. Hindi ba sinabi ng parents niya na anak siya ng mga ito? “Bitbitin mo ‘yan at kanina ka pa hinihintay ni, Doding. Ikaw ang bagong kapalit ng kasama naming nag-leave,” wika nito saka inirapan siya. “What?” “Huwag kang mag what-what diyan. Bilis!” anito. Wala naman siyang magawa kaya sumunod na siya rito. Naglakad sila palabas ng bahay at hindi pala iyon ang magiging bahay niya. “Bilisan mo! Ang kupad. Hindi ito katulad du’n sa siyudad kung saan ka mang purgatoryo galing. Huwag kang kukupad-kupad,” asik nito. Huminga nang malalim si Bela at sumunod na sa kaniya. “Pangit mo,” mahinang saad niya. “Ano’ng sabi mo?” “May narinig ka ba?” sagot niya ritong pabalang. “Oo, hindi lang klaro,” malditang wika nito. “Hindi ko na problema iyon kung bingi ka,” aniya rito. Natigil naman ito sa paglalakad at gigil na itinaas ang dalawang kamay nito saka ikinuyom iyon. Natawa naman si Bela. Siya pa talaga pinakitaan nu’n. Isang iglap lang ay baka humalik na ito sa lupa. “Doding! Nandito na ang bagong muchacha,” wika ng babae. Lumabas naman ang matandang babaeng nakasuot ng sobrang sexy na damit. “Saan?” Hinila naman siya ng babae at pinaharap kay Doding. “Mag-ingat ka sa paghawak at baka magasgasan ang kutis niya,” asik ni Doding at nginitian nang matamis si Bela. “Gasgas? Hindi lang gasgas matatamo niya sa farm no,” sagot nito. “Balik ka na sa trabaho mo, Sita,” ani Doding. “Rosette nga eh, hindi Sita.” Pangongorek nito. “Pareho lang naman mabantot,” ani Doding. Inis na umalis naman ang babae kaya naiwan na silang dalawa. Mabuti na lang at mahangin kahit papaano ang bahay. Maganda at maaliwalas. “Hi Bela, ako si Doding. Sa akin ka ibinilin ng ama mo,” wika nito. “Hello,” tipid niyang sagot. “Gusto ko lang ipaalala sa ‘yo na ang mamuhay rito ay hindi libre. Kailangan nating magtrabaho para may makain,” saad nito. “I understand, I have my cards here,” aniya. Umiling naman ito. “Hindi natin magagamit iyang cards mo kahit infinity pa ‘yan. Dahil walang bangko rito. Kita mo naman, malayo tayo sa bayan. Medyo liblib ang lugar dito kahit na sabihin nating marami ang kapit-bahay. “What do you mean?” “Para mabuhay kami rito ay kailangan naming magtrabaho. Maliban sa sahod ng ama mo sa ‘kin ay nagtatrabaho ako sa farm. Para iyon sa pang-araw-araw namin dito,” paliwanag nito. “So, I have to work too?” tanong niya rito. Tumango-tango naman ang matanda. “Siyempre, hindi puwedeng hindi ka magtrabaho at magugutom ka,” sagot nito. “Oh God!” Napapikit siya at inis na napakamot sa kaniyang ulo. “I knew it! This is really a bad idea. Sinasabi ko na nga ba. Gusto nila akong pumunta rito to destroy my peace of mind. Damn it!” galit niyang wika. “Wala ba kayong motor dito?” usisa niya sa matanda. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at napamura sa utak niya. “No signal?” “Oo, wala rito lahat. Wala nga TV eh. Malayo rin sa kabihasnan. Huwag mo na ring subukang umalis at maliligaw ka lang,” sambit nito. “Am I in hell?” tanong niya rito. Nginitian naman siya ni Doding. “Wala, nasa Barangay Ngaw-Ngaw ka,” sagot nito at kinuha na ang kaniyang gamit. “Tara doon sa kuwarto mo,” wika nito. Tumango naman siya at sumunod na rito. Binuksan nito ang kuwarto at napanganga siya. Sobrang liit at wala pang sariling banyo. “S-Sure ka ito na ‘yon? Hindi ba ‘to kuwarto ng pusa?” nag-aalala niyang tanong. Tumango naman si Doding sa kaniya. “Iisa lang tayo ng kainan ha, bale ang ginagawa namin kada sahuran ay nagbibigay kami ng parte para sa pang-araw-araw rito. Nagbigay na ang ama mo for one month kaya sa susunod na buwan ka na magbigay. Sakto rin at may trabaho ka na rin naman. Alas-sais pa lang nang umaga bumangon ka na para makapaghanda at makapag-agahan tayo. Huwag kang magpapahuli at anpeyr iyon sa mga kasamahan natin sa farm,” saad nito. Napahawak naman si Bela sa ulo niya. Hindi siya makapaniwala sa naririnig ngayon. “What are we going to do?” tanong niya rito. “Magtatanim, minsan magdadamo, minsan magpapakain ng mga alagang hayop. Depende na, kaya bukas tago mo yang mga damit mong magaganda at hindi iyan puwde roon. Magagalit ang among babae at ayaw niya sa maaarte. Selosa rin kaya hindi puwede ang maganda,” anito. Tumaas naman ang kilay niya. “Hindi ba si dad ang may-ari ng farm?” usisa niya. Mabilis na umiling naman ito. “Hindi no, ako lang ang koneksyon ng ama mo rito,” sagot nito. Natampal naman ni Bela ang kaniyang noo. She’ll make sure na magbabayad ang mga ito kapag nakabalik na siya. “Pero huwag kang mag-alala at mabait ang amo nating lalaki,” paninigurado nito. Padabog na umupo naman siya sa maliit na kamang gawa pa sa kawayan at nang humiga ay kaagad na napaigik sa sakit. “The hell!” mura niya at napahilamos sa kaniyang mukha. Ano ba ang dapat niyan gawin? Nandito na siya sa sitwasyong ‘to. “Kailangan mong magtiis. Ngayon lang iyan, masasanay ka rin kalaunan at magugustuhan mo na rin ang pamumuhay rito,” wika nito at nginitian siya. “I don’t think so,” sagot niya at ipinikit ang kaniyang mata. “Oh, paano? Bukas na lang ha. Huwag mong kalimutang gumising nang maaga. T’saka pagpasensiyahan mo na si Sita kanina. Ganoon talaga iyon, bugnutin,” wika nito at lumabas na. Naiwan naman siyang nakatulala sa dingding at ilang sandali pa ay napatay ang lamok na kakagat sa kaniyang balat sana. “Tang-ina mo! Susubok ka pa ha,” galit niyang sambit. Kinabukasan nga ay puyat pa siya dahil hindi siya nakatulog kagabi sa dami ng lamok. Lumabas na siya ng kaniyang kuwarto at saka niya lang nakita ang mga kasamahan niya. Sa tantiya niya ay nasa sampu rin sila. Ang iba ay may katandaan na. Busy at nagsipagkapehan na. Kita naman niya si Sita na nakatingin sa kaniya nang masama. “Magandang umaga, Bela. Maligo ka na at patapos na si Saning,” wika ni Doding. Tumango naman siya at kumuha ng kaniyang damit sa kuwarto. Huminga siya nang malalim at mga mamahalin iyon lahat. Kinuha niya ang kaniyang t-shirt at jogging pants. Puro iyon may mga label ng mamahaling brand. Lumabas na siya at naligo na. Nang matapos ay lumabas na siya at kumakain na sila. Napatingin ito sa kaniya at natigilan sa pagkain. Nakatitig lang kaya agad siyang nakaramdam nang pagkailang. “Halika na,” tawag sa kaniya ni Doding. Umupo na siya at napatingin sa nakahain sa mesa. Hindi siya pamilyar doon. Nangangapa siya kung ano ang kukunin. Puro pa gulay. “Wala bang French toast and black coffee?” tanong niya. Natigilan naman ang mga kasama niya sa kaniyang sinabi. “Ano ‘yon?” tanong nila at tila wala talagang ideya. Para namang pinukpok si Bela sa narinig mula sa kanila. Napatingin siya sa katabi niyang matanda nang hainan siya nito. “Kain ka na, ito Filipino food,” anito at bumalik na sa kinakain. “S-Salamat po,” aniya at sinubukan iyon. Sa tingin niya ay adobong talong. Mahilig siya sa adobo kaya alam niya ang kulay. Medyo maalat iyon kaya mabilis siyang napainom ng tubig. Todo irap naman si Sita sa kaniya at tinatawanan pa siya ng kasama nito. “Hindi ka magkakanin? Hindi pwedeng kaunti lang kainin mo at nakakapagod ang trabaho natin,” saad ng katabi niya. Nilagyan pa ng kanin ang kaniyang plato at marami iyon. Napalunok naman siya. Nilagyan pa ng adobong sitaw at tuyo. Baka bago siya makauwi ay may sakit na siya sa bato. Alanganing napatingin naman si Bela sa kanila. “Kain ka na, para lumaki rin ang katawan mo. Sobrang payat mo oh,” wika pa ng babaeng kaharap niya sa hapag. “A-Ako? Payat?” aniya rito. May sarili siyang nutritionist sa siyudad. Alam ni Ryx na hindi siya basta-bastang kumakain. She did everything to maintain her weight and sexiness tapos sasabihan lang siyang payat. Bago pa man siya makabugbog ng kasama ay sunod-sunod niyang isinubo ang pagkain. Tiniis niya ang bagong lasa sa bibig at kahit papaano ay lamang tiyan din iyon. Nang matapos nga silang kumain ay umalis na sila. Nakasunod lamang si Bela sa kaniyang mga kasama hanggang sa napadaan sila sa malaking bahay. Maganda iyon at dalawang palapag. “Grabe! Sana man lang masilayan natin si Steven.” “Oo nga, pantanggal man lang ng pagod natin para mamaya.” “Hay! Isang ngiti niya lang wala na, inspired na akong magbunot ng damo kahit dalawang ektarya pa.” Iilan lang ‘yon sa naririnig niya. Mukhang crush ng bayan itong Steven. “Ang bantot naman ng pangalan, parang pangalan ng aso,” aniya. Natawa naman si Doding sa tabi niya. “Mabantot nga pero yummy naman. Bawing-bawi,” sambit nito at tila kilig na kilig pa. “Tsk.” Naglakad pa sila at natigilan si Bela nang parang mga sinilihang bulate ang kaniyang mga kasama. “Grabe! Magkasama pa talaga silang dalawa.” Impit na tumitili ang mga ito. “Hoy! Umayos kayo. Kapag nakita tayo ni, madam paniguradong damay na naman kami sa kalandian niyo,” wika ni Aling Panya. Tila wala namang narinig ang mga kasama niya. Para itong naghihintay ng celebrity. Napaikot ni Bela ang kaniyang mata at nagpatuloy na sila sa paglalakad. Pagdating nila sa farm ay kaagad na napanganga siya. Mainit at masiyadong malaki ang taniman. Gusto na lang niyang patayin si Hades. Wala siyang dalang skin care niya o kahit man lang sunscreen dahil ang buong akala niya ay may bilihan. Hindi niya naman inakalang liblib pa sa liblib itong kinarororoonan niya. Sana hindi siya nagpakampante at hindi natulog buong biyahe. “Bela, ano ba ang iniisip mo riyan? Halika na, doon tayo oh. Kinakausap na ng mga babae ang my labs ko,” busangot nitong sambit. “Huh?” “Tara na,” ani Doding at hinila na siya papunta sa unahan kung saan nagpapakain ng kabayo ang dalawang binata. “Gusto mo rin ‘yan?” tanong ni Bela habang nakatingin sa lalaki sa hindi kalayuan. Hindi niya maaninag ang mukha maliban na lang na matangkad ito at maganda ang tayo. “Oo, pero iyong kasama niya ang type ko. Hindi ako mahilig sa mga porenjer, mas type ko ang native,” anito at tila kinikilig pa. “What?” Inirapan naman siya ni Doding. “Ano ka ba? Para ka namang hindi dalaga kung maka-react. Hindi ka ba nagkagusto sa isang lalaki?” usisa nito. Mahina lang ang boses nila. “Sakit lang sa baga ang mga ‘yan,” sagot niya rito. “Sus! Paano kapag nagkagusto ka kay, Steven abir?” tanong nito. Kaagad na hindi naman maiguhit ang kaniyang mukha sa narinig. “Ayos ka lang? Pangalan pa lang niya nabibwesit na ako. Wala na bang ibang pangalan at talagang tinodo na ang pagiging aso?” asik niya. “Grabe ka naman. Kahit ganiyan ang pangalan niya bawing-bawi naman sa kaniyang anyong pisikal no. Tamo kapag nakalapit tayo mapapasabi ka talagang ang pogi niya,” sambit nito. Napailing naman si Bela. “Alam mo bang sobrang sipag at palakaibigan iyang si Steven?” anito. “Not interested, saka wala na bang ibang pangalan iyan?” reklamo niya. “Ang totoong pangalan niya ay Steven Tugatog Busilak,” wika nito. Lalo namang napangiwi si Bela. “Pangalan iyan? The hell,” aniya at napailing. “Grabe siya oh. Iyang kasama naman niya ay ang matalik niyang kaibigang si Rufos Dimahipos. Ang aking palalab,” kinikilig nitong sambit. “Bagay kayo,” tipid niyang komento. Kaagad na nagningning naman ang mga mata ni Doding sa kaniyang sinabi. “Talaga?” “Oo, parehong punggok,” sagot niya at nauna na. “Anak ng t**i ka ng tatay mo, Bela!” sigaw ni Doding at hinabol siya. Natawa lamang siya rito. Wala siya sa mood na makisali sa kagagahan ng mga kasama niya. Mas namomroblema siya na sa ilalim ng araw ay ilang oras siyang mabibilad. “May bago yatang mukha ah.” Napalingon naman sila at nakita ang babaeng nakasuot ng pulang bestida na backless at nakataas ang kilay na nakatingin kay Bela. Siniko naman siya ni Doding kaya tinikwasan niya ito ng kilay. “Bumati ka, asawa iyan ng amo natin. Iyan si Madam Judy Balco,” mahinang wika nito. Sinalubong naman niya ang tingin ng babae at mabilis na binati ito. Matalim ang tingin sa kaniya at mukhang sinusuri ang kabuoan niya. “Alam mo na ba kung ano ang trabaho mo?” tanong nito. Kumunot ang noo nito at mabilis na nilapitan siya habang nakatingin sa kaniyang damit. Tila gulat pa ito nang makita ang brand. “C-Chanel? Sigurado kang mangagamas ka ng damo na chanel ang damit mo ha? Paano mo na-afford ang damit na ‘yan?” asik nito. Napakunot-noo naman si Bela sa tanong nito. “May uniform ba ‘pag nagtatrabaho rito?” tanong niya. Tiningnan naman siya nito at inirapan. “Saan mo ba nakuha ‘to Doding at mukhang wala naman itong alam. Maganda lang ang mukha pero sobrang arte. Saan mo nakuha ang pera pambili?” usisa pa nito. “Honey? May problema ba rito?” Lumapit naman ang dalawang binata kasama na iyong Steven. “Come here, tingnan mo nga. Itong isang hampas-lupa rito magdadamo lang nakasuot ng chanel na damit. Napaka-ignorante,” komento nito. Huminga nang malalim si Bela at kasalanan ba niya kung wala siyang pakialam sa brand? “Baka naman peke iyan. Ba’t mo ba ini-stress ang sarili mo?” sabat nu’ng Steven at tumawa pa. “Are you saying that I can’t afford this?” asik niya rito. Tiningnan naman siya ng binata at hindi na ito nakapagsalita. Nakatitig lang sa kaniya na tila ba nakalimutan ng kumurap. “Let’s go, hon. Steven’s right. Sino ba ang mga trabahante rito na kayang bumili ng chanel? I’m sure sa ukay lang ‘yan,” wika ng asawa nito. “Ukay?” aniya at natawa nang pagak. “Whatever,” wika ng madam nila at umalis na. Naiwan naman sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD