Chapter 3

1098 Words
“What? No way!” Pumailanlang ang malakas na boses ng dalaga nang marinig ang sinabi ng ama niya. Nakaupo siya sa couch ng kaniyang condo at nandito ngayon ang kaniyang ama at kapatid na si Hades. “Hindi puwede, you know I can’t. Hindi ako mabubuhay sa lugar na ‘yon. I can’t live without my air conditioner,” reklamo niya sa ama. “Bela, it’s best for you. Masiyadong mahirap ang sitwasiyon mo rito ngayon. It will put your life at risk. Mas mabuti na pumirme ka na muna sa probinsiya. Mas payapa roon at para kumalma na muna ang mga kalaban mo. Lahat na lang sila gusto ka ng patayin,” sabat ni Hades. She glared at him. “Stupid! Sa tingin mo ba natatakot ako? Lahat naman kami ay iisa lang ang pakay. Bakit kailangan ko pang magtago kung puwede ko naman silang harapin? Kahit mag-isa lang ako kayang-kaya ko silang harapin,” galit niyang wika. “Hindi ka immortal, Bela. Ngayon nga’y hindi pa magaling ang sugat mo. Maawa ka naman sa mommy mo. Alalang-alala na siya sa ‘yo. Nahihirapan na akong magsinungaling palagi,” mahinahong sambit ng kaniyang amang si Infernu. “Gagaling din naman ‘to ah. Look, the issue here is not about them, right?” aniya rito. “Exactly! Naging head din naman ako ng clan natin pero hindi ako ganito kainit na sumunggab. Ikaw kulang na lang na salubungin mo at saluhin ang mga bala nila nang personal. Masiyado kang atat. Come on, Bela. Matanda ka na, ako magkakaanak na, ikaw wala pa ring boyfriend. We’re just thinking about your future, hindi puwedeng ganito na lang palagi,” paliwanag ni Hades. Hindi naman siya makapaniwala sa narinig mula rito. “Are you hearing yourself? Para kang tanga,” aniya rito. Sinamaan lamang siya ng tingin ni Hades. “Dad, alam mong hindi ako sanay sa buhay probinsiya. Ano ba ang gagawin ko roon? Magpakain ng baka?” aniya rito at napairap. “Puwede, kung gusto mo naman, why not? As long as safe ka at hindi mag-aalala ang mommy mo,” sagot nito. Hindi makapaniwalang tiningnan niya lamang ang ama at kapatid. “You’re impossible!” reklamo niya at tinawag si Ryx. “Ryx!” Nu’ng hindi ito nakasagot agad ay napamura siya. “Tang-inang ‘to! Hindi ka naman bingi ba’t ‘di ka sumasagot?” singhal niya. Nagtinginan naman ang ama niya at si Hades. “See? Iyan ang sinasabi ko sa inyo, Dad. This woman needs the country side. Masiyadong mainit ang ulo, masiyadong masama ang ugali. Kawawa ang mga taong nasa paligid niya. Kailangan niyang kumalma at baka madala siya ng emosyon niya’t ikapahamak pa niya, worse nating lahat,” seryosong sambit ni Hades. Napahawak naman si Bela sa ulo niya at ngumiti nang pilit. “Alam niyong dalawa na hindi ako sanay sa ganoong buhay,” reklamo niya. “Hindi ba nagrereklamo ka na at nabo-bore ka na sa buhay mong ganito? Isa pa, marami ka namang tauhan. Ba’t mo ba inuubos ang lakas mo sa mga kalaban natin? Puwede ka namang mag-chill muna. Tingnan mo si Cervano, sila Monti. Nakita mo ba sila? Hindi ‘di ba? kasi puro tauhan niya ang pinapatrabaho nila. Hindi ko nga maintindihan kung bakit mas gusto mong makipag-away sa mga tauhan nila,” wika ng kapatid niya. Gusto na niya itong talpakan ng tsinelas ang bunganga. Naiirita na siya rito. “What?” anito nang panlakihan niya ito ng mata. “Hades is right, Bela. Isipin mo na lang na nagbabakasiyon ka. Masiyado ka ng stress at maraming inaalala sa org. I’m sure, Hades will take over for the mean time,” wika ng ama niya. “What? Bakit ako?” sabat ni Hades. Napangisi naman si Bela at tumango. “Fine!” “Dad,” sabat ng kapatid niya. Tumayo lamang ang ama nila at namulsa. “It’s settled then. Tawagan ko na lang ang kakilala ko sa probinsiya para naman may ma-stay-han ka roon,” wika nito. “How about Ryx?” tanong niya sa ama. “He’ll stay here, for sure marami kang maiiwang transactions. Let him handle it, para matulungan niya rin si Hades,” wika nito. Tumango-tango naman siya. Kahit pa sabihin niyang ayaw niyang umalis ay mapipilitan naman siya. Puwede naman siyang magtrabaho roon habang nandoon siya. Kapag nalaman kasi ng mommy niya na nandito pa rin siya ay paniguradong mag-aalala lang ‘yon. Ayaw naman niyang mag-alala dahil may edad na at ayaw niyang bigyan ng stress. “Okay,” aniya at sumandal sa couch. Naiwan naman ang kambal niyang masama ang tingin sa kaniya ngayon. “Thank you, Hades,” aniya rito at halatang inaasar pa. Inis na tiningnan naman siya nito at umalis na rin. Nawala ang ngiti sa labi niya nang maiwan na lamang siya at napamura. “The hell!” “Are you okay?” tanong ng assistant niya. Sa inis niya ay binato niya ito ng throw pillow. “Mukha ba akong okay? Ano sa tingin mo ang gagawin ko sa probinsiya? Magpastol ng mga hayop? May nakakatuwa ba sa ganoon?” singhal niya rito. “Maybe tama ang daddy mo. Masiyado ka na ring naging mainit sa mata ng mga kalaban. Alam naman namin na you really worked hard these past few years. Masiyado ka na ring maraming napatunayan. You should take a break. Baka makapag-isip ka rin nang mabuti habang nandoon ka,” paliwanag nito. Napahilamos naman sa mukha niya ang dalaga. “Paano kung mabulilyaso ang mga transactions natin?” sabat niya rito. “Bugbugin mo si Prazi pagbalik mo,” wika nito. Kumunot naman ang noo niya at napatango-tango kalaunan. “Yea, kayong dalawa actually ang bubugbogin ko,” aniya rito. Kita naman niyang napalunok ito at pilit na ngumiti. “Bela, huwag ka namang magbiro nang ganiyan,” anito. “Biro? Kailan ba ako nahilig na magbiro?” tanong niya rito. Napakamot na lamang ng ulo niya ang binata. Nagkibit-balikat lamang siya rito at tumayo na. “Sandali lang, baka matumba ka,” anito at mabilis na inalalayan siya. Napaikot niya naman ang kaniyang mata. “Come on, Ryx! Kapag naging okay itong sugat ko ikaw ang unang-una kong tatampalin. Nakakainis ka na!” singhal niya rito. Tila wala namang narinig ang assistant niya at inalalayan na siyang makapasok sa kaniyang kuwarto. “Ano ang gusto mong kainin?” tanong nito. “Magluluto ka?” nagtatakang tanong ng dalaga. Umiling naman ito kaagad. “Hindi ako marunong, order lang ako,” sagot nito. “Tsk, walang kuwenta.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD