Chapter 2

1246 Words
Pagod na sumalampak siya sa kaniyang couch at napatingin sa balikat niyang kumikirot. “Tang-ina!” mura niya. Ni hindi niya napansin ang lalaking sumaksak sa balikat niya kanina. Kahit na nabawian niya naman iyon ng buhay ay gusto niya pa itong balikan at durugin. Napatingin siya sa cellphone niya at tumatawag ang kambal niyang si Hades. “What?” galit niyang sagot. “Huwag ka munang umuwi sa condo mo. Masiyadong delikado. Mainit ka ngayon lalo pa’t nalaman ng kabilang organisasyon na grupo mo ang nang-hijack ng shipment ng iba. Kailan ka ba titigil sa ginagawa mo, Bela? Sinisira mo ang future mo,” sambit ni Hades. Napairap naman siya. Kaya pala kanina pa siya hindi mapakali at parang may nakamasid sa kaniya. Tumataas ang balahibo ng kaniyang batok. “Nakauwi na ako,” simpleng wika niya. Hindi naman nagsalita si Hades sa kabilang linya nang ilang segundo. “Matigas naman ang ulo mo kahit ano pa ang sabihin ko eh. Kaya mo na ‘yan. Matanda ka na,” saad nito at pinatayan siya ng tawag. Natigilan naman si Bela at napapikit. Masama talaga ang ugali ng kambal niyang si Hades. Triplets sila. Iyong isa ay kolokoy. Akmang tatayo siya nang biglang may humawak sa kaniyang balikat. Mabilis na hinila niya iyon at buong lakas na binalibag sa sahig. Inapakan nang mariin ang tiyan at basta na lang sinuntok sa leeg. Ilang sandali pa ay nawalan ito ng malay. Napaigik siya nang maramdaman ang sakit sa tagiliran. “Sumuko ka na, Bela Rasgild.” Paglingon niya ay may lalaking nakatuon ang baril sa kaniya at umuusok pa ang bunganga ng baril na hawak nitong may silencer. Nakatingin lamang siya nang maigi sa mukha nito at wala siyang ibang masabi kung hindi napakapangit. Sinira nito ang kaniyang paningin. “Pangit mo, paano ka ba niluwal ng ina mo’t sobrang pangit ng mukha mo? Para kang pinaglihi sa delubyo,” aniya rito. Kita naman niya ang pagkainis ng mukha nito. “Tumahimik ka! Baka sumabog na iyang bibig mo sa susunod kong pagbaril sa ‘yo,” banta nito. Nilapitan siya nito at may hawak na posas habang nakatuon ang baril sa kaniya. Napailing na lamang si Bela at natawa sa katangahan nito. “Pusasan mo sarili mo,” utos nito. Hinintay niyang makalapit pa ito at nang makalapit nga ay mabilis na inagaw niya ang baril at hinawakan ang leeg. Basta na lang na itinutok niya ang baril sa tagiliran nito at nginisihan ang lalaki. Kita niya ang takot sa mata nito. “M-Maawa ka sa a---” “Adieu!” aniya at inubos ang lamang bala ng baril. Hinayaan niyang matumba ito at napaungol sa sakit ng tagiliran niya. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang assistant niya. Parang hindi siya aabot sa hospital kapag siya ang pupunta roon. Dumadalawa ang kaniyang paningin at hindi na mabuti ang kaniyang pakiramdam. Napatingin siya sa damit niya at halos mapuno iyon ng sariling dugo. “Bela?” “Pumunta ka rito sa condo ko, I need to go to the hospital. Hurry up, at baka kaluluwa ko na lang ang maaabutan mo. Hindi ako sure kung masasaktan ka kapag kaluluwa ko na lang ang sumampal sa ‘yo, bilisan mo at nauubos na ang dugo ko,” aniya at nabitiwan na ang kaniyang selpon. Ilang minuto pa ang hinintay niya bago bumukas ang pinto at pumasok si Ryx na may kasamang doctor. “Bela,” anito at napatingin pa sa paligid. “Akala ko embalsamador na ang kasama mo. B-Buti naman at doctor,’ aniya at pinitikan ang noo ng assistant niya. “Tumigil ka nga,” saad nito at maingat na kinarga siya papasok sa kaniyang kuwarto. Nahihilo siya sa kilos ng dalawa kaya pumikit siya. “Huwag kang matulog, sigaw ni Ryx sa kaniya. “Tang-ina!” mura niya. “Nahihilo ako, hindi ako natutulog. Kapag ako gumaling na sasaksakan ko iyang bunganga mo,” aniya rito. Napakamot na lamang ang binata sa ulo niya. “Sorry na, nag-aalala lang,” anito. Napaikot naman ang kaniyang mata. May ginawa lang ang doctor at ilang saglit pa ay nawalan siya ng malay. Hindi niya alam kung kusang katawan niya ba ang sumuko o tinurukan siya ng anesthesia. Either way, kapag namatay siya alam niya kung sino ang dapat na multohin. Pagmulat niya ay kamuntik na siyang mapasigaw nang makita ang mukha ni Ryx na nakangiti sa kaniya nang malapad. “Mabuti naman at gising ka na boss, kain ka na. May trabaho ka pa mamaya sa opisina,” wika nito. Medyo hilo pa siya kaya hindi niya ito masapak. “Subuan mo nga ako,” utos niya rito. “Sige po, huwag po kayong masiyadong magalaw,” aniya. Napaikot naman niya ang kaniyang mata. “Sabi ng doctor medyo malalim ang tama ang sugat mo sa tagiliran. Pero okay lang naman at hindi poison ang balang ginamit. Kung poison iyon ay baka nakikipag-meet and greet ka na sa mga kalahi mo sa baba hihi,” wika nito at tila tuwang-tuwa pa. Napairap naman si Bela. “Dahil iyon sa lintik na lalaking bumaril sa ‘kin. Dinurog ko nga ang mukha niya ng bala eh. Tinapon mo na ba?” tanong niya rito. “Pinadala ko na sa crematorium. Ang abo niya ay ginawa na ring pataba ni, Girlie sa mga tanim niyang bulaklak,” sagot nito. “Nagki-cremate lang tayo ng taong may malaking kasalanan. Malaki ba ang kasalanan nu’n?” tanong niya rito. “Maliban sa muntik ka na niyang napatay ay isa rin siyang rapist at kidnapper. Pedo rin, kaya minabuti ko na ring isalang,” sagot ni Ryx. Tumango naman si Bela. “Hindi ko lang alam kung ba’t ka nila nasundan dito sa condo mo. Mukhang kalat na ang pagmumukha mo sa ibaba. Mag-iingat ka na simula ngayon. Triple na nga at mukhang lahat sila gustong patayin ka,” dagdag pa nito. Huminga lamang nang malalim si Bela at tiningnan si Ryx. “Gusto ko nga ‘yon eh, para lumabas na rin sa lungga niya ang bwesit na Monti na ‘yon. Talagang inuubos niya ang pasensiya ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit alam na alam niya ang mga galaw ko,” saad niya at malisyosong tiningnan si Ryx. “B-Bakit? Hindi ko gusto iyang tingin mong ‘yan,” anito. Tumango-tango naman si Bela. “Kapag nalaman kong tinatraydor mo ako, Ryx, sinasabi ko sa ‘yo. Hindi kita ike-cremate. Sisiguraduhin kong ako mismo ang tatadtad sa ‘yo nang pinong-pino,” banta niya rito. Napalunok naman ang binata. “Baliw ka ba?” anito at sinubuan siya. “Bata pa lang ako, kasama mo na ako sa lahat. Tapos pagdududahan mo pa ako. Hindi lang naman ang grupo ni, Monti ang maraming alam sa ‘yo ah. Marami sila, natunton ka nga ng grupo ni, Cervano rito eh,” asik nito. Mukhang naiinis na rin. “Inis ka sa ‘kin? Sorry na, niloloko ka lang eh,” aniya rito at nginitian nang matamis. “Ewan ko sa ‘yo,” reklamo nito. “Umayos ka Ryx at baka shotgun-in ko iyang mukha mo. Sasabihin ko sa parents’ mo ang totoo,” banta niya rito. Kaagad na nanlaki ang mata nito at napapikit. “Demonyita ka talaga, Bela!” gigil nitong sambit. Ngumisi lamang siya rito. She’s creepy. “Subuan mo na ako,” aniya rito. Wala namang nagawa ang binata at sinubuan na lamang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD