HAR-6

2159 Words

“Elinor!” Napalingon ang dalaga at nakita ang Ate Solana niya. Hindi niya alam kung kakausapin ba niya ito o hindi. Hindi naman siya makagalaw sa kinatatayuan niya. “Kumusta ka na? Umuwi ka na, nag-aalala na kami sa ‘yo,” wika nito. Kita ang pag-aalala sa mukha. Hawak pa nito ang kamay niya. Binawi naman niya iyon at inilingan ang kapatid. “Okay lang ako Ate, huwag kang mag-alala sa ‘kin. Alam ko namang mas magandang wala ako roon sa bahay,” sagot niya rito at hinila ang kaniyang kamay. Kaagad na nalungkot naman ang mukha nito. “Saan ka ba nag-i-stay ngayon? May pera ka pa ba? Kapag kailangan mo ng tulong sabihan mo ako kaagad, okay?” Tiningnan lamang siya ni Elinor at tinanguhan. “M-May klase pa ako,” aniya at tinalikuran na ito. Hindi na niya nilingon pa at ayaw niyang magsinungali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD