Capture your holds I
Elveen P.O.V
Love is like a camera.
"Elveen!! Dalihan mo." Sigaw ng ate ko na ini-hintay akong matapos magsapatos.
Sabay kasi kami ng ate ko pumasok sa school. Lagi ako ang nahuhuli. Kulang nalang maging ice ako dahil sa lamig ng tubig.
"Ito na oh! Hintay ka lang!! Di pa tayo late kaya chill ka lang." Sabi ko at nagrampa pa ako para kunin ang bag.
Pasukan na namin, and I hope na may gwapong transferee na mayaman and matalino tapos mabango and mabait.
Alam ko masyado na yung perfect pero if meron man ganun I can still accept his flaws pero if red flag man yan edi pwede ako maging flag pole, charot!!
Di naman ako tanga para ganun diba, right? Like I know my worth kaya and my worth is 100000 trillion.
"Tagal mo naman magayos. Alam mo namang bawal ako ma-late kasi kasali ako sa school officer." Sabi ng ate ko ng matapos ako magrampa.
"Yeah. Yeah. Pero ikaw naman kasi tung matagal matapos maligo eh tapos rumpa-rampa pa." Sagot ko sa kanya at inikot ang mata.
"Sarili mo ba ang tinutukoy mo?" Tanong niya.
"Duhh sino pa ba ang maganda? Edi ako." Sabi ko at ini-flip ang beautiful long hair ko na shinampuhan ko ng head & shoulder. (Di ako binayaran para dito kaya baka naman ehem ehem)
Nang nasa kalsada na kami ay pumara kami ng tricycle.
Tumigil ang tricycle sa harap namin. "Saan kayo baba?" Tanong ng driver.
Sa imperyno po. Saksak— wait nakalimutan ko basta lagi akong mais diyan.
Sumakay na kami bago sumagot. "Doon lang po sa plaza." Nagbayad para baba nalang kami agad pagdumating na kami sa plaza.
"Kulang ng diyes." Sabi ni kuya at ikinalaki ng mga mata ko.
Diyes? Ano yan? Ganyan na ba ako kabobo.
"Aba kuya sakto na kaya yan noh. Diba ten pesos kada tao noh." Inis na sambit ng ate ko.
"Basta baba nalang kayo kung di niyo dagdagan." Sabi ni kuya kaya tinasan ko siya ng kilay.
"Amin na yung bayad namin. Di ka lang ang tricycle dito noh. Che!" Sabi ni ate Asiah at kinuha ang bayad namin.
Alam ko naman mahirap kumita ang mga tricycle drivers eh pero yung iba sumusobra na. Estudyante kami kuya noh at saka kunti lang baon namin.
I'm not from a rich family pero di naman kami gaano kahirap. Kaya naman kami pagaralan ng private school ng parents namin at pakainin pero di kami gaano kayaman tulad ng iba.
Like yung nakakabili ng mga gusto nila and whatsoever. Kaya ibigay ng parents namin ang kailangan namin pero minsan lang nila maibigay ang gusto namin. And, I'm grateful rin naman kasi I have them.
"Kainis!! Wala na bang tricycle na dadaan?" Pumadyak ako at pinailit ko ang mata ko kasabay ng malapit na pagdikit ng kilay ko.
Kanina pa kami naghihintay pero wala pa rin dumadaan na masasakyan at may dumadaan naman pero puno naman.
"Ano na bang oras?" Tanong ko sa kanya.
"Lah 7'o clock na. Tss." Parang gusto niya itapon ang cellphone niya nung tinignan niya ito.
Buti di mabigat ang bag ko baka pagpunta ko na sa school ay pagong na ako. Konti lang ang dinala kong gamit kasi di pa naman magsisimula ang klase, mag-orientation lang.
Napalingon ako sa sasakyan na parang mamahalin. Di ko alam anong klaseng sasakyan kasi wala naman akong alam sa mga sasakyanan.
Tumigil ito sa harapan namin at bumaba ang bintana nito. Kinuha niya ang kanyang sunglasses at nanlaki ang mata ko dahil sa kagwapuhan niya. "Ah, excuse me, ladies. May I ask, if alam niyo ang way papunta sa puso mo." Sabi niya sabay kindat at tinago ko naman ang kilig ko. Ang gwapo niya parang ka edad lang niya ang ate ko.
Pero sinong "mo" tinutukoy niya?
"Gross." Rinig kong boses na lalaki galing sa loob ng sasakyan.
"Ano pong kailangan niyo?" Tanong ng ate ko na nandiri sa pagkindat ng gwapong lalaki na ito kanina.
"Ikaw. Kailangan kita." Sagot niya sa ate ko at binigyan siya ng pandidiri na mukha ng ate ko.
Aba lumalovelife na yata ang ate ko. Ma! Pa! Makakahahun na tayo!!
"Creep." Bulong ng ate ko.
"Kailangan kita dahil nawawala kami. Do you know where's Gayle Academy?" Parang nahiya ang ate ko dahil sa sinabi niya.
Wait, yan ang school namin. Don't tell me doon rin siya nagaaral? Ohmyghad makakaahon na talaga tayo.
"Ah... Straight lang kayo tapos pag may nakita kayong Once Café liko lang kayo sa kanan, then pag nakarating na kayo sa Liyah's Computer-shop liko ulit kayo sa kanan at straight lang kayo hanggang makakita kayo ng blue na building." Sagot ng ate ko.
"Okay, thanks." Pagsasalamat ni kuya gwapo. "By the way, you are not my type, bye." Sabi niya sa ate ko bago umalis.
So... ako yung tinutukoy niya sa "mo" di si ate? Sorry ate ako pala ang dahilan kung makakaahon tayo. Pagpatuloy mo nalang pagaaral sa g12 malapit ka naman magcollege.
"Gag0!! Feeling niya siya rin type ko, yakk!" Nanginig siya dahil sa pagdidiri.
I patted her shoulder, "Kaya mo yan." Sabi ko habang tumatango sa kanya.
Sorry, ate di ko kasi alam na sobrang sobra na pala ang ganda ko kaya... Shameful man sabihin pero ako ang type niya ate I'm really sorry.
Maya maya ay nakasakay kami ng tricycle at pagdating namin sa plaza ay dumiresto kami sa 7/11 para bumili ng snack namin.
Ang mahal kasi nung nasa canteen namin eh tig pepti lang yung pera namin pang snack. Mga 70+ ang price nung mga pagkain sa canteen. Nakakabutas ng bulsa.
Matapos kaming bumili ay agad kaming sumakay ng jeep papunta sa school namin.
Nang uupo na ako ay bigla ako napahiga sa isang pasahero dahil bigla lumarga ang jeep. "Ayh sorry." Nang mapatingin ako sa mukha niya para akong naging statue dahil sa shiny shiny handsome face niya.
Tao pa ba toh? Yan ang unang pumasok sa utak ko. Let's pretend nalang na may utak ako.
Ngumiti naman siya sa akin at doon ko narealize na nakahiga pa rin ako sa kanya. Umupo naman ako ng maayos sa tabi niya at napalunok dahil sa kahihiyahan.
Tumingin naman ako sa ate ko na grabi ang titig sa akin. "Ano?" Bulong ko sa kanya at ningitian lang niya ako.
Binuksan niya ang bag para kunin ang pitaka. Binigay niya sa akin ang bayad namin sa jeep at nilakihan ko siya ng mata.
"A-ah... m-makikiabot po..." Mahina kong sabi at lumingon naman sa akin si shiny shiny handsome boy para i-ano yung bayad.
Ramdam na ramdam ko kung gaano ka-soft yung kamay niya at ka-warm nung kinuha niya yung bayad ko.
Tapos yung kamay ko ay pawis na pawis. Grabi nakakahiya wah!!
Pagdating ko sa school ay late na ako. Kaya luminya ako sa labas ng maliit na gate sa loob ng school namin. Dito kami pinapag-flag ceremony at yung mga di naman nalate ay sa loob ng classroom o kaya sa labas tapos every friday ay sa baba silang lahat.
Yung crush ko pa naman na officer yung naka-assign magbantay sa mga late kaya okay lang ma-late kasi worth it naman tapos nasa likod ko pa si shiny shiny handsome boy.
Masyadong sumasakit ang mata ko dahil sobrang shiny niya kailangan ko na ang sunglasses ni kuya gwapo.
Lumingon naman yung crush ko na officer na si Hanchel. Alam kasi niya na may lihim akong pagtingin sa kanya dahil sa mga kaibigan ko na sobrang lakas ng bunganga.
Tumingin ako sa likod ng marinig ko na may tumawag sa pangalan ko.
Isa sa kaibigan ko ang na-late rin. Omg friendship goals, haha.
"Elveen, psst!!" Tawag ni Alvinea ulit at lumingon ako naman ako sa kanya. Ningitian ko siya at saka tinignan kung may officer na nakatingin bago lumapit sa kaibigan ko. Pero bigla ako hinawakan ni shiny handsome boy at pinabalik sa linya ko.
"Stay here kung ayaw mo pagalitan ka ng mga school officer." Bulong niya. Parang mamatay na yata ako dahil sa boses niya. Omg! Help me, I can't breathe!! Ang gwapo. "... Elveen." Boom! Sabog na ako sa kilig.
Di ako makatingin sa likod dahil sa kilig. Naging statue tuloy ako, konti nalang puwede na ako i-display sa museum.
Natapos na ang flag ceremony kaya lumapit sa akin ang kaibigan ko. "Kilala mo pala yun?" Tanong niya sa akin.
"Hindi noh, sino pala yun? Kala ko transferee kasi di siya pamilyar sa akin." Sagot ko sa kanya.
"Di mo kilala yung 'The face of Gayle Academy' seryoso ka ba? Ang laki ng tarpulin ng mukha niya sa labas eh tapos kung saan saan rin nila yan sinasabit." Gulat niyang sambit.
Masyado na yata ako naging loyal kay Hanchel kaya di ko napansin na may gwapo pa pala.
Bago kami pumasok sa classroom ay tumigil muna kami. "Sana may gwapong kaklase." Hiling namin at napabuntong hininga kami.
Sumilip muna kami bago pumasok and nagkatinginan kami nung may nakita kaming gwapong lalaki sa likod ng nireserve na upuan ng iba kong kaibigan. "Wahhh!!" Nagapir-apir pa kaming dalawa.
"Pasok na kayo." Sabi ng teacher namin ng nakita kaming nasa labas pa rin.
"Sa tabi niya ako." Bulong ko sa kaibigan ko.
"Ako kaya." Hindi niya pagsang-ayon.
"Ang liit mo kaya baka di mo makita ang black board." Di naman siya tumangi sa akin dahil siya naman ang kawawa sa huli.
Don't worry, my friend. Makakahanap ka ng para sa iyo. Malay mo sa next life mo diba nice, right?
"Ang tagal niyo." Sabi ni Theàhstien na kaibigan namin at kinuha niya ang bag niya nilagay niya sa katabi ng upuan na inuupuan nung pogi naming kaklase.
Umupo naman ako na di tinitignan yung katabi ko baka mawalaan ako ng hininga pag nilingon ko. Oh my god ba't ang gwapo.
Nagchika-chika yung mga kaibigan ko at ako ay nakikinig lang dahil di naman ako maingay na tao. Maingay lang ako pag ang kaibigan ko lang ang kasama ko pero mas tahimik pa ako sa hangin ko kung may ibang tao.
"Shhh!!" Pagtatahimik ng teacher namin sa mga kaklase ko. "Magintroduce yourself muna tayo ah bago magsimula." Sabi niya.
Marami naman nagprotesta kaya yung mga transferee nalang ang pina-introduce yourself.
"Hi, I'm Delia Cruz." Sabi nung babae naming kaklae na transferee.
Ang puti ng balat niya para walang sun na nageexist sa buhay niya at makapal ang mga kilay niya at pilik-mata. Tapos ang bibilog ng mata niya. At saka ang pupula ng mga labi niya parang di na dehydrate ah. Ang ganda niya! Pak!
"Previous school?" Tanong ng teacher namin.
"Creèse University po ma'am." Sagot niya.
"Saan yan?" Tanong ng teacher namin dahil walang ganyan na pangalan sa lugar namin.
"Sa U.S.A po." Sabi niya at napanganga naman ang mga kaklase ko.
"Ahhh. Bakit ka pala dito lumipat?"
"My grandfather po kasi ay nagkasakit that could lead him to death, and my parents decided na dito nalang muna kami sa Philippines para alagahan ang grandfather ko." Sagot niya.
"Oh, I pray for your grandfather fast recovery." Sabi ng teacher namin at nagpasalamat naman si Delia.
"Next?"
Tumayo naman ang katabi ko at lahat kami ay nakatingin sa kanya.
"Good morning everyone. I'm Felix Jae Brown." Pati pangalan niya ay gwapo ohmyghaaad handsome everything. "My previous school was Welious International University."
Wow yayamanin ah! Wait diba yan yung sikat na international school sa Australia? Kaya pala may accent yung pagkasalita niya.
"Ohhhh..." Parang na-i-speechless si Ma'am Audrey.
Nagsimula ng discuss si ma'am at wala akong naintidihan.
"Sa wakas, snacktime na." Sabi ko at inilabas ang binili kong chichiria sa 7/11.
Biglang bigla lumapit sa akin ang mga kaibigan ko ng pagbukas ko ng chichiria. "Pengeee!!" Para silang zombie na di nakakain ng utak na tao kaya binigay ko nalang yung isa kong chichiria.
Napatingin ako sa katabi kong nakaupo pa rin. "Ahh... gusto mo?" Offer ko sa chichiria ko.
"No, thanks." Sagot niya at tumingin sa bintana.
Tumayo ang mga kaibigan ko para pumunta sa canteen. "Dito ka lang?" Tanong ni Seria, isa sa mga kaibigan ko at tumango naman ako kaya umalis na sila papunta sa cafeteria.
Kami lang dalawa ang natira sa classroom kaya rinig na rinig ang pagkain ko sa Mang Juan.
"Sigurado kang ayaw mo?" Offer ko ulit sa kanya.
"I don't like the taste of vinegar." Sagot niya.
"Ah okay, sorry." Sobrang awkward kaya tumahimik nalang ako.
Bigla dumaan si shiny handsome boy sa classroom namin at pumasok. "Ah, Elveen. Classmate mo ba si Felix Jae?" Tinuro ko naman ang katabi ko.
Lumapit siya sa amin at umupo sa table ng katabi ko.
Grabi maka Elveen feeling close ngee dapat baby o kaya babe, puwede rin naman sweetheart.
"Yes?" Malamig na sambit ni Felix.
"Pinapatawag kayong transferee sa principal office." Sagot niya. "Nasaan si Delia, Elveen?"
"Sa cafeteria yata." Sagot ko.
"Ah paki sabi nalang sa kanya na kailangan niya ipasa ang kulang niya." Aniya.
"Anong kulang niya?" Tanong ko dahil isa akong pusa na masydong curious sa bagay bagay.
"Birth." Sagot niya at ngumiti.
"Birth...? Birth ano?" Tanong ko.
"Birth certificate at ano..." Nagisip isip muna siya. "Nakalimutan ko. May isa pa."
Ang bobo ko halata naman na birth certificate eh.
"Alam naman niya ang mga kulang niya diba, right?" Pagsisigurado ko.
"Oo pero mas mabuting sabihin sa kanya anong kulang niya." Aniya.
Paano ko naman masasabihan kung di ko alam? Malay ko ba anong kulang niya noh. Gwapo sana eh kaso may pagkatanga pero anyways sobrang shiny ng mukha mo feeling ko tuloy mabubulag ako.
"Di niyo po maalala anong kulang niya?" Tanong ko.
"I can't, what about you? May naisip ka bang kulang... Niya?" Tanong niya at nagkibit balikat ako. "Wala talaga?"
Ako ba ang sinabihan anong kulang niya? Alam mo kainis mo pero okay lang yan normal naman magkamali ang tao.
"Wala." Nahihiya kong sagot.
"Ayhh yun lang pala ang kulang niya. Naenjoy akong kausapin ka, bye!" Umalis naman siya.
Kung ikaw na-enjoy mo, ako hindi, kulang pa oyhh.
"Di ka pa baba?" Tanong ko sa katabi ko na nakatingin sa labas ng bintana.
"None of your business." Sagot niya at di ko na siya pinakialaman.
Ang sungit nito sana madapa ka pagbaba mo!! Kala mo naman pogi eh mukha namang— wait! Ayaw ko manglait, haysst. Sabi nga nila don't judge a book by it's cover diba, right? Malay natin may problema pala siya at saka ang gwapo niya kaya deserve siyang patawarin.
Bumalik na ang mga classmate ko at nang pumasok si Delia ay lumapit ako sa kanya. "Ah, yung birth certificate mo raw ahm kailangan mo na raw ipasa." Sabi ko sa kanya at bigla umiba ang mukha niya pero baka illusyon ko lang yun kasi pagpikit ko nakangiti siya sa akin.
"Oh, okay, thank you." Sabi niya at bumalik sa upuan ko.
"Wow, friendly ka na pala." Sabi ni Theà. "Krazy."
"Hindi noh, inutusan lang ako." Sagot ko.
"Ano pala inutos sayo?" Tanong ni Shen.
"I-remind ko daw si Delia sa kulang niya." Aniko.
"Ahhh..." Tumatango naman sila.
Uwihan na at hinihintay ko ang ate ko sa canteen dahil di pa sila tapos.
Napalingon ako sa dalawang tao na nagtatago. Nang maklaro ko ang mga mukha ay napakunot ang noo ko. "Bakit magkasama sina Felix at Delia?" Bulong ko.
Lumapit ako konti para makita ko kung bakit sila nagtatago sa garden. Kung di niyo pa alam may lahing chismosa kasi ako. Nagfafun run yan sa dugo namin magkapamilya.
Malapit lang kasi ang garden sa canteen kasi dito rin tinatanim ang mga ginagamit na ingredients sa pagkain na binebenta nila sa canteen.
Tumago ako sa isang plywood na nakasandal. "Stop begging!! I don't love you, Delia." Pagtataboy ni Felix kay Delia.
"Pero... Paano ang mga pangako mo nung bata pa tayo?" Malungkot na sambit ni Delia.
"We are kids back then, Delia. A f0cking kid!!" Sigaw niya kay Delia.
Aba lokong lalaki toh ba't niya sinisigawan ang babae.
"May iba ka na bang mahal?" Tanong ni Delia at kitang kita ang pagpigil niya sa luha niya.
"You don't need to know." Aniya.
Aalis na sana ako kasi parang masyado ng personal yung pinaguusapan nila pero nadapa ako kaya naitulak ko yung isang pot then boom nahulog. Wala na! Huli na nila ako nakikichismis.
Naiinis na ako sa pagkaclumsy ko dahil parang gusto akong patayin.
Dati kala ko ang cute sa akin kasi ganun ang mga bida sa nababasa ko pero naiinis na ako eh baka sunod ito rason ng pagkamatay ko.
Bilis bilis akong umalis bago nila akong makita. Naghanap ako ng mauupuan at tignan ang binti ko dahil nakaramdam ako ng sakit.
Pagtingin ko ay may malaki akong sugat kaya pupunta sana ako ng banyo pero nang pagtayo ko ay nakatayo sa harapan ko. "Felix..." I murmured.
"You need to go to the clinic." May galit ang nasa mata niya yung parang anytime itatapon ka na niya sa mars ganun pero may halong awa, bait diba, right?
Tumalikod siya at umupo tapos tinapik niya ang kanyang likod para sabihin sa akin na mag-piggyback ako sa kanya.
Ano kaya nakain nito? Ba't niya ako ipa-piggyback?
"Wag na kaya ko naman lumakad noh." Sabi ko at tumayo.
Tumayo rin siya para harapin ako, "Did you hear everything?" Tanong niya sa akin.
Wow, nagpapakipot lang ako noh tapos tatanungin mo ako agad. Ano yan no erasure? Puwede mo naman ako tanungin ulit noh para sagutin kita ulit. Pilitin mo ako, mahalin mo ako, charot!
"Hindi..." Sagot ko at tinignan niya ako sa mata.
Omg! sad to say di lahat ang narinig ko sayang may tea sana ako, char.
"Next time, don't stick your nose where it doesn't belong." Sabi niya bago umalis.
Ako naman toh natamimi kasi bakit ko naman isi-stick yung ilong ko, ano yan glue? Char! Last ko na toh.