Capture your holds II

3180 Words
Elveen P.O.V It's a photo of memories. Napalapit ako kay Felix na malalim ang iniisip na nakaupo sa bench ng garden. "Okay ka lang ba?" Tanong ko. "None of your business." Sagot niya at umupo naman ako sa tabi niya. "Yeah, di tayo close pero nandito ako para makinig kung ano nasa loob ng isipan mo." Sabi ko sabay tingin sa kanya bago lumingon sa langit kung nasaan siya nakatingin. "Alam kong mahirap sabihin lalo na di tayo masyadong close pero sometimes kailangan natin ilabas kung ano nasa loob niyan para di bumigat." Turo ko sa utak niya.  "... Today is my mom's death anniversary." Nagulat naman ako sa sinabi niya dahil di ko alam anong isasagot ko. "I'm sorry to hear that. Pwede bang malaman anong dahilan ng pagkamatay niya? Okay lang if ayaw mo sagutin." Aniko. Ibinaba niya ang kanyang ulo. "She died in a car accident." Pinigilan niya ang kanyang luha na tumulo. "If I just didn't..." Di niya tinuloy ang sasabihin niya. "It's not your fault." Di ko alam anong kasunod ng sinasabi niya pero parang sinisi niya ang kanyang sarili. "It's an accide—." Di ko naituloy ang sasabihin ko dahil sinigawan niya ako. "It's not just an accident!! I... I killed her... If I just didn't get mad at her... If I..." Nagsimula tumulo ang kanyang mga luha kaya wala akong nagawa kundi i-pat lang ang kanyang likod. "Wala kang kasalanan at sa tingin ko di gugustuhin ng mama mo makitang kang sinisisi ang sarili mo." Aniko. Di ko alam anong mabuting salita ang sasabihin sa kanya kasi di ko alam kung gaano ito kasakit niya baka may masabi akong masama na makakasakit sa kanya. Pinipigilan niya ang kanyang luha kaya isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko. "Umiyak ka lang, ako lang ang nasa tabi mo kaya siguradong walang magjajudge sayo. Ilabas mo lang yan." Mas lumakas ang pagiyak niya kaya hinintay ko itong tumahan. Umalis siya sa pagkakasandal sa akin at nagtrapo sa luha niya gamit ang kanyang panyo. "Thank you... Elveen." Nahihiya niyang sambit. Simula ng araw na yun ay di na siya nagsusungit sa akin tulad ng mga ginagawa niya ng nakaraan at hanggang sa naging magkaibigan kami. Sabay kami kumakain sa classroom ng snack namin at lunch. "Pahingi." Turo ko sa fried chicken na ulam niya. Nagpuppy eyes ako sa kanya at biningyan niya ako ng pandidiri na mukha. "Don't do that." Sabi niya at binigyan ako ng fried chicken. "Thank you, master." Nagsalot naman ako sa kanya. Natapos na kami kumain at maya maya ay dumating ang mga kaibigan ko na galing sa cafeteria. "Ayieeeee!!" Sabi nila ng pumasok sila. "Wow, sweet niyo ah." Sabi ni Theà. "Baliw kayo! Di noh!!" Tanggi ko. Napatigil sila sa pangngungulit ng lumapit si Delia kay Felix. "P-pwede ba tayong magusap?" Tanong niya kay Felix at tumayo naman ito. Sinundan ng mga tingin namin ang paglabas nila. "Lah may kaagaw ka pala. Lah love triangle yarn." Sinamahan ko naman ng tingin si Shen. "Wag niyo nga kami i-ship baka ma-uncomfortable si Felix." Saway ko sa kanila. "Lahh echoserang frog. Di ka namin shiniship noh masyado ka kasing lumalandi." Pageepal ni Alvinea. "Ang ganda pala ng buhok mo noh? Magandang sabunutan." Inis kong sambit. "Di lang buhok ko ang maganda noh." Sagot niya. Ah, so gusto mo sabunutan ko rin pagmumukha mo? Char. "Magkakaila ba sila? Ba't di ko sila nakikitang naguusap?" Pagtutukoy ni Shen kina Delia at Felix. "Hindi noh baka about sa lesson. Alam niyo naman na matalino si Felix baka nagpapatulong lang siya." Pagtangi ko. Nangako kasi ako kay Felix na di ko ipagkakalat yung narinig kong pinagusapan nila ni Delia sa garden. Pero bakit nila pinapahalata kung ayaw niya nila ipagkalat? Wala naman ako sa posisyon para ipagkalat yun kaya bahala na sila. "Sigurado ka? Para kasing linta dumukit eh." Bulong ni Alvinea. "Hoy! Sara mo bunganga mo." Saway ko sa kanya. "Totoo naman eh. Grabi dumikit kala mo jowa niya." Ayaw pa rin niya tumigil. "May pa 'p-pWedE bA tAyONg MaGusAp?" Pangungutya niya. "Eh ano naman sayo if grabi siya dumikit? Wala ka na doon." Aniko. Sinasaway ko sila kung may ginagawa silang masama dahil I'm her friend. I should guide her. "Eh crush ko eh. Tangap ko kung ikaw ang didikit sa kanya dahil wala ka naman gusto sa kaniya." Sagot niya sa akin habang naiinis at napatahimik ako sa sinabi niya dahil may naramdaman ako na parang may mali. "Diba? Di mo siya gusto?"  Paano kung gusto ko siya? Kakamuhian mo rin ba ako? "A-ah, hindi noh, ano ka ba? Kaibigan ko si Felix di ko yun puwede i-kai-ibigan." Sagot ko at sinabayan ng tawa. "Eh pero yung Delia na yun kasi grabi makatingin kay Felix ko parang gusto kunin sa akin." Sabi niya at napataas naman ang kilay namin sa kanya. "Pagmamayari mo na pala siya." Sabi ni Theà sa kanya. "Shh lang kayo baka masapak ko kayo." Pagpapatahimik niya sa amin. "Baka ikaw yung masapak namin eh." Gigil na sambit ni Shen. "Kawawa naman kamay mo niyan alam mo naman na sa sobrang kapal ng mukha ni Alvinea kamay mo ang mamumula." Sabi ni Theà at tumawa. Inikot lang mata ni Alvinea ang kanyang mata. "Di lang yata mamumula, baka putol na." Sabi ko at tumawa naman kami. "Pinagtutulungan niyo ako ah. Friendship over na ba toh?" Ani Alvinea. "Alam mo naman mahal ka namin eh kahit gaano kakapal yan ng mukha mo." Biro ko at kunwaring hahalikan siya. Lumalayo layo siya akin. "Kadiri ka!!" Sabi niya at tumawa naman kami. Paglabas namin ni ate sa gate dahil pauwi na kami ay nakita ko yung kotse ni kuya gwapo. Parang may hinihintay dahil nakaparking naman toh na umaandar ang ilaw ng kotse. Di ko naman makita mukha niya dahil nakasirado toh. Nang mapansin ng ate ko ang kotse ay bigla nandidiri ang kanyang mukha. "Lakad ka lang, Elveen. Wag ka tumingin diyan." Sinunod ko naman ang sinabi niya pero napatigil kami sa paglalakad ng may tumawag sa pangalan ko. Di pamilyar sa akin ang boses kaya nilingon ko.  "Hi, Elveen!!" Sigaw ni kuya gwapo at kumakaway pa sa amin. Wait, paano niya nalaman name ko? Lah, stalker ko ba siya? Crush niya ba ako? Oh my god, don't please, kuya.  "Wag kang kumaway." Sabi ni ate at hinatak ako paalis. Ang bilis talaga ng panahon parang kailan lang ng first day of school. Christmas party na namin tapos vacation na haysst paano ko makikita sina Felix niyan, char. Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang regalo. "Felix, regalo ko nga pala." Binigay ko sa kanya ang regalo. Tinitigan lang niya ito kaya inatras ko nalang paalis yung kamay ko pero pinigilan ang pagatras ko nito. "Thanks." Sabi niya at binulsa ito. Matching bracelet ang binigay ko sa kanya kasi yun lang ang afford ko at sinuot ko na yung akin. "I'm sorry. I didn't buy a gift for you." Aniya.  "Ah okay lang noh at saka di ko naman kailangan ng regalo eh." Sagot ko sa kanya at lumingon sa mga kaibigan ko. Aaminin ko mejo ako nasaktan pero di naman niya kailangan bigyan ako ng regalo. Lumapit ako sa kaibigan ko na nagtatawanan. "Labas muna ako." Paalam ko sa kanila. Pumunta ako sa building nina ate kasi dala niya yung leche flan na handa ko para sa classroom namin. Pagkapasok ko sa classroom nila, hiya-hiya muna ako. Hinanap ko ang ate ko pero nagtigil ang mata ko kay Kuya gwapo na tumatawa kasama ang mga kaibigan niya yata. Wait, magkaklase sila? Ohmyghaaad ba't di ko alam. Napalingon naman sa akin si Kuya gwapo at binigyan ako ng malaking ngiti. Lumapit siya sa akin at pinigilan ko ngumiti.  Omg kinikilig ako!  Wahh! Ba't kasi ang gwapo niya. "Are you looking for your sister?" Tumango naman ako sa kanya. "She left. Why do you need from her?" "Ah leche flan." Mahina kong sagot. "What? Are you cursing me?" Gulat niyang sambit. "Ah no! Sabi ko Leche! Flan!" Pagtatangi ko. "Oh, you can get it." Lumapit siya sa kinauupuan ng ate ko at sinundan ko naman siya. Kinuha ko ang paper bag na nasa table ng ate ko at bago ako umalis ay nagpasalamat muna ako kay Kuya gwapo. "Thank you po." Ngumiti naman siya sa akin. Pagpasok ko sa classroom napatigil ako ng makita ko na suot ni Delia yung ini-regalo ko kay Felix. Wait, baka same lang diba, right? Di naman iisa ang ganyan na design, siguradong same lang. Nilagay ko muna yung leche flan bago umupo. Nakakatitig pa rin ako sa bracelet na suot ni Delia. Pero if coincidence lang bakit pang lalaki ang design na suot niya? Di naman siya boyish eh pang girly yung style niya I mean yun ang laging suot niya. Or baka nagusto lang niya yung design na ganyan diba, right? "Ahh... Where did you go?" Tanong sa akin ni Felix. "Sa classroom lang ng ate ko. Kinuha ko lang yung leche flan." Sagot ko sa kanya at napatingin ako sa bulsa niya na wala ng laman. "Binuksan mo na yung regalo na binigay ko sayo?" Napaiwas naman siya ng tingin. "I'll only open it at house." Sagot niya pero bakit feeling ko may mali sa sinabi niya. "Sige." Tumango nalang ako sa kanya. Gusto ko itanong sa kanya kung nasaan ang regalo kaso natatakot ako na baka... Natatakot ako na totoo yung palagay ko. Okay lang naman sa akin if ipamigay niya pero di ko alam kung kumikirot ang puso ko dahil binigay niya kay Delia. Nalilito ako kung nasasaktan ako dahil binigay niya ito o dahil binigay niya ito kay Delia. Pero bakit naman ako masasaktan kung binigay niya ito kay Delia? Hindi naman sa may gusto ako kay Felix noh? Di ko naman siya mahal diba, right? Pero mali toh. Kaibigan ang turingan namin dalawa at saka malabo magkagusto sa akin si Felix dahil si Delia ang kanyang first love. Naikuwento niya ito sa akin nung bumisita ako sa bahay nila. "Ohmyghaaad!! Ikaw ba tung bata na toh?" Tanong ko sa kanya ng hawakan ko ang litrato na naka picture frame. Kitang kita doon ang dalawang bata, isang lalaki at babae na naglalaro. "Yeah." Tipid niyang sagot. "Ah...! Sino tung babae? Ang cute niya." Sabi ko at ngumiti-ngiti kay Felix. "Kapatid mo?" Actually, never ko nameet ang mga kapatid ni Felix. Basta sabi niya dalawa daw sila magkakapatid. Di niya sinabi kung lalaki ba o babae at kung ilang taon ang kanyang kapatid. May pa mysterious mysterious pa toh. "No. She's my childhood friend." Sagot niya at binaba ko naman ang frame. "She's... Delia, my first love." Nakangiti niyang sambit at lumaki ang mata ko. Nakaramdam ako ng kirot sa puso, di ko alam kung bakit.  "As in si Delia na classmate natin?" Konti nalang mahuhulog yung eyeballs ko dahil sa gulat. "Yeah. But, it was before." Sagot niya at pinagpatuloy ang pagpepaint. Hobby niya kasi magpepaint at saka ang dahilan kung bakit ako nandito ay para samahan siya sa pagpinta. Isa kasi akong artist. Sumasali ako sa mga contest sa school and pag may nakikita akong contest. Nagpapacommission rin ako, gusto niyo magpa-commission? Head? Whole body? "Sure ka na talaga na di mo siya mahal? Baka meron pa diyan sa puso mo." Sabi ko at kinuha ang canvas. "None of yo–." "None of your business." Panggagaya ko sa kanya. "Nye nye sorry chismosa lang hehe." Nagsimula na ako magpaint at kinuha ko ang cup na may laman na tubig para linisin ang brush pero aksidente ko itong nahulog sa damit ko kaya basang basa ako. "Ohmyghad!! Konti nalang masasakal ko na ang sarili ko masydong clumsy." Inis kong sabi at binalik ang cup sa table. "Saan cr niyo?" Tanong ko sa kanya. Tumayo siya at inalis ang apron. Nagapron siya kasi ayaw niya madumihan damit niya tapos ako ito diresto lang sa pagpaint. Tapos white pa ang sinuot ko, omg ang bobo ko talaga nakaka-amaze lang tumalon sa tulay. "Follow me." Sabi niya at sinundan ko naman siya. Binuksan niya ang pinto ng cr at pumasok naman ako. "I will get you a t-shirt." Umalis na siya at sinirado ko na ang pinto. Binasa ko nalang ang damit ko at nilabhan kasi papahiramin daw ako ni Felix ng damit niya. Hinintay ko siya kumatok pero wala pa rin ako naririnig. Mga ilan minuto wala pa rin ako narinig kay napagpasyahan ko na suotin ang nilabhan kong damit at lumabas. Ini-cover ko yung ano ko kasi nakaklaro yung b*a ko. Nakakahiya mejo tumutulo yung damit ko. Gusto ko magtanong kung nasaan si Felix pero wala akong mapagtanungan kasi walang maid sila dahil ang naninirahan dito sa pinakamalaki na mansyon ay siya at ang kapatid niya. Yung papa niya di ko alam at di ko na rin tinanong. "Felix~ Yohooo~ Nasaan ka na?" Wala akong narinig na sumagot kaya nagpatuloy ako maglakad. Nang makarating ako sa sala ay napatigil ako ng makita ko si Felix kayakap si Delia na umiiyak. Mejo sumakit yung puso ko. Ohmyghaaad may sakit na ba ako sa puso? Kanina pa toh nung hawak ko yung picture frame kanina ah. Gusto ko magsalita pero hindi ko maibuka bibig ko o magalaw katawan ko. Napalingon sila sa akin ng maramdaman nila ang presensya ko. "Elveen." Gulat na sambit ni Delia. "Ah sorry sa istorbo, gusto ko lang itanong kung nasaan yung damit." Tanong ko at napatingin si Felix sa suot ni Delia. Ngayon ko lang napansin na basang basa ang buhok ni Delia at may towel malapit sa tabi niya. "Ah go to my room, and open my closet. Just get what fits you." Sagot ni Felix. "Saan ang kwarto mo?" "When you get upstairs, you'll see a door to the left." Sabi niya at tumango naman ako. Pagpasok ko sa kwarto ni Felix kita ko sa labas ng bintana na umuulan. Nabasa yata si Delia sa ulan pero bakit di basa yung damit niya. "Baka bagong ligo lang noh." Bulong ko at binuksan ang kabinet niya. Napanganga nalang ako sa ganda ng mga damit niya. Gusto ko i-try lahat pero baka magalit si Felix. Masyado daw akong pakilamera. Sorry, may pinagmanahan kasi. Di ko sinasabi na sa mama ko ah pero parang ganun na nga. Pero pwede naman sa mga tita ko na grabeeh makialam sa buhay ng ibang tao parang alam na alam nila ang buong kwento ng tao ah. Pinili ko suotin yung t-shirt niya na mejo maliit kasi yun lang ang kasya sa akin. Mukha akong tuloy na tambay sa tindahan kulang nalang yung short na pang basketball. Pero bakit sa mga teleserye napapanood ko ang kyot ng babae pero bakit ako huhu. Kala ko ba fair ang mundo pero ba't parang may favoritism na nagaganap. Ini-try ko naman i-insert sa pants ko ang damit pero di ko tinuloy kasi di ako marunong paano i-insert ang damit. Oo na, ako lang toh ang di marunong magstyle ng damit. Lumabas akong dala ang damit kong nilabhan at nakikitang tinatrapo ni Delia ang mga tumulo kanina na galing sa damit ko. "Hoyyy!! Ako na niyan." Pigil ko sa kanya. Masyadong nakakahiya, omg!! "Umupo ka muna sa sala at diba naulanan ka baka magkasakit ka niyan kaya magpahinga ka." Sabi ko at kinuha sa kanya ang mop pero di niya ito binigay sa akin. "Ah okay lang." Sabi niya at napalingon kami kay Felix na lumapit. So, nabasa talaga siya sa ulan dahil di naman niya tinangi diba, right? O baka nahihiya lang. "Are you ordering her to mop this?" Galit na sambit ni Felix at napataas naman ang kaliwa kong kilay sa kanya. "Huh? Di noh!" Pagtatangi ko. "Nagulat nga ako ba't niya tinatrapuhan kaya pinigilan ko siya." Masama pa rin ang tingin niya sa akin. "How can I believe you?" Tanong niya sa akin. Bigla nalang kumulo dugo ko at di ko alam anong dahilan. "Never ako nagsinungaling sayo kaya alam mo na di ako nagsisinungaling diba, right?" Sagot ko sa kanya pero di pa rin nagbago mukha niya. "Tanungin mo pa si Delia." "Ahh... Ehhh... O-oo!! D-di ako inutusaan ni... Elveen." Natatakot niyang sambit. Bakit naman toh natatakot magsalita? May problema ba siya sa social skills niya? Kawawa naman sana malutasan niya yan, ang hirap kaya niyan. "Don't lie, Elveen." Kulang nalang mangdikit ang kilay ko dahil sa sinabi ni Felix. "It's obvious." Anong obvious? Saan Parte?  "Kung ayaw mo maniwala bahala ka diyan!! Aalis nalang ako." Kinuha ko ang bag ko at umalis. Mas mabuting aalis nalang ako baka may masabi akong masama. Di ko kasi makontrol ang sarili ko pag nagagalit ako eh. Buti nawala yung ulan ng makalabas ako kaya di ako nabasa kakahintay ng masasakyan. Nang makasakay ako ay nakita ko ang kotse ni Kuya gwapo na dumaan. Dito rin pala siya nakatira? O may bibistahan lang? Pero pagkatapos non ay naging okay naman kami nina Felix kasi napaliwanag sa kanya ni Delia ang nangyari. "Sigeh maglalaro tayong ng the boat is sinking ah." Sabi naman ng teacher namin. Yung iba ay nadissapointed kasi lagi nalang ganito ang laro pag Christmas party o anong party. At yung iba naman ay masyado excited dahil sa prizes na candy. Tumayo kaming lahat at nagsisimula ng maggrupo-grupo ang iba kahit di pa nagsisimula. "Okay. The boat is sinking... Group yourselves into... THREE!!" Sigaw ng teacher namin na nakamicrophone. Bigla nagyakapan ang tatlo kong kaibigan kaya napatingin ako kay Felix na walang ka grupo. Lalapit sana ako sa kanya ng may nagtulak sa akin. Tinignan ko naman kung sino ang ang nagtulak sa akin at nakatayo siya sa tabi ni Felix. "I'm so sorry. Di ko sinasadya." Pagsosorry ni Delia at tumayo naman ako. Pero bakit may parte sa isip ko na sinadya? Ang laki laki ko kasing tao kaya imposibling mahulog ako agad. "Okay lang." Sagot ko sa kanya at ngumiti siya sa akin. "Basta wag mo uulitin sa sunod baka yung katawan mo ang matumba dahil sa laki ng katawan ko." Tumawa naman ako at bigla nawala ang ngiti sa labi niya. "Elveen." Saway sa akin ni Felix at tinignan ko lang ito ng masama. Nakita ko si Venn na walang ka partner. "Claire!! Hali ka!!" Tawag ko sa kanya at nakangiti toh lumingon. "Dito ka." Turo ko kina Felix at Delia. At saka lumapit naman siya sa kanila. "Stop! Wala ng gagalaw." Sabi ng teacher namin at nagsimulang magbilang. "1,2,3,4! Sinong sumobra sa inyo?" Tanong niya sa amin at itinaas ko naman ang kamay ko. "Sigeh, out ka na." Umupo na ako at pinanood sila. "Group of yourselves into TWO!!" Tinignan ko sina Delia at Felix na magkayakap. Aaminin ko na masakit sa puso ko makita silang magkayakap at lahat na kaklase namin ay shiniship sila except kay Alvinea na parang susunugin na si Elveen. Maraming tanong pumapasok sa isip ko na di ko alam anong isasagot ko. Gusto ko nalang umiyak dahil gulong g**o na ako. Di ko alam bakit ko toh nararamdaman eh di ko naman mahal si Felix ah. Bakit ba ako nagseselos? Bakit ba ako nasasaktan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD