Elveen P.O.V
Some pictures are a blur.
Nandito ako sa rooftop, malalim ang aking isipan. Maraming nangyari sa bahay kaya di ako makapalagay.
"Bakit ang lungkot ng mukha mo?" Sabi ng lalaki lumapit sa akin at tinignan ko ito.
"Ah... h-hi." Sabi ko kay shiny handsome boy na umiinom ng chukie.
"Gusto mo?" Tanong niya sa akin.
Ohmygad gusto ko pero mas gusto kita char bawal ako humarot.
"No, thanks." Sabi ko at saka ngumiti sa kanya baka kasi masaktan.
Wow, siya pa ang masasaktan? Lahh ganda ka girl.
"Do you have a problem? You can vent at me. I'm a good listener." Sabi niya pero napatingin lang ako sa mata niya sobrang shiny rin.
Ohmyghad ba't sobrang shiny niya? Masyadong nakakasilaw parang sasakit na ang mata ko pero worth it naman.
"Thank you pero okay lang ako. Promise." Pinilit kong ngumiti sa kanya at sana di niya mahalata.
"You can't fool me." Sabi niya at ginulo ang buhok ko. "Di kita pipilitin pero sana ay ilabas mo kung anong gumugulo sa isipan mo." Turo niya sa isip ko. "At sa puso mo." Ngumiti siyang nakaturo sa puso ko.
Ang gumugulo sa utak ko ay kung gaano ako kaganda. Kala ko ba fair ang mundo pero bakit ang ganda ko? Char.
Ganito kasi...
"Buti pa yung anak mo ang galing at masipag. Di tulad ng anak ko dito na puro selpon lang ang inaatupag. Puro upo nalang ang ginagawa kaya ayun sobrang taba na." Paparinig sa akin ni mama habang kausap si Tita Liza.
Nasa kwarto ako ngayon at rinig ko ang boses nila. Napatigil ako sa pagbabasa ng kwento sa isang app at pinakinggan sila kahit masakit.
May nagtutulak sa akin pakinggan sila kahit gusto ko nalang matulog at magkunwari di narinig ang mga salita na yun.
Masakit ang mga salita na yun lalo na sa magulang mo pa ang nangaling.
"Bantayan mo yang anak mo ng mabuti malay mo may jowa na tapos bigla nalang mabuntis. Alam mo grabi na ang mga kabataan ngayon puro landi nalang ang ginagawa buti pa yung anak ko honors at may silbi." Sagot naman sa kanya ni Tita Liza at nagtawanan sila. "Rinig mo ba yung anak ni Elizabeth ay buntis na diba yun ang lagi kung saan saan pumupunta. May kasama siyang lalaki nung umuwi siya."
"Kaya nga di ko pinapalabas lagi mga anak ko dahil kung ma-ano pa sila. Alam mo naman ang anak ko ay pabaya." Napatulo ang luha ko galing sa aking mga mata dahil sa binitawan na salita ni mama.
Tahimik akong umiiyak sa kwarto habang sina mama ay sinasabihan ako ng mga masamang salita. Gusto ko nalang maglaho na parang bula.
Paano ako magiging responsable, ma? Kung pati sarili ko eh di ko maalagahan.
Paano ako makakaisip ng mabuti kung puno ng mga masamang salita niyo ang nasa utak ko.
Di ko ito hiniling at ginusto? Saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali? Pati sarili ko ay tinaydor ako.
Gusto ko lang magpahinga. Yun lang ang gusto ko, bakit di ko pwede makuha?
Gusto ko lang mawala sa mundo na toh—
Di ko natapos ang pagkukwento ko kay shiny boy dahil bigla niya ako niyakap.
"Wag mo pigilan ang mga luha mo. Umiyak ka lang." Tinapik niya ang ulo ko at nagsimulang tumulo ang luha ko dahil di ko alam.
Basta ang alam ko ay gusto ko lang umiiyak.
Namamaga ang mata ko bumalik sa classroom at lahat sa akin ay nakatingin.
"Lah bakit siya umiyak?"
"Anong problema niya?"
"Ang dramatic naman niya."
Rinig kong bulong bulongan nila.
Umupo ako at lahat na kaibigan ko ay pinaikotan ako. "Hoy, anong nangyari?" Tanong ni Alvinea.
"Sinong nanakit sayo?" Tanong ni Theà at kinuyom niya ang kamao niya na parang ready na siya manuntok ng tao. "Susuntukin ko talaga ang nanakit sayo."
"Okay ka lang? Kung may problema ka nandito lang kami." Niyakap ako ni Shen sa liig dahil nakaupo ako.
"Okay na ako." Sagot ko.
"Sure ka? Sabihin mo sa amin ang totoo please ah." Sinuklayan ni Alvinea ang buhok ko.
Ngumiti naman ako sa kanila. "May tumulong na sa akin kaya okay na ako." Pareho silang naguluhan.
"Sino? Ano pala nangyari?" Tanong ni Theà.
"Secret na baka umiyak ako ulit noh sayang beauty ko." Nagpout naman ako at kunwaring punas punas sa mata ko.
"Okay pero lagi mong tatandahan nandito lang kami." Ngumiti sila sa akin kaya napangiti ako at si Alvinea ay patuloy pa rin ang pagsuklay sa akin.
"Hala may kuto." Biro ni Alvinea at tinignan namin siya ng masama. "Tawa naman kayo please. Wag kayo ganyan. Biro lang." Sabi niya at nagpeace sign. "Bahala kayo diyan tampo na ako. Char!"
"Sige balik na kayo sa upuan niyo baka mapagalitan pa kayo ni ma'am." Bumalik naman sila sa kanilang upuan at nilingon ako para siguraduhin kung okay lang ako.
"Thank you." Bulong ko at tumingin na sila sa harapan kasi dumating na ang teacher namin.
"Baliw ba siya?" Rinig kong bulong ng ibang kaklase ko.
Habang inaantok akong nakikinig sa topic ni ma'am ay may pinasa sa akin si Felix na papel.
"Are you okay? I'm your friend, so tell me." Yan ang nakasulat sa papel.
Awh na friendzone, char! Friend pala kami. Ohmyghaaad masyado na ako na babaliw!
"Okay lang ako, friend. Don't worry, humihinga pa ako kaya chill ka lang diyan :>" Sulat ko sa papel at nagdrawing ng smily face bago ipasa sa kanya.
Iipapasa niya sana yung sinulat niya pero bigla tumingin si ma'am sa amin kaya binawi niya.
"Get a piece of paper! Magku-quiz tayo kasi may di nakikinig diyan." Sabi ng teacher namin at bigla napabumuntong hininga ang mga kaklase ko.
"Sino naman yung di nakikinig? P0t@ngina naman eh!" Rinig kong sabi ng kaklase ko.
"T4ng1nan6 Elveen."
Daming nagrereklamo at gusto ko rin magreklamo pero parang kami ang pinaparinggan ni ma'am.
"Okay! Number one!" Sabi ni ma'am at bigla nagpanik ang mga kaklase ko kasi di pa sila nakahingi ng papel.
Pati ako walang papel. Gusto ko humingi kay Delia ng papel na namimigay sa iba pero nahihiya ako.
"Here." Binigyan ako ni Felix ng limang papel at ngumiti naman ako sa kanya bago isulat ang pangalan ko sa papel.
"Pahingi rin, Felix." Sabi rin ng mga kaibigan ko na walang papel rin at tinatangihan naman sila ni Felix pero binigyan niya sila ng papel na may halong samang loob dahul sa pagpipilit nila.
"Thank you, Felix. Ang bait mo talaga." Kinindatan siya si Alvinea at nasampal naman ni Theà siya.
Natapos na ang uwihan. Nagligpit ako ng mga gamit ko at may binigay sa akin si Felix na papel.
Babasahin ko sana ang papel pero lumapit si Delia kay Felix at may sinabi ito ka di ko marinig.
Haysst di pa rin niya naayos ang social skills niya? Ayh baliw ka ba, Elveen? Sa tingin mo ganun lang kadali ayusin.
"I'll wait for you in the outside." Sabi ni Felix bago umalis kasama si Delia.
Binasa ko naman ang nakasulat sa papel.
"How can I make you smile? Do you want to go with me in the amusement park?"
Napangiti naman ako sa sulat dahil gusto ko rin maglibang libang. Matagal na akong di nakapunta sa amusement park.
Lumabas ako at pumunta sa ate ko para sabihin sa kanya na di ako sasabay sa kanya.
Iniikot-ikot ang buong building pero wala akong nakitang Felix.
Nasalubong ko si Harchel kasama ang mga kaibigan niyang babae kaya napatago nalang ako pero may bigla tumakip sa mata ko.
"Felix...?" Sabi ko at kinuha niya ang pagkakatakip sa mata ko.
Lumingon ako sa likod. "Ouch! Di ako si Felix noh." May pagkadismayang sabi ni Terzo.
Si Terzo ay si handsome shiny boy. Tinanong ko ang pangalan niya nung paalis na ako sa rooftop.
"Sorry, hinahanap ko kasi siya eh." Sagot ko.
"Ayhh yung katabi mong lalaki?" Napataas naman ang kilay ko sa kanya.
"Oo yung lagi ganito ang mukha." Ginaya ko naman ang poker face ni Felix at nagtawanan naman kami ni Terzo.
"Bina-backstab mo ang crush mo?" Tawa ni Terzo.
"Hindi noh!"
"Anong hindi? Hindi mo siya crush o hindi mo siya bina-backstab?" Tanong niya sa akin.
"Hindi ko siya crush!!" Agad ko sumagot.
"Ikaw ah! Masyado kang denial." Turo niya sa akin.
"Promise! Di ko siya crush. Lock, period, walang erase. At kinain ang susi." Sagot ko at nagkunwaring lumunok ng susi.
"Pero bina-backstab mo siya? Ikaw ah! Traydor ka ah!" Tawa niya at sinamahan ko naman siya ng mukha.
"Di noh ginagaya ko lang mukha niya at saka wala akong sinabi na masama ah." Sagot ko sa kanya at tawa tawa pa rin siya. "Bahala ka nga diyan." Umalis na ako at sinundan naman niya ako.
Naghintay ako sa waiting shed dahil madali mo makita ang hinahanap mo doon kasi kitang kita mo kung sinong dumadaan.
Tumabi naman sa akin si Terzo. "Ba't ka naman nandito?"
"Sasamahan lang kita sa katangahan mo." Sabi niya at ngumisi.
Kanina sobrang shiny ng mukha niya pero ngayon gusto ko suntukin.
"Baliw! Uwi ka na oh gagabi na." Sabi ko sa kanya.
"Umuwi rin yung hinihintay mo." Nandikit ang mga kilay.
"What do you mean?" Tanong ko sa kanya.
"Kanina ko lang siya nakitang lumabas." Sagot niya at nasapak ko siya sa dibdib. "Aray!"
"Ba't ngayon mo lang sinabi?" Sabi ko at agad agad lumabas.
Pero wait baka biro niya ulit ito diba? Alam mo naman may pagkabaliw toh eh pero okay lang worth it naman.
Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya. "Seryoso ka talaga?" Tumango naman siya sa akin. "Hala baliw!" Sasapakin ko sana kaso nakailag.
"Bleee." Sabi niya at tumatawa sa akin.
Di ko alam kung bakit ko ito naging crush pero worth it naman eh diba, right?
Nakatapak ako ng isang piraso ng papel kaya kinuha ko at nang makalabas kami ay itinapon ko toh sa basura.
#Goodgirl #SaveThePlanetEarth #Enviromentist
"Save the mother nature?" Tawa ni Terzo kaya sinapak ko ng mahina sa likod.
"Baliw!!"
Umaga na at nasa paaralan ako. Di kami nagpapansin ni Felix simula nangyari kahapon.
Sobrang tahimik namin pero mas tahimik pa sa dati.
Di ko siya pinansin dahil bigla nalang siya nawala kahapon tapos grabi paghihintay ko. Gabi tuloy ako nakauwi kaya pinagalitan pa ako ng mama ko at pinapagpalo-palo ni papa.
Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang sakit ng pagpalo sa akin. Yung paa ko arghh!!
May kasalanan rin naman ako eh kung di nalang ako sumunod.
"Okay ka lang?" Tanong ni Theà ng makitang nahihirapan ako. "May nangyari ba sa paa mo? Kanina kasi parang nahihirapan ka maglakad eh."
Nang marinig ng dalawa kong kaibigan ang sinabi ni Theà ay tumingin sila sa akin. "Ah okay lang ako." Sagot ko.
"Sigurado ka? Baka nadapa ka ah alam naman natin na may pagkalamya ka." Sabi ni Alvinea.
"Patingin nga sa paa mo." Lumapit sa akin si Shen at aakmang ita-taas ang palda ko pero pinigilan ko.
"Please, wag, Shen. Nakakahiya." Sabi ko sa kanya.
"Alvinea at Theà takpan niyo at saka ikaw Felix sa bintana ka lang tumingin." Utos niya sa kanila.
Anong gagawin ko? Baka malaman nila? Anong sasabihin ko? Paano? Paano kung..?
"Okay lang talaga ako." Sabi ko sa kanila pero di pa rin sila naniwala. Nang itaas ni Shen ang palda ko ay nataasan ko sila ng boses. "Sabi ko naman na okay lang ako eh!! Di ba kayo nakakaintindi?! Ah!!"
"May tinatago ka ba sa amin?" Sumeryoso ang mukha ni Shen. "You don't act like that."
"Di ka na namin pipilitin. Pero wag mo naman itago lahat lahat sa amin." Sabi ni Alvinea.
"Nandito kami lagi sayo pero lagi kang tumatago sa amin, Elveen. Okay ka lang ba?" Maiyak-iyak na sabi ni Theà.
Okay lang ba ako? Pati sarili ko di kaya yan sagutin. Di ko alam kung okay lang ba ako o umaakto lang ako na di okay.
Litong lito na ako. Kung kaya ko itong sagutin matagal na ako nakahanap ng solusyon. O baka gumagawa lang ako ng paraan para di ako makahanap ng solusyon?
Natatakot ako baka nagpapangap lang ako o kaya walang mali sa akin.
Di na nila ako kinausap at ako lang magisa sa classroom. Pati si Felix ay lumabas at sa cafeteria yata kumain.
Napaiyak nalang ako kasi doon ko lang narealize na maraming mali sa akin.
Tinignan ko ang sugat ko at masakit sa banda ng mga binti ko na ngingitim na. Wala naman makakita sa akin dahil nakasara ang pinto ng classroom. Hinihipo-hipo ko toh ng mahina.
Bigla ako nakaramdam ng gutom pero wala akong gana kumain. Ang gusto ko lang ay magpahinga.
Pinagpatuloy ko lang ang paghipo sa paa ko.
"Who did that to you?!" Gulat ako ng marinig ko ang boses ni Felix. "Tell me, Elveen!!"
"Ah wala toh. Aksidente lang ako nahulog sa hagdanan nung paakyat na ako." Pagsisinungaling ko.
"Then, how can you not tell them the truth? Why did you lie at them if it's just an accident?" Di ako makasagot sa sinabi niya.
Nanatili akong nakatitig sa kanya. Di ko alam anong isasagot ko sa kanya.
Bumuntong siya ng hininga. "Let's go in the clinic." Sabi niya at umupo para makapagpiggyback ako sa kanya. "If you will just going to sit there, I will carry you." Labag sa kalooban ko magpiggyback sa kanya.
Pumunta kami sa clinic.
"Lagi nalang may dinadala ka dito sa clinic, iho." Sabi nung nurse at naguluhan ako.
Lagi nalang? At sino naman ang idinadala niya dito? Delia? May sakit ba sa si Delia?
Pinahiga ako ni Felix sa higahaan. "Anong nangyari sa kanya? Inatake rin ba ito ng asthma?" Tanong ng doctor.
"Ah... Her legs looks injured." Sagot niya sa doctor at naibaba ko ang tinging ko.
Tinignan ng doctor ang aking mga benti. "Anong nangyari dito, iha? Bat dami mong sugat?" Tanong ng doctor sa akin at di ako sumagot.
"She fell in the stairs." Sagot ni Felix.
"Lah parang pinapalo ito eh. Nahulog ka talaga sa hagdanan?" Tanong ng doctor sa akin.
"O-opo."
"Hintay ka lang muna dito ah kunin ko muna yung gamot sa kabilang clinic." Sabi niya at umalis.
"Did someone hit you?" Pagbasag ni Felix sa katahimikan.
"Wala noh. Sabi ko naman sayo nahulog lang ako sa hagdan." Ginalingan ko ang pagsisinungaling ko para di na siya magtanong. "Sayang di mo nakita kung paano ako nahulog." Biro ko.
Mabuti na at di na siya nagtanong sa akin.
Nang makauwi ako sa bahay ay wala pa sina papa at mama. Kami lang ng ate ko ang nasa bahay at nagsimula ng magaral si ate habang ako ay kinuha ko ang gamot ko para inumin.
"Magseselpon ka na naman?" Tanong sa akin ng ate ko. "Kung ayaw mo pagalitan ka nina mama kumilos ka. Tularan mo ako."
Mejo ako nainis sa sinabi ng ate ko. "Anong tularan? Ang sabihin mo peyborit ka nina mama kaya kahit anong gawin mo di ka nila papagalitan." Sabi ko sa kanya.
"At least ako maraming achievements. Eh ikaw? Wala. Kaya linisin mo na ang mga kalat dito para may ambag ka naman kahit papaano."
Kinuha ko naman ang walis at saka itinapon sa kanya dahil sa galit. Umaapoy ang kanyang mata na tumingin sa akin at sinimulan akong sabunutan.
"Anong ginagawa mo? Ba't mo tinapon ang walis malapit na matamaan ang t.v.?!" Nagtatakang tanong sa akin.
Bigla ako natauhan, bakit parang may mali?