Capture your holds IV

1263 Words
An image... In our mind. "Eleven, can we talk?" Sabi sa akin ni Delia at tumango naman ako sa kanya. Sinundan ko naman siya. "Ano pala gusto mo pagusapan natin?" Tanong ko sa kanya nang dumating kami sa locker. "Wag na tayo paligoy-ligoy pa." Aniya. "Lumayo ka na kay Felix." Sabi niya sa akin na kinagulat ko at the same time ay ikinainis ko. "Bakit? Kaibigan ko si Felix. Alam kong may gusto ka kay Felix pero wala kang karapatan sabihin sa akin toh." Sagot ko sa kanya. "Di mo siya pagmama—." "Kami na ni Felix." Bigla kumirot ang puso ko at malapit ng mahulog sa sahig ang panga ko. Para akong naging statue. "P-pero kahit kayo na. Wala kang karapatan sabihin sa akin yan. May pinagsamahan kami ni Felix, Delia." "Mas matagal ang pinagsamahan namin ni Felix kaysa sa inyo." Di ko napigilan na ikuyom ang kamay ko. "Di ito competition. At saka wala akong aagawin sayo si Felix dahil di ko siya gusto." Mahinahon kong sambit. "You don't like him, but whenever you look at him as if." "Oo na!! Aminin ko may gusto ako kay Felix pero alam ko naman kung saan ako lulugar, Delia." Aniko. "You don't. You already crossed the line, Elveen." Galit niyang sabi sa akin. Di ko naiintindihan ang sinasabi niya. Anong lumagpas na ako sa linya? I never crossed the line nor the river. "Di kita maiintindihan." "Masyado mo na niloloko ang sarili mo kaya tigilan mo na ito. Kinuha mo na lahat sa akin kaya di kitang hahayan kunin ang pagmamayari ko." Kahit anong ikot ko sa utak ko, di ko maintidihan ang kanyang sinambit. "Ikaw ang lumalagpas ng linya, Delia!! Di ako." Sigaw ko. "At di ko kinuha ang mga pagmamayari mo. Wala akong inagaw sayo." "You are crazy." Singhal niya. "Ikaw ang baliw!!" Galit kong sabi. Bigla niya binanga ang kanyang sarili sa locker at nagulat ako. "Ahhh!!" Sabi niya sabay hawak sa ulo niya. "Baliw ka talaga." Aalis sana ako pero nang tumalikod ako ay nakita ko si Felix na binigyan ako ng masamang tingin bago lumapit kay Delia. "Felix..." Di niya ako pinansin at binuhat niya si Delia paalis. Sumunod naman ako sa kanila. "Felix... di ko siya tinulak. Bigla nalang niya binanga ang sarili niya sa locker." Pagpapaliwanag ko at tumigil si Felix para lingonin ako. "Stop lying, Elveen. I saw you pushing her. But, I wish it wasn't real." Nagpatuloy siya sa paglakad habang ako ay nakatunganga dahil sa sinabi niya. Pero di ko siya natulak, Felix. Di siya tinulak ng mga kamay ko kitang kita yun ng dalawa kong mata. Napaiyak nalang ako. Nandito ako sa bahay, nakatunganga sa hangin. Naalala ko pa na kailangan ko pa uminom ng gamot kaya lumabas ako para kumuha ng tubig. Pagkatapos ko makakuha ng baso at nilagyan ng tubig ay papasok sana ako sa kwarto ko pero pinigalan ako ng ate ko. "Saan mo yan ilalagay?" Tanong ate ko habang nakatingin sa baso na hinahawakan ko. "Alam mo naman na bawal ka uminom o kumain sa kwarto eh baka may mabasa ka diyan." "Wala akong mababasa ate." Sabi ko sa kanya at pumasok sa kwarto. Ininom ko na ang gamot ko at tubig. Nilabas ko na ang baso baka mabasag ko pa sa loob, alam niyo naman na ang lamya ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa labas kaya agad ako pumunta sa higahan para magkunwaring natutulog. "Nasaan yung kapatid mo?" Rinig kong boses ni mama. "Sa kwarto niya, ma. Bakit?" Sagot ni ate sa kanya. Binuksan ng malakas ni mama ang pinto ng kwarto. "Tulog na naman!! Katamad nitong bata konti nalang papalayasin ko toh." Sabi niya at umalis. Tumulo ang mga luha ko sa aking pisngi at di ko pinalakas ang pagiyak ko dahil mas lalo sila magagalit sa akin. Di ko na alam bakit ako nagaganito. Di ko rin alam kung sino ang mali kung ako ba o sila. Ang gusto ko lang ay mawalaan ng tuluyan. Di ko na alam anong mali pero nararamdaman ko na may mali eh sa sarili at paligid ko. Iniisip ko lang na sana may tumulong sa akin dahil litong lito na ako. Bigla pumasok si Felix sa isip ko kaya agad ko kinuha ang jacket ko at lumabas. Di ko pinansin ang sinabi nila at nagsimula tumakbo paalis. Magpapaliwanag pa pala ako sa kanya. Nang makarating ako sa bahay nila ay doorbell ng doorbell ako pero wala pa rin sumasagot. Tinry ko naman tawagin ang binigay ni Felix na number pero di daw register yung number. "Bolsh8t!!" Napamura naman ako. Bigla bumukas ang gate nila at nakita ko isang yaya ang sumalubong sa akin. Wait, may yaya sila? "Sino po hinahanap niyo?" Tanong niya sa akin. "Nandyan po ba si Felix?" "Felix po? Sinong felix?" Tanong niya sa akin. "Felix... Jae Brown." Sagot ko sa kanya at napakunot ang noo niya. "Ah wala pong Felix na nakatira dito baka sa kabila po yata." Sagot niya. Nang sinira niya ang pinto may narinig akong babaeng nagsalita. "Nandito na naman yang babae na yan?" Napalunok nalang ako at umalis. Tumakbo ako papunta sa isang tulay na pinupuntahan namin ni Felix. Nagbabaka sakali makita siya doon pero ni isang anino Felix wala. Tumayo nalang ako doon at tinignan ang alon ng dagat. Kinuha ko ang selpon ko nagbabaka sakaling may nagtext sa akin na hinahanap ako o kinakamusta ako pero wala eh. Gusto ko tawagin ang mga kaibigan ko pero wala silang number sa selpon ko. Binuksan ko nalang ang reading app ko at binasa ang paborito kong kwento na 'Del—.' Bigla nahulog ang selpon ko sa dagat at sinubukan ko itong pulutin pero nahulog ako kaya sinubukan ko sumigaw ng tulong pero walang nakarinig sa akin. Di ako marunong lumangoy kaya nalulunog ako ngayon. Malalim ang tubig kaya tumatalon ako para di ako malunod. "T-tulonggg!!!!" Naiinom ko na ang tubig at tuluyan ako nalunog. Kahit ngayon gusto ko pa rin na may tutulong sa akin. Gusto ko malamaan ang masayang buhay tulad sa binasa kong kwento na 'Delia.' Hinihiling ko na kaibigan ko sina Shen, Alvenia at Theà pero hindi eh dahil di naman sila totoo eh. Kaibigan sila ni Delia at lagi sila nandyan para sa kanya. Gusto ko lang magkaroon ng kaibigan na nandyan para yakapin ka at tulungan ka. Pero bakit di pwede? Bakit magisa lang ako? Bakit wala akong kaibigan? Bakit walang may gustong kaibiganin ako? Ano bang mali sa akin? LAHAT BA?! KAYA DESERVE KO ANG NANGYAYARI SA AKIN. Nababaliw na ako kakaisip na may taong katulad ni Felix na lagi diyan para iligtas ka at tulungan ka pero di rin siya totoo eh. Gusto ko ang lahat na mayron kay Delia pero di sila totoo at hindi magiging akin. Gusto ko ng magulang na katulad ni Delia na mamahalin ka at gagawa ng paraan para sumaya ka. Gusto ko ng kapatid na katulad ng kapatid ni Delia na nandyan lagi para tulungan ka. Wala akong ate kaya ginawa kong ate ang kapatid ni Delia pero bakit ko siyang ginawang masama? Bakit ginawa kong masama si Delia? Bakit ko silang ginawang masama? Oh, right, I live in a hell where no one gives me sympathy.  I made them look bad, so everyone who reads this will feel sorry for me because no one ever did feel sorry for me. They were all an image in my mind. Everything is not real except for those pictures that are full of painful memories. Could I capture your holds? "Elveen, wake up please." THE END...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD