Chapter 12
Malamig ang simoy ng hangin habang naglalakad kami sa hallway papunta sa 9th Deck — ang tinaguriang Sx Hole ng Tempted Curse Cruise. Tahimik ang paligid pero masaya ang mga mata ng mga taong bumababa sa elevator — parang alam nilang pupunta sila sa isang lugar kung saan pwede silang maging ibang tao.
Kasabay ko ngayon ang lalaking hindi ko pa rin lubusang kilala — pero sapat na ang ilang oras naming pag-uusap para maramdaman kong ligtas ako sa piling niya. Ang lalaking tumulong sa akin kanina. Ang lalaking nagpatahan, hindi humusga, at binigyan ako ng kape at waffle — simple lang, pero ramdam mong galing sa malasakit.
Pangalawang beses ko ng pumunta dito, at feel ko talaga ay may mangyayari nanamang hindi maganda. I mean hindi ko pa rin talaga makalimutan si Cassiel.
“If you don't mind can I ask something?” tanong niya habang nakapamaywang, ini-adjust ang suot na jacket.
"Sure I don't mind naman" Sabi ko at ngumiti
"Nakapunta ka na rito?" Sabi niya "Ito kasi Ang pinakasikat na parte ng barko. Alam mo ba yun?"
“Hmm... To be honest, nakapunta na ako dito kahapon and I'm with Cassiel ,” sagot ko, napakagat sa labi. “And masasabi ko talagang amazing Ang experience, unlimited fvck and parties!?”
Ngumiti siya. “Exactly. The unlimited f**k is the main reason. Tatawagin ba itong s*x hole kung walang kantot?.”
Natawa ako. "HAHAHHAHA Ang weird mong magsabi ng kantot.”
“Am I dreaming? .” Hinila niya ang kamay ko, masaya. “Pinagtatawanan mo talaga ako? HAHAHAHAHHA"
“masama bang tumawa? Nainlove ka lang sa kagandahan ko eh,” biro ko.
“Baka nga,” sagot niya sabay kindat. Bigla naman akong kinabahan. Cringe.
Habang naglalakad kami, napunta ang usapan namin sa mga random na bagay. Parang natural lang, walang pilit.
“Anong gusto mong kanta habang nalulungkot ka?” tanong niya.
“Hmm... ‘Liability’ by Lorde,” sagot ko. “Ikaw?”
“'Fix You' by Coldplay. Pero ‘wag kang tatawa.”
“Hindi naman, promise. Actually, classic ‘yon.”
Napahawak siya sa dibdib. “Thank you for validating my broken heart music taste.”
Tawa kami nang tawa habang bumababa ng escalator. Hindi ko inasahan na sa gitna ng tensyon at gulo sa pagitan namin ni Cassiel, may makikilala akong tulad niya. Parang sinadya ng cruise na ito na ilapit siya sa akin.
“May girlfriend ka ba dati?” tanong ko, out of the blue.
“Yeah. One. Matagal din. Pero long-distance, so it died slowly... like a plant na hindi nadidiligan.”
Natahimik ako saglit. “Ako rin. Pero yung sa akin.. hindi maayos, Basta bigla na lang siya nawala. Iniwan niya ako ng walang paliwanah.”
Tumango siya. “That explains a lot.”
Napatingin ako sa kanya. “Ano ‘yun?”
“Kung bakit ka may walls. Pero open-minded ka pa rin. Rare ‘yan, Laicel.”
Bago pa ako makasagot, biglang bumukas ang pintuan ng elevator. Nagpalitan kami ng tingin.
9th Deck. Ang sinasabing pinaka-wild, pinaka-sikretong parte ng buong barko.
Lumapit kami sa main entrance ng hall — malaking double doors na kulay black and gold, may naka-engrave na salitang: “No Judgement Beyond This Point.”
Habang papasok na sana kami, bigla kaming napahinto sa isang boses na pamilyar — masyadong pamilyar.
“Find your own girl, man. She’s mine.”
Napalingon ako. Hindi na ako nagulat sa nakita ko.
Cassiel.
Nakatayo siya sa kabilang side ng hallway, naka-itim na long sleeve, bahagyang disheveled ang buhok, pero kitang-kita sa mga mata niya ang apoy. Ang matalim na tingin, ang galit sa panga niya, at ang hawak niyang wine glass — na para bang ayaw niyang pakawalan, pero ako ang tunay niyang pinipigilan.
“Cassiel,” bulong ko.
“I said,” ulit niya habang palapit sa amin, “find. your. own. girl.”
Tumayo si Caleb sa tabi ko, hindi umatras. “Hindi mo pag-aari ang mga babae, bro.”
Umirap si Cassiel, at lumapit nang bahagya. “Hindi. Pero may deal kami. Hindi mo alam ang pinagdaanan namin. So don’t act like you care after just a few smiles and shared coffee.”
Napasinghap ako. Ramdam ko ang init ng tensyon sa pagitan nilang dalawa.
“Cassiel, enough,” singit ko.
“No, Laicel. Pinag-usapan na natin ‘to. You said you’re with me.”
“Akala ko rin ‘yon,” sagot ko, “pero nangyari ba? Hindi mo ako ipinaglaban. Hindi mo ako pinanindigan sa harap ng ibang tao. Lahat ng ‘to... hindi ko sigurado kung parte ako o tago lang ako sa mga oras na convenient sa'yo.”
Tahimik si Cassiel. Ilang segundo ring hindi siya kumibo. Ngunit hindi siya umalis.
Biglang sumingit si Caleb, banayad ang tono pero buo ang paninindigan. “Kung may gusto ka talagang ipaglaban, then show her. Not me.”
Napatingin ako sa kanilang dalawa. Sa isang banda, si Caleb — kalmado, matino, marunong rumespeto. Sa kabila, si Cassiel — magulo, madilim, pero totoo sa nararamdaman niya.
“Let’s go,” aya ni Caleb, mahina.
Pero bago pa ako makagalaw, hinawakan ni Cassiel ang kamay ko. Hindi marahas. Hindi rin malambot. Sakto lang — parang sinasabi niyang: “Hindi pa ako tapos.”
“Please...” bulong niya, halos hindi marinig. “Stay.”
Napapikit ako. Ang dami kong gustong isipin. Ang dami kong gustong takasan. Pero ang puso ko... tumitibok pa rin para sa kanya.
Lumunok ako ng buo, at dahan-dahang binitawan ang kamay ni Caleb. Tiningnan ko siya sa mata, at buong taos-loob na sinabi:
“Thank you... pero I’m not done with him yet.”
Tumango si Caleb. Wala siyang sinabi, pero alam kong naiintindihan niya. Tumalikod siya at iniwan kami doon — walang galit, walang panghuhusga.
Humigpit ang hawak ni Cassiel sa kamay ko. Nagkatinginan kami.
“Bakit ako?” tanong niya.
“Dahil kahit anong gulo ng mundo mo... ikaw pa rin ang hanap ko.”
“T-Tumigil ka, Cassiel!”
Pero hindi siya nakinig. Tinulak niya ako sa kama, hindi marahas, pero sapat para mapaupo ako sa kutson. Nanlalaki ang mata niya, nanginginig ang mga kamay. Ang kanyang dibdib, taas-baba sa galit. Hindi ito ‘yung Cassiel na kahapon lang ay ngumiti habang nakahiga sa tabi ko. Ito ang Cassiel na galit, naguguluhan, at hindi marunong magmahal kung hindi sa paraang nakakasugat.
“Ahhh? Bakit mo ginagawa sa akin ‘to? Akala ko ba walang iba sa fubu na ‘to?” sigaw niya, halos pasigaw na ang tono. “Bakit kasama mo nanaman ‘yung lalaki!?”
Natahimik ako. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ‘yon — hindi ko alam kung may karapatan pa siyang magalit. Pero nang tiningnan ko siya, nakita ko sa mga mata niya ang pamilyar na apoy. Hindi lang ito selos… kundi sakit.
“Cassiel, bakit ganito ka?” tanong ko, nanginginig ang boses ko. Hindi dahil natatakot ako sa kanya. Natatakot akong baka mahalin ko siya sa ganito pa ring paraan — kahit sinasaktan na ako.
Sumigaw siya, mas malakas. “Ikaw ang tinatanong ko kung bakit ganito! You’re always hurting me!”
“Bakit ka nasasaktan, huh?” tanong ko, diretso ang tingin sa kanya. “Ikaw ba ‘yung pinahiya ni Kyla sa maraming tao? Ikaw ba ‘yung sinabunutan? Ako ‘yun, Cassiel. Ako ‘yung hinarap ng lahat ng tingin at tsismis. Ako ‘yung nilait sa harap ng lahat habang nanonood ka lang.”
Pumatak ang unang luha sa pisngi ko, pero hindi pa ako natapos.
“Ginagamit mo lang ako. Ginagamit lang natin ang isa’t isa. But at least, ako… hindi ko sinaktan ang pagkatao mo sa harap ng iba.”
Napatigil siya, pero hindi siya lumapit. Hindi rin siya umiwas.
“Pero hindi ko rin mapapangakong iiwas ako sa ibang lalaki,” patuloy ko, boses ko nanginginig pero buo ang loob. “Kasi, in the first place, ako ang hinahunting ni Kyla — dahil sa’yo. Dahil pinili mo akong katabi sa gabi, pero hindi mo ako kayang ipaglaban sa liwanag.”
Tumahimik ang paligid. Ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng aircon at ang mabilis na t***k ng puso ko. Napatakip siya ng palad sa kanyang bibig, at saglit na umupo sa gilid ng kama — parang napagod bigla ang buong katawan niya.
“Cassiel…” muli kong bulong. “Kung gusto mong ipagpatuloy ‘to, make sure na kaya mo akong ipagtanggol. Na kaya mong ilayo sa akin ‘yung Kyla na ‘yon. Kasi hindi ko na kayang masaktan ulit dahil lang sa gusto mong itago ako sa likod ng kasunduan natin.”
Tumingin siya sa akin. Puno ng lungkot. Puno ng pagsisisi.
“Laicel…”
Inabot niya ang kamay ko, pero umatras ako. Tumayo ako mula sa kama, inayos ang suot kong damit, at tuluyang pinunasan ang mga luhang tumulo na sa pisngi ko.
“Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan, Cassiel,” sabi ko. “Pero ang alam ko… hindi na sapat ang katawan lang. Kasi natuto akong umasa. Natuto akong magmahal sa maling paraan.”
Lumakad ako papunta sa pinto. Bago ako lumabas, huminto ako saglit. Narinig ko ang paghinga niya, ang bigat ng katahimikan sa pagitan namin.
“Kung ako talaga ang gusto mo… hanapin mo ako. Sa tamang paraan. Hindi sa kama. Hindi sa kasunduan. Kundi sa harap ng maraming tao, na buong buo mong pinaninindigan.”
At binuksan ko ang pinto.
Hindi siya sumunod.
At sa unang pagkakataon, ako ang nang-iwan.