"Bruha, ka talaga! girl. Kung hindi pa kita dito pinuntahan. Wala akong kaalam alam sa ganap ng buhay mo. Kayo na pala ni Kennedy hindi mo manlang sinabi sa akin. Nagkasakit ka, hindi ko manlang alam. Nakapag tatampo ka, alam mo ba yun?" Nagka haba-haba na nguso ni Analyn sa kaibigan. Isang linggo mula ng nagkasakit siya. Inaalagaan siya ng mabuti ng binata kaya mabilis siyang gumaling. Dalawang gabi na magkasama sila ni Kennedy natulog sa kanyang silid pero hanggang kiss lang at yakap ang namagitan sa kanila ng binata. Nakalimutan tuloy ni Khala na i-text ang kaibigan sa sobrang saya at kilig na ginawa sa kanya ni Kennedy. Araw ng linggo ngayon kaya day off ni Khala. Wala din trabaho sa taniman ng papaya at saging ni Analyn kaya binisita niya ang kaibigan. Gusto niya din sabihin na mag in

