Nagising si Kennedy na magkayakap pa rin sila ni Khala. Napangiti siya habang minamasdan ang maganda at maamong mukha ng dalaga. Mabuti nalang naging maayos na ang kanyang pakiramdam. Nag init bigla ang kanyang katawan ng maalala na muntik na siyang hindi nakapag pigil kagabi. Kaya ngayon hanggang kaya niya pang magtimpla nag desisyun na siyang bumangon. Maingat niyang inalis ang kamay ni Khala sa kanyang dibdib. Dahan dahan siyang bumangon para hindi magising ang kanyang nobya. Hinalikan niya muna sa labi bago umalis sa ibabaw ng kama. Inayos niya lagay ang kumot sa katawan ng dalaga saka lumabas ng silid. Alas kwatro ng umaga pa lang kaya umuwi muna siya para makapag ligo at bihis. Nang makalabas siya sa bahay ni Khala marami-rami na rin ang tao sa kalsada. "Kennedy inumaga ka yata sa

