Mabilis ngunit maingat na pag drive ang ginawa ni Kennedy ng kanyang taxi. Nagsisi siya kung bakit iniwan niya kanina ang dalaga. Naisip niya na baka kanina pa masama ang pakiramdam ni Khala. Naalala niya na may towel pala siya sa kanyang balikat kaya kinuha niya dahil malinis naman. Binasa niya ng tubig na baon niya rin at nilagay sa noo ng dalaga. Panay ang haplos niya sa noo ng sobra siyang nag-alala sa nobya dahil sobrang ina-apoy ng lagnat. Kinse minutos nakarating na rin siya sa bahay ni Khala. Inayos niya muna ang pag park ng taxi saka lumabas at umikot papunta sa pwesto ni Khala. Maingat niya itong binuhat papasok sa gate. Kinuha niya din ang susi sa loob ng bag ni Khala. Pagbukas niya ng pintuan dumiretso ang binata sa silid ng dalaga at maingat na pinahiga si Khala kama. Lumabas

