"Ukaye may outing ang pamilyang pinagtatrabahoan ko, isasama raw ako gusto mo bang sumama?"
Sinusuboan ko si Levi ng kanin at ulam nitong hatdog ng biglang dumating si mama galing sa pinagtatrabahoan. Isa sya sa katulong sa isang malaking pamilya. Pamilya ni Nash. At ano raw outing? May outing sila Nash, bakit hindi ko alam? Kailangan ba alam mo Ukaye gosh stop daydreaming about that guy ni wala nga kayong label eh. So pity of you.
"Marami po akong gagawin sa school ma, si Levi nalang po isama nyo," tanggi ko ka agad.
Ayaw kong makita ang pamilya ni Nash natatakot ako sa posibleng mangyare kapag ganon. If his family finds out about us, ay baka hindi lang trabaho ang mawawala kay mama baka pati ako. I can't afford to see my parents struggling to provide our own needs, ni hindi nga ako hingi ng hingi para hindi sila ma bigatan. It's very scary when your boyfriend has a wealthy family, simula pa lang ito na ang kinatatakutan ko eh. If they don't like you, they can offer a bigger amount for you to leave their son thinking you are just into their money. And they can do worse than that.
I know everything because I came from one of the most wealthiest families in Asia, and I can say that hindi lahat ng mayayaman ay masaya at maganda ang buhay. Puro nalang kase pera ang umiikot sa mundo nila. Sure you can do whatever you want, you can buy anything you need and want, you can afford everything but only one thing that rich people couldn't afford is happiness. Money can't always buy happiness, but money can buy things that can make you happy.
I still remember how desperate the parents of my schoolmate kneeled in front of my dad to let them marry me and their son to save their business. That was very traumatizing for me because I saw with my two eyes how angry they were when my father declined the offer and used to scare us with their guns pointed in our head.
Hindi ko alam na ganon pala kalala ang mararating ng mga taong uhaw sa pera na pinaghihirapan naman ng iba.
"Bakit anak? Maganda naman sa boracay ah,"
Wow, boracay pa nga.
"Syaka hindi kapa nakakapunta roon dba?"
Napaubo naman ako bigla sa tanong ni mama. Kakauwi ko lang noong isang linggo galing doon eh. Hindi ko ba nasabi sa kanya? Right nung nag paalam kase ako ay hindi ko na sabi kung san ang punta ko ni hindi nya rin ako tinanong, so I totally forgot.
"Ate syama ka na po..."
Kinurot ko naman ang pisnge ni Levi ng sumambat sya sa usapan namin.
"Ayay po!"
I laugh at his reaction. Ang cute talaga nya pwde ko kaya syang isama pauwi sa mundo ko? Gusto ko talaga ng may kapatid.
"Sasama ka naba anak?"
Pucha naman hindi ako titigilan ni mama kapag hindi ko na sagot ang tanong nya ng may saktong rason. Gusto ko mang sumama ay pinigilan ko ang sarili ko dahil baka hindi lang pamilya ni Nash and nandon. They have a lot of connections, and I don't want to be seen. Nag isip naman ako ng dahilan. At naisip ko nalang ang isang dahilan na dapat hindi ko muna ipapaalam sa kanya dahil baka pati sya ayaw sumama.
"May practice ako ma for intramurals, at hindi lang yun ang paghahandaan ko,"
Pinalo nya naman ang braso ko sa narinig. Sabi ko nga na hindi muna ipaalam sa kanya eh. Napabuntong hininga naman ako ng pinalo nya na naman ang pwetan ko. Hindi maka move on tamo papaluin na naman ako nito.
"Aray ko ma ha naka ilan kana,"
"Bakit hindi mo sinabi?"
"Eh kase... ma!"
Nag madali naman itong kunin lahat ng pinasok nyang damit at iba pang gamit sa bagahe na dapat ay dadalhin nya papuntang boracay.
Ito na nga bang sinasabi ko eh.
"Ma! Hindi nyo na po kailangang gawin yan,"
"Anong hindi? Hindi na ako sasama nak dito nalang tayo, sasamahan ka namin habang nag papractice ka."
Gusto kong matawa sa ka praningan nitong mama ko. Ganito talaga sya parati kapag nalaman nyang may sinasalihan ako. Tudo suporta sya sa lahat ng gusto ko to the point na dadalhan nya pa ako ng makakain sa school at snacks kahit hirap syang humanap ng pambili.
The best mother I've ever had.
Hinawakan ko naman ang kamay nya upang pigilan sya sa ginagawa.
"Ma ayos lang po talaga, mag enjoy po kayo don sumama po kayo para man lang makapag pahinga ka sa gawain at iba pang bagay... mapalayo kayo sa problema," pag bolabog loob ko.
Kumalma naman ito at tinitigan ako na parang nag dadalawang isip.
"Sigurado ka ba? Kaya mo ba ang sarili mo?" puno ng pag aalala ang kanyang boses.
Parang gusto kong maiyak. Kung sana dito na lang ako. Ayaw ko na bumalik sa nakakapagod na mundo ko.
"Oo naman ma, ako pa ba? Hahaha..."
"Anak," seryuso na ngayong usal nya.
"Oo na po, kaya ko po ang sarili ko alam ko po lahat ng gagawin. Lahat ng itinuro nyo sa'kin hinding hindi ko makakalimutan,"
Kinurot nya ako sa tagiliran na syang kinadaing ko. Hindi parin talaga nag babago kahit masaya sya nangungurot kung galit naman nangungurot pa rin. Tinulongan ko syang e impake ang mga gamit nya pati na rin ang mga dadalhin ni Levi. Sinuot ko sa batang maliit ang bag pack nya na spiderman at sumbrero dahil mainit roon, imbes mag relax ma stress ka pa dahil sa init ng balat mo. Mabuti at pinabaonan ko si Levi ng lotion nya tska pulbo.
Maagang silang umalis dahil maaga raw ang flight nila, nag matigas pa ulit si mama na hindi sasama dahil nga ay kinakabahan na ako lang mag isa. Parang naman ang bata ko pa para hindi iwan mag isa. Ginagawa talaga nya akong bata.
Kahit nag dalawang isip ay sumama parin si mama dahil excited na rin ang kapatid ko na tudo hila sa kanya sa sasakyan ayaw mag pa iwan. Kahit ganon ay thankful ako kay Levi dahil sa pag hila nya ay tuluyan ng sumama si mama na wala ng magawa kundi sumakay sa kotse.
Gustohin ko mang sumama ay ayaw kong malaman ng pamilya ni Nash na may anak na babae ang nag tatrabaho sa ka nila. Lalo na at ako ang babaeng bukang bibig ng anak nila baka kung ano pa ang gawin nila sa pamilya ko ng dahil lang sa ayaw nila sa mahihirap na gaya namin.
I can't imagine how ruthless they can be for the sake of money.
SSC VOTING BOARD
FOR PRESIDENT
Unymae Kaye Marquez 98.99
Casidy Umi Alvarez 96.05
Jazmine Queen Reyes 95.06
Zenn Ash Abalo 93.05
Wow. Just wow.
"Besh hindi ko alam na ang dami mo palang fans,"
I made a face to Gigi when he teased me when we checked the voting board for the coming election. Gosh pati ako na gulat sa rating ang laki ng lamang pero mas na gulat ako sa pangatlong pangalan na kandidata. Kasali pala si babaeng panda dito pano nangyare yun?
"Besh, I'm shockening."
"Yeah, same,"
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa laki ng voting ko. Galing ba to sa fans o sa mga haters ko? Kase parang ang rami nila eh hindi ko mabilang.
"How the hell happened?"
"Wag ka ngang chosy girl hindi ako dyang na gulat..." tinuro nya ang pangalan ni panda sa board. "Kundi dito,"
"Pano nakapasok to? E ang sama ng ugali kapal naman ng mukha nyang mangarap maging parte ng student council e sya pa nga ng dodown ng kapwa nya estudyante,"
I didn't mind him ng mag simula na syang mag rap ng kung ano ano tungkol kay babaeng panda. Pet peeve na nya yata ang babaeng yun simula ng inaway ako. Nakakaselos ha sa kanya na sya naka focus.
Charr kadiri.
"Ang landi pa! Nilalandi nya si papi ko sa medicine department, nakooo!"
Napatingin naman ako sa kanya.
"Teka nga, may jowa ka?"
"Oo beshy hehe wag mo pagkakalat ha ako lang kase nakakaalam,"
Muntik ko na syang hampasin sa noo sa pinagsasabi nya.
Ang seryuso ng tao e.
"Taena mo. Sino ba yan at ka department pa talaga natin,"
"Si Cian! Ang pinaka gwapong nilalang na nakita ko sa buong buhay ko,"
Parang tanga nito ang oa pakinggan.
"Nako baka red flag yan," puna ko ka agad.
Feel ko manloloko tsaka sinungaling.
"Girl hindi red flag ang papi ko, he is the kind of all kinds believe me," may pa pikit pa syang nalalaman habang sinasabi ang katagang yun.
"Talaga bah? Hindi ko naman kilala yan, patingin nga picture baka nakita ko na, nakalimutan ko lang,"
"Saglit,"
Kinuha nya naman ang phone nya sa bag. May kung anong pinindut pa sya bago binigay sakin. May tinatago ang bakla.
"Here oh, i********: nya,"
Caiden Dryle Yzaie
@cianyzaie
Life is short, kaya akin ka nalang.
1 following 5.k followers