Chapter 1
"Hi?"
"Dare lang po ito saakin"
Bigla akong kinabahan sa message nang isang babaeng hindi ko kilala, bakit ako? bakit ako pa ata ang mapapagtripan neto? pag aalinlangan kong tanong sa sarili.
"Sino nanaman 'yan?" tanong sakin ng aking nanay at sumabay naman ang pinsan kong bida-bida "ahh si ano..." napakunot ang noo ko dahil hindi ko naman alam kung sino ang tinutukoy niya.
pinag patuloy ko na lang ang pagkain kesa maubos ang pasensya ko dito, mainitin ang ulo ko, sobrang bilis kong magalit sa mga ganitong bagay.
"ay siya-siya kumain na lang tayo"
Naging masaya ang hapunan namin, maayos naman at hindi na muling napunta saakin ang kwentuhan nila. Natapos kami ng maaga dahil alam ko na mag kakasiyahan pa sila sa labas at ngayon lang daw naman nag kita-kita muli.
Umakyat na'ko para matulog hindi parin mawala sa isip ko ang babaeng nag message saakin kanina at dahil gusto kong malaman kung sino ang nag dare sakaniya ay nag reply ako sa message niya.
"Sinong nag dare sa'yo" tanong ko sa sakaniya sa pamamagitan ng message sa social media.
"Friend ko po" sagot niya.
"Sinong friend?" tanong ko muli.
"Sabi niya ay kaibigan mo din daw po siya" nang matanggap ko ang message na 'yon ay agad kong inisip ang pangalan ng mga kaibigan ko at agad kong nireply sakanya ang mga ito.
"Cas?"
"Kaycee?"
"Jayne?"
"Sif?"
"WAG MO AKONG PINAG TRI-TRIPAN" Huling reply ko na sakanya na naka capslock dahil alam ko na sa buhay millennials ay capslock letters ang mag paparamdam na galit ka na o naiinis ka na.
dumaan ang dalawang araw at ako pa din ang last message sa babaeng nag message saakin nung nakaraan. "halatang trip-trip lang ang ginawa niya" bulong ko sa sarili. nang humiga ako sa aking higaan ay biglang umilaw ang aking cellphone at tinignaan ko ito, "tss! siya nanaman" mahina kong bulong muli.
"Hi ako nga pala si Nicole, Nicole Quarez" Nang magpakilala siya ay agad kong inis-talk ang social medias niya, maamo ang kanyang muka at napaka ganda ng kanyang ngiti sa bawat litrato na kasama ang kanyang mga magulang. makikita mong wala siyang arte sa katawan o kahit anong abubot sa katawan.
"mhm? sino?" reply ko sakanya dahil desidido talaga akong malaman kung sino ng ang nag dare non sakaniya.
"Kaycee" Reply niya muli.
Agad kong minessage si Kaycee
"Kays naman, bakit ako pa?" Tanong ko
"Alina, you need a friend. Nicole is just a new version of me, mabait 'yon promise" Sagot niya sa aking message.
"hindi ko kailangan, madami akong pinag dadaanan. pakisabi ay tumigil na siya, Salamat." Pag didiin ko kay Kaycee na hindi ko kailangan ng bagong palamuti sa buhay ko.
Lunes na at may pasok ako, nag ayos na'ko ng aking sarili.
Isa akong high school student na nag aaral sa St. Laurellian High School, isa sa pinakasikat na paaralan dito saamin. Nang matapos na akong makapag ayos at hihintayin ko na lang ang aking sundo, napabukas ako ng cellphone at nag tungo sa message niya.
"I am Alina Savilla" Nagulat na lang ako nang maireply ko ito sakanya.
Nariyan na ang aking sundo, sumakay na ako at nag tungo na kami sa St. Laurellian High School.
"Good Morning" Bati saakin ng guwardya. hindi ko ito pinansin at nag tungo ako saaking locker, nakita kong may nag kukumpulan malapit saakin.
"Ang pogi mo kuyaaa~" sabi nang nag titiliang mga babae.
"Kung ang tagalog ng smile ay ngiti, sino yung nakaputi?" Sabi naman ng isang babae na akala mo ay napaka ganda niya.
Napasilip ako dahil sobra-sobra na ang kumpulang nabubuo sa paaralan.
"Ay lintik! papansin nanaman itong lalaking ito." bulong ko sa saarili habang papalayo na ako sa kumpulan. Nagulat ako ng marinig ko ang aking pangalan na binabanggit ng lalaki.
"Alina"
"Alina" nilingon ko kagad ito dahil ayaw kong makakuha ng intensyon ng iba.
"Magandang umaga binibini" Malambing niyang bati saakin.
"Lance, tigilan mo na ako, ilang babae pa ba ang aangasan mo" pasigaw kong sagot para mapahiya siya.
Lance Gabriel Vasco, kilala ang kanyang pangalan dahil siya ay pogi at magandang pag masdan ang kanyang mata, matangkad, moreno ngunit kinakahiya siya ng kanyang mga magulang lalo na ang kaniyang tatay dahil sa grado niyang napakababa. Isa na rin sa dahilan kung bakit siya ganyan ay dahil kulang siya sa pansin ng kanyang mga magulang, hindi rin nila pinupuntahan ang bawat okasyon na mahahalaga kay Lance kaya't lumayo ang loob niya sa lahat.
Umakyat na ako sa building at mukang nakasalubong ko si Nicole Quarez, hindi ko pa kabisado ang bawat detalye ng kanyang itsura kaya ngumiti na lang ako nang batiin niya ako ng magandang umaga.
Pumasok na ako sa room at nag tungo ako sa aking upuan, katabi ko si Kaycee at binigyan ko siya ng masamang tingin.
"Ano nanaman Alina? iba nanaman ang tingin mo saakin" tanong niya nang mahalata niya ang aking tingin.
" 'Di ba sinabi ko sa'yo na hindi ko kailangan ng palamuti" sagot ko habang nakataas ang isa kong kilay.
"Subukan mong kilalanin siya, mabait pa 'yon sa mabait" Pag tatanggol niya kay Nicole.
Ilang oras na din ang nakalipas at malapit nang mag uwian
"Alina, tara gala" pag yaya niya saakin.
"Pass, kailangan kong umuwi" tipid kong sagot sakaniya.
"Ngayon lang ito, please?" pag pupumilit niya, tumango na lang ako at sumama.
maya-maya ay dinala n'ya ako sa isang lugar na hindi ko alm...
"Charann, nandito na tayo" Sabi nito saakin. maganda ang lugar na ito at ang lakas maka high school life ng bawat disenyo. natanaw ko si Nicole Quarez, ang ganda ng ngiti niya at mukang palapit siya saamin. Nang makalapit siya ay agad niyang binanggit ang pangalan ko.
"Alina right?" tanong niya saakin. tanging tango na lang ang nagawa ko dahil naninibago ako. nakipag shakehands siya sakin at inanyayahan kaming maupo.
Isang simple kainan lang ang pinuntahan namin, hindi mamahalin ang pagkain rito.
"Umorder na din pala ako ng memeryendahin natin" Sabi ni Nicole saamin.
Lumipas na ang oras at mag aala-cinco na pala, bigla akong napatayo sa kinakaupuan ko dahil alam ko ang kakahina't-nan ko pag kauwi ko sa bahay. Umuwi ako ng hindi nag papaalam sakanila, bigla lang akong tumayo at hinablot ang bag kong dala saka lumabas sa pintuan.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong saakin ng aking ina. Hindi ako sumagot dahil alam kong mapapagalitan lang ako sa huli. Nag tungo ako sa aking silid para mag pahinga at mag palit ng damit.
"Bakit ka umalis ng biglaan" message saakin ng kaibigan ko.
"Anong oras na Kaycee, ang usapan natin ay hanggang alaskwatro lang ako" reply ko sakaniya
-Kinabukasan-
Tinanghali ako ng gising dahil medyo napagod ako kahapon. mabilis akong naligo at kumain, nag hihintay na lang muli ako ng sundo. umupo ako sa sofa at napapikit.
"Nice to meet you Alina" reply saakin ni Nicole sa kahapon ko pang sinent na message. Hindi ko ito pinansin dahil wala naman akong sasabihin sakaniya pabalik.
Nandito nanaman ako sa skwelahan, nakasalubong ko nanaman si Nicole. Ano ba naman ito, talagang kami ata ang pagtatagpuin ng tadhana. pumasok na ako sa silid at nag tungo sa upuan, kitang-kita ko ang saya sa muka ni Kaycee.
"Anong muka 'yan Kaycee?" Tanong ko sakaniya
"Wala, masaya lang ako para sa'yo"
Hindi na'ko nakasagot dahil dumating na ang guro namin, pinatayo ako nito at pinapunta sa harapan.
"Ms. Savilla" sabi niya saakin, bigla akong kinabahan dahil iba ang titig ng guro namin saakin.
"Yes, Mrs. Mariano?" tanong ko sakaniya.
"Ikaw ang mag bibigay ng marangal na pananalita sa ating paparating na okasyon"
Napalaki ang aking mata dahil hindi ko alam kung para saan ito, "marangal na pananalita? speech ba ang tinutukoy niya?" tanong ko sa sarili.
"May paparating tayong visitors mula sa ibang bansa na gustong tignan at mag invest netong paaralan na pinatayo ni Don. Felipe Ortiz" dugtong ni Mrs. Mariano sa sinabi niya kanina. biglang napatingin saakin ang aking mga kaklase dahil sa pangalan ng may-ari nitong paaralan dahil kilala itong tao sa loob at labas ng bansa.
Bumalik na ako sa upuan at nag pasiyang makinig na lang sa sinasabi ng guro.
Uwian na at pinaiwan ako.
"Ms. Savilla, ready na ba ang speech mo?" Tanong ng guro ko saakin. Hindi ako umimik dahil masyado akong na pre-pressure sa tinatanong niya saakin.
"Kung hindi pa ay tapusin mo na, gustong marinig at makita ng mga coordinators ang sasabihin mo at para na rin maitama nila ang mali sa mga babanggitin mo" dugtong nitong wika saakin.
"Kailan po ba ang paparating na okasyon sa skwelahan natin?" Tanong ko.
"Sa paparating na biyernes, dadalo din ang iyong lolo kaya't kailangan ka na tagapag salita para sa okasyon na iyon" sagot niya at tumayo na'ko para umalis ng silid.
"Ang tagal mo naman" Sabi saakin ni Kaycee pagkalabas ko ng silid, napansin ko na kasama niya nanaman si Nicole.
"Wag ngayon Kaycee, magiging busy ako sa paparating na okasyon" umalis na lang ako sa harapan nila at nag tungo sa sasakyan namin. Nakaapak na ako sa unang pinto ng bahay namin, bumukas ang pinto at sinalubong ako ni manang Marielle. Nanay na ang turing ko sakaniya dahil iba ang pag aalaga na ginagawa niya saakin, kahit galit ako ay kaya niyang baguhin ang itsura ko at ilayo ako sa negatibong kaisipan.
"Kumain ka na ba Alina?"
"Opo, manang"
"Siguraduhin mo dahil makakasama sa'yo ang hindi kumain dahil umiinom ka ng gamot" pag aalala ni manang saakin.
"Opo, Sige na manang mag papahinga na po ako" Sagot ko kay manang.
Nag tungo na ako sa aking silid, nang makahiga ako ay bigla na lang tumunog ang aking cellphone at binuksan ko ito.
"Good Luck Inah" Message sakin galing kay Nicole.
"Sinong Inah?" Tanong kong reply sakaniya.
"Inah short for Alina, nilagyan ko lang ng letter "h" para ramdam mo yung hininga ko"
Napangiti na lang ako sa reply niya dahil ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong message sa buong buhay ko.